bc

Montenegro Heirs 3: Im Into You

book_age16+
45
FOLLOW
1K
READ
billionaire
opposites attract
arrogant
aloof
heir/heiress
bxg
lighthearted
serious
naive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Montenegro Heirs 3: Im Into You

Jackie Marie Castillo experience of what they called love at first sight. Unang kita palang nito sa masungit at hindi palaimik na si Shaveen Montenegro ay umarangkada na sa sobrang bilis ang t***k ng kanyang puso. She pursue Shaveen endlessly para lang mapansin nito which really happened. But with just one misunderstanding, it lead Shaveen Montenegro to hate her to the fullest. What will happened if they will meet again after how many years? Is there a chance that they can still say to each other that she is still into him or he is still into her after that heartbreak?

Beautiful Book Cover Made by : @Lanully

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue             "Grabe! Pakiramdam ko mapuputol ang mga paa ko sa kakatakbo. Mabuti nalang talaga at hindi tayo na-late. Akala ko hindi na tayo makakapasok sa gate. First day pa naman ngayon," hinihingal na sabi ko sa bestfriend kong si Amie nang tumigil kami sa isang bench na malapit sa gate. Tamang-tama naman at pagpasok namin ay siyang pagsara din ng gate ng unibersidad na pinapasukan namin. Scholar lang kaming dalawa dahil na rin sa academic standing namin ni Amie. Business Administration ang kinuha ko samantalang HRM naman ang kay Amie. Magkaibang course ang kinuha namin pero napagpasyahan namin na sa iisang ekswelahan nalang kami kukuha ng Entrance Exam at mabuti nalang talaga at nakapasa kami dito. "Mabuti nalang talaga dahil kung hindi, first day na first day ay late na agad tayo!" saad ni Amie. Napatango nalang ako sa sinabi niya at sabay kaming naglakad patungo sa loob. Napapatingin naman ako sa mga estudyanteng nadadaanan namin. Karamihan sa kanila dito ay halatang anak mayaman. Minsan kalang sigurong makakakita ng katulad naming mga ordinaryong tao. Pakiramdam ko magiging out of place kami dito dahil parang may kanyang kanyang grupo ang mga estudyante dito. Napadako naman ang tingin ko sa may bandang gilid ng terrace na nadadaanan namin ni Amie kung saan may apat na babae doon na mukhang binubully yata ang isang nerd na babae na mukhang maiiyak na dahil sa pinaggagawa nung apat. Nagpakawala nalang ako nang malalim na buntong hininga. Kung ganitong klaseng tao yata ang makakasalamuha ko araw-araw ay paniguradong hindi ko masisikmura ang mga pinaggagawa nila. "Amie, do you think we can make friends in this school?" Nagkibit-balikat naman si Amie sa akin. "Maybe. But we shouldn't force ourselves too. Okay narin siguro kahit tayong dalawa nalang, diba?" nakangiting tanong niya sa akin. Napangiti narin ako sa sinabi niya. "Right!" pagsang-ayon ko. Masaya kong marami kang kaibigan. Pero aanhin mo naman ang maraming kaibigan kung puro ka-plastikan lang naman ang alam sayo. I rather have my bestfriend than having those kind of friends. Ang importante ay may bestfriend akong mapagkakatiwalaan at maaasahan at kahit na hindi parin mawala-wala ang takot na nararamdaman ko. College life is really different from highschool. Napaubo naman ako nang biglang hinampas ni Amie ang likod ko. Maiinis na sana ako kung hindi ko lang siya nakitang ngumiti sa akin. "This is already my classroom," nakangiting pahayag niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya at tinignan ko ang Room number nito. Patay! Mukhang ako nalang yata ang maghahanap mag-isa ng room ko nito. Napaangat naman ako nang tingin nang bigla niyang tinapik ang balikat ko at ngumiti sa akin. "Cheer up, Jackie! You can make friends with a smile right?" nakangiting saad niya. Bigla naman akong nakaramdan nang saya dahil sa sinabi niya. Ang kaninang takot na nararamdaman ko ay unti-unting nawawala. "Yup!" nakatangong sagot ko sa kanya at ngumiti. Ginulo niya sandali ang buhok ko at nakangiting pumasok siya sa loob ng classroom niya. Kumaway pa siya sa akin at ganoon din ako. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga bago umalis sa harap ng classroom ni Amie. Kaya ko ito! Hindi na din naman siguro mahirap makipagsalamuha sa mga magiging classmate ko. Tinignan ko naman ang schedule ko. Room 39 ako ngayon. Saan ko naman kaya hahanapin iyon? Ang lawak lawak ng school nila dito. Nagpalingalinga naman ako at nagtitingin sa mga kwartong nadadaanan ko. Hindi ko na napigilang mapangiti ng may nakita akong isang lalaki na nakatayo at nakasandal sa isa sa mga classroom na naririto. Tahimik lang ito at mukhang nag-iisa. Mukhang nasa higher years na ito. Baka pwede ko siyang mapagtanungan ng mga rooms dito. Naglakad naman ako patungo sa kinaroroonan niya at habang papalapit ako sa kanya ay hindi maipagkakailang gwapo siya. He is certainly a good-looking man, deeply tanned and with lean figures. At higit sa lahat sobrang tangkad niya. "Hi. Pwedeng magtanong?" Napasimangot naman ako nang hindi manlang siya kumibo. Ni hindi manlang niya ako binigyan ng pansin kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para makaharap ko ang lalaki. Muntikan na akong mapasinghap ng makita ko nang tuluyan ang mga mata niya. He has green eyes. Parang nang-aakit ang mga mata niya at may pagka-misteryoso. Parang gusto ko ngang manliit sa sarili ko. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang t***k ng puso ko. "Magtatanong lang sana ako kung alam mo ba ang---------" "Marami namang ibang estudyante na napapadaan dito. Bakit sa akin mo pa kailangang magtanong?" putol niya sa sasabihin ko. Napalingon naman ako sa likuran ko nang may mga estudyante ngang dumadaan dito. Ibinalik ko nalang ulit ang tingin ko sa kanya. Siya ang gusto ko, eh! Nakunot ang noo niya at nakatitig sa akin ng seryosong-seryoso. Napanguso naman ako. Suplado! Problema nito? Akala mo naman may buwanang dalaw. Kung makasimangot akala mo kalaban niya lahat ng tao dito sa buong mundo. "Ikaw lang kasi-----------------" "Edi maghanap ka ulit ng iba. Tsk!" inis na saad niya at mabilis na humakbang palayo sa akin. Napanguso naman ako at hinabol nang tingin ang papalayong lalaki. Sayang! May monthly period yata ang lalaking iyon. Guwapo pa naman sana kaso ang sungit. Pero kahit masungit iyon ay crush ko parin siya. Mukhang siya na yata ang lalaking ipinagdarasal ko gabi-gabi kay Lord na magiging first boyfriend ko. Grabe ang haba ng hair ko kapag nangyari nga talaga iyon. Gusto ko na talaga kasing magkaboyfriend. Napatigil naman ako sa pagtawa nang marinig kong tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang unang klase. Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil doon. Patay! Lagot na ako nito. Hindi ko pa naman nahahanap ang classroom ko!                                "KAMUSTA ang unang klase mo?" tanong sa akin ni Amie nang matapos ang first subject namin ngayong araw. Break namin ngayon kaya nagkita kami dito sa canteen dahil sabay kaming kakain. Napanguso nalang ako sa tinanong niya sa akin. Ang ganda nga, eh. Mukhang ang swerte ko ngayong araw. Ginawaran lang naman ako ng professor namin ng initial probation ng absenses sa subject niya. Kapag nakatatlong late na daw ako sa kanya ay automatic drop out na daw ako sa subject niya. Palibhasa walang lovelife iyong matandang panot na iyon kaya ang bugnutin. Mabuti nalang talaga at nakita ko na ang magiging first love ko sa araw ding ito naku kung hindi, mas lalo kong papanutin ang panot na buhok ng professor kong iyon. "Ayon, mabuti," walang ganang saad ko. Kumunot naman ang noo ni Amie sa akin. Alam ko namang kilalang-kilala na ako ng bestfriend kung ito. Kapag sinabi kong mabuti ay alam na niyang hindi mabuti iyon. "Anong mabuti?? May ginawa ka namang kalokohan ano?" nakasimangot na tanong niya. Nag-angat naman ako nang tingin sa kanya at ngumiti ng malapad na malapad. "Wala, uh. Sa totoo nga niyan nakita ko na ang love of my life ko, Amie," kinikilig na sabi ko sa kanya. "Talaga?! Anong pangalan?!" Natigilan naman ako sa itinanong niya sa akin. "I-I don't know?" "I don't know? May pangalan bang ganoon?" Napanguso naman ako nang dahil sa pang-aasar niya. "Asar ka naman, eh," inis na saad ko. Narinig ko naman siyang tumawa lalo na nang nagpapadyak-padyak pa ako sa harap niya. Sana kinuha ko nalang ang pangalan niya kanina. Kaya lang ang sungit, eh. Magtatanong palang nga ako sinungitan na ako. Ano pa kaya kapag tinanong ko ang pangalan niya, diba? Paniguradong hindi lang singhal ang aabutin ko sa lalaking iyon. "Paano mo ngayon mahahanap ang love of your life mo niyan? Eh, pangalan pa ngalang hindi mo na alam." "Magpapagawa ako ng cartographic sketch niya at ipalalagay ko iyon sa cartolina at ipapaskil ko sa bawat sulok ng paaralang ito. Dahil hindi ako matatahimik hanggang hindi ko siya nakikita.." Tinitigan naman akong mabuti ni Amie. "Seryoso ka?" "Syimpre joke lang, ano ka ba?! Kapag ginawa ko iyon baka idemanda pa niya ako dahil iisipin ng iba na baka wanted na kriminal iyong hinahanap ko saan naman ako kukuha ng pera pang-piyansa sa sarili ko kung ganoon?" "Ewan ko sa iyo, Jackie. Ku-----------" Hindi naman naituloy ni Amie ang sasabihin niya nang biglang may dumaang lalaki sa likod niya at walang pasabing hinaplos nang lalaki nang marahan ang buhok ng kaibigan ko. Lumingon si Amie dito at ngumiti lang ang lalaki sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Hi, Miss Perez. Good to see you here," nakangiting bati nang lalaki sa kaibigan ko. Nakita kong umismid at sumimangot naman si Amie dito. "Good na sana kung hindi lang kita nakita dito," inis na sagot ng kaibigan ko. Ngumiti naman ulit sa kanya ang lalaki at kinindatan niya pa si Amie. Nagpalipat-lipat ulit ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Ouch! Palagi mo nalang sinasaktan ang puso ko!" ma-dramang sabi nang lalaki kay Amie. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Huuuwwwwwaaaattt?! Anooo daw?! "Mabuti sana kong nasasaktan iyan at papalakpak pa ako," inis na sabi ni Amie. Wow! Ang harsh naman ni Amie sa lalaking ito. Mabuti pa nga at may nagkakagusto sa kanya. Napamaang naman ako nang may dalawang babaeng lumapit sa lalaking kinakausap ngayon ng kaibigan ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla niyang inakbayan ang dalawang babae na kasalukuyang nakatingin nang masama sa amin ni Amie. Problema ng mga ito? "Paano ba yan, Miss Perez, magkita nalang tayo ulit mamaya." He winked to my bestfriend bago iginiya ang dalawang babaeng nakasabit sa braso niya. "Kahit hindi na!" dinig kong bulong ni Amie nang makaalis na ang lalaki. Ano iyon? Akala ko manliligaw ni Amie. Iyon pala hindi naman. Halatang playboy ang lalaking iyon sa dami nang babaeng nakalambitin ba naman sa kanya. Naku! Nakakainis ang mga ganoong lalaki! Hindi marunong makuntento sa iisang babae. "Sino iyon, Amie?" tanong ko sa kaibigan ko. Ngumuso naman siya sa akin at umiling. "It was Henry Monterde. He is just one of my classmate na ang akala niya sa sarili niya ay isang nilalang na biyaya ng Diyos sa mga kababaihan," inis na pakli niya. Napatango naman ako sa sinabi niya. Hmmmm, tama! Hindi dapat pinapansin ang mga mahahanging lalaking katulad nang isang iyon. Biglang namilog naman ang mga mata ko nang mapadako ang tingin ko sa isang lalaking nakaupo sa hindi masyadong kalayuang table sa gilid namin. Tahimik na kumakain lang ito at nag-iisa. Siya iyon. Oh gosh! Mukhang pilit na pinagtatagpo yata kami nang tadhana. This is what you call destiny! "Oh my gosh! ayon siya, Amie!" Inginuso ko kay Amie ang kinaroroonan ng lalaking tinutukoy ko. Nilingon naman iyon ni Amie at binalingan din agad ako nang tingin. Nakakunot ang noo niya at nagtatanong ang mga mata. "Then?" Nakaangat ang kilay na tanong ni Amie sa akin. Napatayo naman ako bigla. "Pupuntahan ko siya at tatanungin ko ang pangalan niya." Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Amie at naglakad na agad ako patungo sa kinaroroonan ng lalaking tinanungan ko kanina. Sabi sa akin ni Inay noon. Grab the opportunity. Kaya hindi na ako magpapatumpiktumpik pa. This is my chance to have a boyfriend. At ramdam ko talaga na siya na. "H-hi," nakangiting bati ko. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. At muntik na akong mawalan ng hininga ng masilayan ko ang gwapong mukha niya. Kumunot ang noo niya nang makita ako ngunit sandali lang iyon dahil binalingan ulit niya ang kanyang pagkain at hindi ako kinibo na para bang hindi ako nag-e-exist sa mundong ito. Goodness! Snob na naman ulit ang beauty ko. Hindi ko na hinintay na magsalita siya dahil panigurado lilipas ang ilang years at hindi pa ako kakausapin ng lalaking ito kaya hinila ko na mismo ang upuang nasa harap niya at umupo doon. "Alam mo para kang orasan," nakangiting saad ko. Bahagyang natigilan naman siya sa pagkain ngunit sandali lang iyon at ipinagpatuloy nalang niya ulit ang pagsubo. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga at malapad na malapad na ngumiti sa kanya. "Kasi whenever I look at you I felt my heart stop from beating." Boom Panes! Ang corny ng pick up lines ko pero may pinanghuhugutan iyon! Kaya havey nalang kayo. Bigla naman akong kinabahan ng tumigil siya sa pagkain niya at nag-angat ng tingin. Ngumiti naman ako sa kanya. Mukhang mapapansin na niya yata ako nang dahil dito. "Edi patay ka na sana ngayon!" inis na pakli nito. Ouch! Sakit naman nun. Ang puso ko parang pinagpira-piraso. Unang diga pa ngalang basted na agad ako. "Atsaka, pwede ba?! Leave me alone. I don't even know you." Natigilan naman ako sa sinabi niya ngunit imbis na panghinaan ako nang loob ay ngumiti ako sa kanya at inilahad ko ang kamay ko. Konting push ko lang dito ay alam kong bibigay din ito sa alindog ko. Wala kayang makakaresist ng charm ko. "I'm Jackie Marie Castillo. And you are?" Ngunit sa halip na abutin ang kamay ko ay tinitigan lang niya ito. Napahiya naman ako kaya ibinaba ko nalang ulit ang kamay ko. Grabe sobrang aloof naman ng lalaking ito sa mga magagandang babaeng katulad ko... "Ang unfair naman. Sinabi ko na ang pangalan ko kaya dapat sabihin mo din ang pangalan mo," nakangusong saad ko. "Bakit? Sinabi ko bang sabihin mo ang pangalan mo?" Napaawang naman ang labi ko nang dahil sa sinabi niya. Shocks! Ang ubod niya talaga ng sungit. Magsasalita pa sana ako nang hindi ko na nagawa dahil may narinig akong sigaw na nanggagaling mula sa likuran ko. Nilingon ko naman kung sino iyon at halos malaglag ang panga ko nang makita ang dalawang lalaking ubod ng gwapo na naglalakad patungo sa kinaroroonan mismo namin. Hindi nawawaglit ang mga ngiti sa mga labi nang dalawang lalaki. "Shaveen!" dinig kong sabay na sigaw nila. Napalingon naman ako sa kinaroroonan ng lalaking kaharap ko at mas lalo yata siyang sumimangot. Nagulat nalang ako nang bigla siyang inakbayan ng isang lalaking sumigaw kanina na naglalakad patungo sa amin. Huwag mong sabihin na siya ang tinatawag ng mga ito. Teka.... Shaveen?! Ang ganda naman ng pangalan ng crush ko. Ang sarap banggitin. "Ikaw, huh! Kaya pala ayaw mong sumabay sa amin ni Yrial kumain dahil may kasabay ka nang iba," nanunuksong pahayag ng lalaking umakbay sa kanya. Namula naman ang pisngi ko dahil doon. Mukhang na-misinterpret pa yata nila ang sitwasyon namin ngayon. "And who is this beautiful lady you are with? Akala ko ba wala kang oras para sa mga babae? What's your name, Miss?" tanong naman sa akin ng isang lalaking kasama nito. Mas lalo namang namula nang husto ang pisngi ko. Oh my gosh, this is so embarrassing! "Jackie. My name is Jackie," nakangiting pakilala ko. Pakapalan na ito nang mukha. Napatingin naman kami kay Shaveen ng bigla nalang itong tumayo mula sa pagkakaupo. Huwag mong sabihin na magwa-walk out na naman ang lalaking ito nang dahil sa akin? "Tapos ka nang kumain?" "Nawalan na ako ng gana," iritadong saad niya. Tinalikuran niya kami at naglakad siya palayo sa amin. Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki sa isa't-isa at nagkibit-balikat. Mukhang sanay na ang mga ito sa ugali ni Shaveen kaya parang hindi na sila apektado. Napatayo naman ako at sinundan ng tingin ang papalayong pigura ni Shaveen. "Shaveen!" tawag ko sa kanya ngunit hindi manlang siya huminto. Namula naman ang pisngi ko lalo na't tumingin sa kinaroroonan ko ang mga taong nandito sa loob nang canteen. Humugot ako nang malalim na buntong hininga at ngumiti. "Siguro nga tama ka sa sinabi mo na dapat patay na ako." Natigilan naman siya sa paglalakad nang dahil sa sinabi ko at lumingon siya sa gawi ko. Hindi ko na napigilang ngumiti. I already got his attention. Iyon lang naman ang gusto ko. "Dahil patay na patay naman talaga ako sayo," lakas loob na sabi ko. I winked at him. "Boom Panes!" dinig kong natatawang saad nang kaibigan niyang nasa gilid ko. Ngunit nakatuon lang kay Shaveen ang atensyon ko. Sumimangot siya sa akin at umismid. Tinalikuran niya ulit ako at naglakad siya palabas ng canteen. Ipinapangako ko sa magaganda kong kuko, I will make you fall inlove with me, Shaveen. Kahit gaano at ilang balde pa nang kasungitan ang ipangtatama mo sa akin. I won't give up until you finally give in. Napanguso naman ako nang biglang may tumapik sa balikat ko. Nilingon ko iyon at isa iyon sa mga kaibigan ni Shaveen. "Bilib din ako sa fighting spirit mo, Miss. Keep it up. At kung kailangan mo ng tulong sa pinsan namin. Don't hesitate to come with us. I'm Light and this is Yrial," nakangiting saad niya. Napatango nalang ako lalo na nang lumapit siya sa akin at may ibinulong "We are willing to help," bulong niya and winked at me. Tinapik naman niya ang balikat ng pinsan niya. "Let's go, Yrial. Baka mawala na ang pinsan nating iyon," anito at naglakad sila palayo sa kinaroonan ko. Naiwan naman akong nakatulala. What was that?! Cousin really?! "Hoy, Jackie!" Bumalik naman ako sa aking sarili nang biglang may tumapik sa likod ko. Nilingon ko ito at nakitang si Amie pala iyon na nakalapit na sa kinaroonan ko. "Amie!" "Ganoon ang lalaking nagustuhan mo?" Napatango naman ako sa naging tanong niya. Kumunot ang noo ni Amie sa akin at sumimangot siya. Napanguso naman ako. May problema ba doon? "Naku naman, Jackie! Ang daming nanliligaw sayo na mas mababait. He is too quiet at mukhang minsanan lang yata kung magsalita. No expression expanded and no smile granted just for the sake of convention. Ganoon ang gusto mo?" Napangiti naman ako nang dahil doon. "Oo siya ang gusto ko!" - ♡lhorxie

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook