Yasmine's POV
Flashback ~
"Tita!"
I shouted habang papalapit ang aking tiya
"Oh my, Yasmine is that you? Ang laki mo na" she hugged me tight and kissed my cheek
"Tita, what's this?" kinuha ko ang hawak nito na paper bag na para daw sa akin "Open it" *smiles* look, ang swerte ko talaga kay tita
"Thank you tita!" I kissed her cheek with joy, dahil may bago nanaman akong toy
Tuluyan kong binuksan ang naka paper bag at isang magandang doll ang bumungad sa akin
Samantalang si mommy, palaging sinasabi na I have too much toys
Eh puro sira naman na, at nakakatakot pa mga mukha ng mga dolls at barbie ko bukod kasi sa mahilig ako maglaro mine-make up ko pa aila using pentel pen hihi
"Oh Marisse? How are you sis? Napabisita ka?" tumingin ako sa kanila, at napaisip na lamang kung ano ang pakiramdam ng may kapatid
"Ah oo, nangangamusta lang"
"Yasmine" tita called me "Baby, nandoon sa labas si kuya Jhade mo kasama si tito mo, maglaro muna kayo doon may pag uusapan lang kami" tumango ako sa aking tiya, at agad na inayos ang regali nitong manika saka tumungo sa labas
Ilang oras ang lumipas at masaya kaming naglalaro ni kuya Jade, ngunit mga ilang sandali ay naisipan ko sanang pumunta sa loob upang humingi kay yaya ng makakain
Bubuksan ko na sana ang aming pintuan upang pumasok ngunit napahinto ako sa pinaguusapan ng aking mommy at tita
"Maria, kahit anong gawin mo doon pa rin siya hahantong"
"Ate, pwede ba huwag muna nating pag usapan ang bagay na iyan"
"At bakit hindi?"
"Bata pa lamang si Yasmine, at hanggang maaari gusto ko siyang protektahan"
"Paano mo pa siya mapo-protektahan sa bagay na nakaguhit na sa kaniyang hinaharap?"
"Ate please lang"
"No, kailangan niyang harapin iyon dahil nasa dugo na natin iyon!"
"Ate ayaw ko lang naman matulad siya kay-"
"Sa ating ina? Hinding hindi iyon mangyayari sa kanya" napahinto ang aking ina sa pagaakalang nakita ako nito ngunit nagpatuloy ito "Binasa mo ba?"
"Hindi!"
"Ate Marisse!" madiing sambit ng akin ina, tungkol saan kaya ang pinaguusapan nila
"Okay fine, oo binasa ko ang kapalaran niya"
"At tandaan mo, maling mali ang hindi niya malaman ang tungkol sa mga spell"
"Kaya hangga't maaga pa, kailangan mo ng ipaalam sa kaniya upang hindi na humantong pa sa ikakasakit at ikakapahamak niya"
Nalaglag ang basong hawak ng aking ina kasabay ng aking paglayo sa pintuan, saka naman doon pumasok ang aking tiyo at naiwan kami rito ni kuya Jhade sa hardin
End of flashback ~
5 years, limang taon nang una kong marinig ang spell na yan
Nakakabangungot at kung bakit kailangan ko nananamang marinig kay Khloe ang mga katagang iyon
Hindi ko alam kung san niya nakuha ang impormasyon na iyon, lalo na at pinsan ko naman siya sa aking ama at hindi sa ina
"How do you know that I am familiar with spells?" I asked sarcastically at inalis ang kamay nitong nakahawak sa aking pulsuhan
"Nothing"
"Then fine, I won't be able to help you" sambit ko rito at tumungo sa study table ko
Huminga ito ng malalim "I'll tell you now, nalaman ko kay Jhade"
"Diba he's your cousin on your mother's side?"
"At kailan pa kayo naging close?" humarap ako dito nang may pagtatakang nakaguhit sa aking mukha
Sa pagkakaalam ko, hindi friendly si kuya Jhade saka minsan niya ng nasabi sa akin na ako lang ang babaeng komportable siya at wala ng iba
Napayuko ang ulo nito at wari'y di mapakali ang kamay "Since your 18th Birthday" she smiled awkwardly at nagkamot pa sa ulo
"So, are you gonna help me?"
"Why? Talking about spell is a serious matter" sinuri ko ang buong katawan nito hanggang sa makita ko ang pasa nito ngunit ipinag sawalang bahala ko ito dahil alam ko namang normal na lamang sa kanya dahil sa kakulangan ng mineral sa katawan nito
"I know, punong puno na kasi ako kay Felicia at saka why are you staring like that?" oops napasobra ata pagtitig ko
"Felicia?"
"Of course you don't know her, sa kabilang school ka kasi mag aaral eh"
"Tutulungan mo na ba ako?"
"Ano bang ginawa niya sayo?"
"Antagal ko na kasing umamin sa kanya, pero mas pinipili niya akong paiwasin saka ilang days nakita ko na mayroon nanaman siyang kahalikan"
I laugh "Really Khloe? Why don't you try to find another person?" ewan ko ba sa babaeng ito, ang ganda niya nga eh tapos hindi niya pa gamitin yung chance na makabingwit ng mas worth it sa Felicia na iyon
"Para doon lang?" patuloy ako sa aking pagtawa hanggang sa ilang sandali ay mahimasmasan ako
Naalala ko nga pala na gumawa ako ng bracelet para samin ni Khloe, at saka may hidden tracker ito para kung mawala man ang isa samin ay madali naming mahahanap ang isa't isa
Binuksan ko ang aking drawer at inilabas ang dalawang bracelet, agad ko namang kinuha ang kanang kamay nito at itinaas ang jacket nito ngunit sa pagbungad nito ay nagulat ako dahil sa maraming pasa at sugat nito
"What's the meaning of this? Sinong gumawa nito sayo?"
Imbes na sumagot sa aking katanungan ay hinugot nito ang sariling kamay na aking hawak-hawak
Gosh, sa tinagal tagal naming magkasama alam kong sensitive siya kaya naman labis ang pag protekta sa kaniya ni tito at tita
"Who did this? I'm asking you twice!" I furiously asked "Alam ba ito nila tita and tito" umiling-iling ito at doon ay nagsimulang magunahang tumulo ang kaniyang mga luha
Kinuha ko ang kaliwa nitong kamay at ganon rin ang nakita ko, geez what did you do Khloe
"Khloe?!" humagulgol ito at agad naman akong nanglambot nang makita ko ito "S-she did it" ang daming katanungan ang namumuo sa aking isipan ngunit tila ay wala akong mahahanap na sagot rito
"Who?" pagtatanong ko ng mahinahon rito
"Felicia" she told me while her voice is cracked at muling humagulgol sa pag iyak
Ito ba yung rason? Ito ba yung rason para gamitan ko ito ng mahika?
"Kailan pa?"
Hindi ito sumagot at agad ko namang naiintindihan ang gusto nito kaya naman ay pinakalma ko muna ito
Mga ilang oras ay huminto na ito sa pagiyak at naisipan kong magtanong rito
"What happened? Tell me" I'm begging her now, dahil curious nako
Tsk, I know curiosity kills the cat pero ibang usapan na ito
"She wanted me to die, dahil may nagawa akong masama sa past niya pero matagal ko na iyon pinagsisisihan"
She answered with lower voice, I wonder of it is that too much
Wala siyang karapatan para saktan physically si Khloe
I was furious and full of anger, parehas silang babae pero how could she do such things to her
Khloe and I have been close for a long time, but no one dares to hurt and harm her kahit na nakakagawa siya ng pagkakamali
"Bakit hindi ka nagsumbong? Yet you have the evidence" I hold her hand at pinisil ito
"Anong laban ko kay Felicia? Her father is a businessman at maraming connections" inalis nito ang tingin sa akin at ibinaling sa kabilang gilid
"You know it, na hindi kami ganoon kayaman that's why I decide to stay silent" yumuko ito at tuluyang inalis ang kamay nito sa akin
"Sigurado ka na ba?"
"Sigurado saan?"
"About doing some spell for her punishment" she smiled and suddenly I saw fear in her eyes
"Why?"
"I'm afraid" niyakap ko ito "Wala ka dapat katakutan, akong bahala" I smiled to reassure her
I'm sorry Felicia, but I think you deserve the taste of my spell.