Chapter 30: Eleven

1229 Words
HIREIN'S POV Nandito parin kami sa game hall ng wall,pinaalis na rin ng guard yung lalaking sinuntok ni Clint. Naglalaro ang SE habang ako naman ay tumatawa dahil kila James.Pagnatalo kasi ay sasabunutan nila ang isa't isa. Yung iba naman ay nagkalat at kung saan saan naglalaro. Nakaupo lang ako sa isang sulok dahil kanina pa sumasakit ang paa,actually kahapon pa to masakit,hindi ko nalang sinabi sa kanila dahil baka maging OA lang sila. Hindi ko alam pero bigla nalang kasi sumakit ang paa ko.Hindi sana ako sasama sa kanila ngayon para makapag pahinga tong paa ko pero iiyak daw sila pag hindi ako sumama.Kaya ayun, kahit masakit sumama na ako. Hindi rin ako gaanong nakatulog kasi iniisip ko kung sino yung mga lalaking nakita ko dun sa camping. Sino kaya sila? Kinuha ko uli yung cellphone ko at kinuhanan uli sila ng mga litrato.Binuksan ko ang twitter ko at nag post ng pictures nila.Naglagay din uli ako ng caption. I'm lucky to have them. "Hirein!" Tumatakbong lumapit sakin yung apat habang iwinawagayway ang hawak nilang papel?ewan ko.ticket ata yun e.Ngumiti naman ako sa kanila. "Bakit?" "Ang dami naming nakuhang ticket!" Sabay sabay nilang sabi.Parang mga bata. "Oh?Great!" Wala na akong maisip kaya yan nalang. "Kami rin,marami rin kaming nakuha" hindi ko namalayan na dumating narin sila Cris.Ipinakita nila ang hawak nilang ticket kaya ngumiti uli ako. "Ipalit nyo na nayan dun oh" sabi ko at ininguso ang counter na pwede mong pagpalitan ng ticket na nakuha mo. "Tara" sabi nila at nagpaunang maglakad. Tumayo narin ako at sumunod sa kanila.Kahit masakit ang paa ko ay pinilit kong maglakad ng normal. "Miss,ano pong pwedeng ipalit sa 855 na ticket?" Tanong ni Mike.Hindi naman nagsalita yung babae dahil nakatulala lang sya sa mga kasama ko habang nakaawang ng kaunti yung bibig. Sobrang sakit na ng mga paa ko,hindi pwedeng hindi igagalaw ang paa ko dahil lalong sumasakit.Dahil sa sobrang sakit na talaga ng paa ko ay nagsalita na ako. "Miss,kung tititigan mo lang yan sila hindi kami makakaalis dito.Kaya miss,kung pwede ba,paki sagot ang tanong ng kasama ko dahil buryong buryo na ako dito.At gusto ko nang kumain" SA haba ng sinabi ko ay hindi nya ako pinansin. Tinignan ko naman yung tinititigan nya.Humarap uli ako dun sa babae na nakanganga na ngayon,patulo na nga yung laway e.Napahilamos nalang ako sa mukha ko.Kinalampag ko yung harapan nya at inis na nagsalita."Pwede ba miss,wag mo ng titigan si Clint dahil hindi naman matutunaw yan kahit ilang taon kapang tumitig dyan." Mukhang natauhan naman yung babae sa sinabi ko at mukhang nataranta. "I-im sorry ma'am. Ano po yun sir?" Nakayukong tanong nung babae. Nakonsensya tuloy ako. "Miss,anong pwedeng ipalit sa 855 na ticket?" Tanong ni Mike. Ngumiti naman yung babae. "Ahhh,sir.Meron po kami dyang mga malalaking teddy bear.Mga kasing laki ng tao" nakangiting sabi nung babae.Sabay pasimpleng kinagat ang labi. Napangiti naman ako."Sir,pili napo kayo dyan"Nagsilapitan naman ang SE dun sa mga teddy bear.Maglalakad na sana yung babae pero pinigilan ko sya. "Teka,miss sandali" agad naman syang tumingin at ngumiti sa akin. "Ano po yun ma'am?" "Pasensya sya kung Napataas ang boses ko sayo" nakangiti kong sabi.Ngumiti naman sya ng malaki. "Ok lang po yun,ma'am. Ako nga po ang dapat humingi ng despensya dahil nakatulala lang ako sa boyfriend mo e" agad naman akong nagtaka.Boyfriend? Sinong boyfriend? "Boyfriend? Sinong boyfriend?" "Diba po,boyfriend mo yung pinaka gwapo. Ano nga ulit pangalan nya?Clint? Clint nga" "Ha?Hindi ko sya boyfriend.Classmate ko lang sya at kaibigan" nakangiti kong sabi. "Sorry po.Akala ko kasi boyfriend nyo e." Sabi nya."Kaklase mo po sila?"sabay turo sa SE na hanggang ngayon ay namimili parin. "Ahh,Oo.Kaklase at kaibigan ko sila" sabi ko sabay nakangiting nilingon sila na ngayon ay nagtatawanan pa. "Mag-isa lang po kayong babae?" Gulat nyang tanong, Tumango naman ako."Siguro, prinsesa ang Turing nila sayo" "Parang ganon na nga.Ang Tawag nga nila sakin ay prinsesa e.Hindi naman yun ang pangalan ko" mahina akong natawa. "Ang swerte nyo po sa kanila" Nakangiti naman akong tumango-tango."Tama ka,ang swerte ko sa kanila."sabi ko."By the way I'm Hirein Abigail Cross"pakilala ko sabay lahad ng kamay. Nagulat naman sya pero agad syang ngumiti. "Selene Wang" pakilala nya sabay abot ng kamay ko at nagshake hands kami. "Can we be friends?" Gulat naman syang Tinignan ako. "Sure!" Masayang sabi nya. "From now on,call me Hirein" "Yes,Hirein" "Miss,may napili na kami!" Sigaw ni Mike.Nakita ko naman na lalong lumalad ang ngiti ni Selene at Medyo namula.Para tuloy syang si Heaven.Speaking of Heaven,bigla nalang syang hindi pumasok hindi ko naman sya macontact dahil wala akong number nya.I really miss her. "Opo,nandyan na" nag madaling lumapit Si Selene sa SE.Mukhang may gusto si Selene kay Mike ah.Agad akong napangisi. Tumingin muna ako sa labas.Agad na nangunot ang noo ko dahil may mga lalaking nakatingin sa akin.Mga nakaitim sila at mukhang armado pa.Nawala lang ang atensyon ko sa labas ng may kumalabit sakin.Pagharap ko ay isang malambot ang nabunggo ko. Umatras muna ako bago hinarap iyon.Isang malaking teddy bear ang nasa harapan ko ngayon.Kulay violent iyon at may ribbon sa leeg.Agad naman akong nagtaka. Tinignan ko ang SE at lahat sila ay nakangiti.Ano nanamang meron? "Ano to?" Turo ko sa teddy bear. "Teddy bear,Malamang" sabi ng pamilyar na boses sa likod ng malaking Teddy Bear.Napanguso naman ako. "Alam kong teddy bear yan.Ang ibig kong sabihin Anong ginagawa nyan dyan?" Sumilip si Clint sa kili-kili ng teddy bear.Hala!Ang cute nya. Napahawak naman ako sa bibig ko dahil ang cute talaga ni Clint sa posisyon nya. Binuksan ko ang camera ng cellphone ko at mabilis na kinuhanan sya ng picture na Ikinagulat nya. "What the hell" bulaslas nya habang nasa ganoong posisyon parin.Ngumiti naman ako sa kanya at nag peace sign. "Ang cute mo kasi kaya pinicturan kita" sabi ko sabay pakita sa kanya ng picture nya."Wag mo ng ipabura sakin to,ha?" "Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeee!" "Wallpaper!" "Gagawin nang wallpaper ni Prinsesa yan!" "Kinikilig ako" Napangiti naman ako sabay iling. "Sama kayo. Picturan ko kayo.Bili" sabi ko at hinanda na ang camera ko. Pinahawak ko muna kay Selene yung teddy bear na hawak ni Clint kanina at kinuhanan sila ng litrato. "Prinsesa, sama ka!" Sabi nung apat.Tatanggi pa sana ako kaso hinila kaagad nila ako. "Teka,sino ang kukuha satin ng picture?" Tanong ko. "Ayun,si Miss beautiful" nilingon ko naman yung tinuro ni Mike at agad akong napangiti ng si Selene ang tinutukoy ni Mike. Agad naman na namula si Selene at pinipigilan ang kanyang ngiti sa pamamagitan ng pagkagat ng ibabang labi nya. Kinikilig tuloy ako. Ibinigay kona kay Selene ang cellphone ko at sinimulan na nya kaming kuhanan.Nung Una normal na picture lang yon pero patagal ng patagal ay nagiging ewan na ang mga post namin. Yung isang picture lahat sila ay nakaturo sakin na parang inaasar nila ako habang ako naman ay nakanguso.Pero cute Hehehe. Yung pangalawa naman ay gumawa sila ng malaking puso gamit ang mga braso nila,parang picture frame lang,pero heart shaped. Tapos nasa loob ako. "Anong ipapangalan mo dyan,Prinsesa?" Tanong ni Vincent matapos naming mag picture. "Kaylangan paba non?" Tanong ko. "Syempre naman!" Sabi nila. Napangiti naman ako ng may maisip akong pangalan para saming lahat. "Eleven" nakangiti kong sabi.Agad naman silang nagtaka. "Eleven?" "Aha!" "Bakit Eleven?" "Kasi,itong teddy bear nato ay galing sa inyo,kaya Eleven" Nakangiti kong sabi. Parang nawala ang sakit ng mga binti ko dahil sa sobrang saya ko. ***? Please vote and comment. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD