Yasmine's POV
It's been a one week since malaman ko yung about kay Khloe at iyon nga, it's Saturday so mag sh-shopping kami
"Good morning sunshine!" tuluyan akong bumangon sa aking higaan hanggang sa matapos akong gumayak at inayos ang dadalhin kong gamit
Isang crop top lang ang suot ko at gray na sweatpants
Kinuha ko sa study table ang susi ng aking kotse pagkatapos kong kumain ng umagahan saka dumaan kila Khloe
BEEP! BEEP!
"Coming!"
She opened the passenger seat and we drove away
Nakarating kami sa mall within 30 minutes at ngayon nandito kami namimili
I didn't expect na ganito pala katagal mag shopping si Khloe
"Couz, if tapos ka na you can wait me on the bench at the center of the mall kasi marami pakong bibilihin" sambit nito pagkatapos naming kumain sa isang food court
Dahil sa wala akong magawa, naglaro muna ako sa mga arcade machines and while playing may babaeng tumabi sakin
"Hey"
"Hi" sagot ko rito habang nasa nilalaro ko pa rin ang aking tingin at atensyon
"Mahilig ka rin laruin ito?" I nod, at kasabay non ang pagkapanalo ko "Yay!" I shouted but she covered my mouth kasabay naman nang pagtingin nito sakin
Ibinaling ko ang tingin ko rito at agad na nagulat "You're too noisy" geez, she is kinda attractive
Ang simple lang ng suot niya, isang hoodie at jogger pants
"I know I'm kinda attractive pero wag mo namang ipahalata"
I smirked "Ang kapal naman ng mukha mo, ikaw attractive?" umakto ako na hinahanap hanap ko kung saang banda ito "Saan banda? Kasi I can't see it" I told her at inayos ang aking sarili saka nagbalak umalis
Naabot nito ang pulsuhan ko "Wait" itinaas ko ang isang kilay ko rito "What?"
"By the way, you're cute" bumitaw ito sa pagkakahawak at nauna na itong umalis habang ako ay patuloy na nagtataka sa sinabi nito
Maya-maya ay pumunta ako sa isang maliit na shop kung saan pwede kong ipalit ang mga ticket na nakuha ko
At ipinalit doon ang ilang hair pins na mayroong magagandang disenyo
Nakarating ako sa dati kong kinaroroonan at nasilayan ko si Khloe na ngayon ay sakin naghihintay
"Where have you been?"
"Sa Arcades lang, why?"
"Oh okay, tara na"
Nakauwi kami mga bandang 5pm dahil nag street foods pa kami ng ilang oras bago naisipang umuwi
Ngayon ay nandito nako sa entrance ng bahay "So, how's the shopping thing anak?" bungad sa akin ng aking ina
"It's tiring, I wouldn't like to do it again" umupo ako sa sofa "Ganyan talaga anak, I hope you enjoyed" mom smiled
"Not that much" naalala ko muli ang pangyayari sa arcade at napangiti na lamang, I wonder who's that girl, I hope I can meet her again soon
"At siya nga pala, may sasabihin kami ng daddy mo mamaya sa dinner kaya pumanhik ka na sa silid mo at magshower" sasabihin? Sana naman good news
"Ang baho mo na eh" I pouted "Ma naman eh" pagiinarte ko rito at pumanhik na sa aking silid
Natapos akong maligo, ay bumaba agad ako at saktong naghahain na si mama at yaya
"Hi mom, hi dad!" humila ako ng silya at umupo rito
"So, are you ready to hear the news?" what that could be
"Yeah?" Tumango ako ng mayroong pagtataka
"Uhmm, you wanted to transfer, right?" wait what? When did I told na gusto kong mag transfer
"Transfer? What do you mean mom?"
"But Khloe told us" oh geez, that girl
"Told what? Mom, dad?"
"Khloe told us that you wanted to transfer school, so inayos na namin lahat ng papeles na kailangan" laking gulat ko nang marinig ang sinabi nila mommy at para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naging reaksiyon ko
"What?!" why do I need to come back? That school is a hell!!