HIREIN'S POV
Kakauwi lang namin kahapon galing camping. Lunes ngayon at wala kaming pasok dahil pinagpapahinga kami dahil mga pagod daw kami.Pagod nga kami.
Naglalakad na ako sa corridor palabas ng girls dormitory dahil magmamall daw kami ng buong SE.
Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng mga tao.
"Ang ganda nya"
"Simple pero maganda"
"Ang swerte ng section eleven sa kanya"
"Swerte rin naman sya sa Section Eleven"
Syempre kapag may good comments meron ding bad comments.
"Tch,maganda ba yan?Maputi lang yan"
"Mas maganda naman ako dyan"
"Malandi"
"Mang-aagaw"
Hindi kona pinansin ang mga bad comment nila at tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng girls dormitory.
Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa gate kung saan naghihintay uli sakin ang buong SE.
As usual nagtatalo nanaman sina James,JinJin laban nanaman kay Kyle at Eyan.Nagtatalo nanaman sila kung ano ang anuma.Itlog o manok.
"Hey, wats up" sabi ko pagkalapit ko.Sabay akbay kay James at Kyle na kulang nalang ay magsabunutan.
"Bakit ang iksi ng suot mo?" Agad naman akong napatingin kay Clint ng magsalita sya.
"Wala na akong ibang damit na maayos ayos.Lahat yon ay dress na maiiksi " sabi ko.
Nakasuot kasi ako ng strip na red at white habang naka tuck in sa short kong kulay puti.Puti rin ang sapatos ko.Hanggang sino ko naman ang manggas ng damit ko pero bagay.
"Aish!" Sabi nya.Hinubad nya ang jacket na suot nya at ibinigay sa akin.Tinignan ko naman iyon ng may pagtataka.
Nagulat nalang ako ng lumapit sya sakin at itali sa bewang ko ang jacket nya.Taka ko naman syang tinignan.
Tinignan ko naman ang SE at lahat sila ay may nanunuksong tingin at ngisi.Napailing naman ako.
"Sa susunod na magsuot ka ng maiiksi ako mismo ang magpapalit sayo ng damit" seryosong sabi nya.
"E di pali—WHAT!?" Gulat naman akong tumingin sa kanya.Nakangisi sya habang nakatingin sakin."Sira ka naba?"
"Whatever, let's go" sabi nya at hinawakan ang kamay ko at hinila nya ako palayo sa SE.
"Uyyyyyyyyyy!"
"Witwit!"
"Concern talaga sya"
"Clint lang malakas"
Sinamaan ko naman ng tingin yung SE na agad tumahimik.
Pilit kong inaagaw ang kamay ko kay Clint pero ayaw nyang bitawan.Problema nito?
---*
PARKING LOT
"Cris,ikaw nalang magdrive"
"Oo nga,naiiwan kaluluwa ko kapag si Princess ang nagdadrive e"
"Ayoko pang mamatay dahil gusto ko pang magka pamilya"
Sari sari ang mga kumento nila.Gusto ko sana na ako ang magdadrive kaso iiyak daw sila kapag ako ang nagdrive. Kaya sa huli si Cris yung nagdrive.
---*
MALL
Anong ginagawa namin sa mall?Agad kong tinignan ang SE at lahat sila ay nakangiti sa akin.Anong meron sa ngiti nila,may kakaiba.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.
"Baka mamimili tayo ng gulay" agad ko naman na sinamaan ng tingin si Clint.Nginisian naman sya ako.
"Ano nga?" Nakanguso kong sabi."Wag nyong sabihin na maghahabulan nanaman tayo?Ayoko ng masampal "sabi ko.
"Wag kang mag-alala,princess. Hindi kana nila masasaktan"sagot ni Eyan.
" So,ano ngang gagawin natin dito?"
"Secret!" Sabay sabay na sabi nila.Nangunot naman ang noo ko.
"Let's go" sabi ni Clint sabay hawak nanaman sa kamay ko at hinila nanaman ako.
"Ayiieeeeeeeeeee!" Pang-aasar nila.
"Hoy! Bitawan mo nga ko.Kanina kapa nakahawak ah" sabi ko habang binabawi ang kamay ko.Lalo naman nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay.
"Kaya kita ayaw bitawan dahil baka mawala ka nanaman" seryosong sabi nya.
"Kelan ba ko nawala?Sa pagkakatanda ko hindi naman ako nawala ah!"
"Baka bigla ka nanamang tumakbo"
"Ayoko na kayang tumakbo.Ang sakit kaya masampal pero dahil manhid ako hindi ako nakaramdam ng sakit Hehehe" sabi ko."Sige na,bitawan mo na ako"sabi ko sabay nguso.
"Tch!" Nasabi nalang nya baho bitawan ang kamay ko.Napangiti naman ako.
"Thank you!"
"Whatever" sabi nya at nagpauna nang maglakad. Tch,sungit!
Habang naglalakad kami sa mall ay pinagtitinginan kami—este yung mga kasama ko pala.
Yung iba Kilig na kilig,yung iba nga nagkakasakitan na sa sobrang Kilig nila e.Yung iba naman tumitirik na yung mata sa sobramgi Kilig.Yung iba naman ay pasimpleng kumukuha ng litrato.Kita naman HAHAHA.
"Para ang ganda nya"
"Miss na naka stripe!Anong pangalan mo!?"
"Miss pwede makuha number mo?"
"Pwedeng manligaw miss na naka stripe?"
"Miss ma naka stripe na pula at puti,ako nga pala to si Natoy yung future husband mo!"
Hindi ko nalang pinansin yung mga sumisigaw sa akin sa halip ay palinga linga ko hindi ko namalayan na nauntog na pala ako sa likod ni Clint.Sinamaan ko naman ng tingin yung likod nya.Ang tigas ng likod nya.Humarap sya samin.
Tumango lang si Clint at pinalibutan ako ng SE.Ano nanaman to?Taka ko naman silang tinignan pero mga nakangiti lang sila.
"Let's go"sabay hawak ng kamay ko at nagsimula na syang maglakad.
Habang naglalakad kami ay tinanong ko si Cris na katapat ko lang.
" Anong nangyari dyan?"sabay nguso kay Clint.Ngumiti naman sya.
"Ayaw ka lang nyang mawala" feeling ko may ibang ibig sabihin si Cris sa sinabi nya.
"Ayaw mawala? Pano naman ako mawawala e,pinalilibutan nyo ko" sabi ko.Mahina naman syang natawa at umiling iling.Siraulo.
Agad naman akong nagtaka at tumingin sa kanila,nakangiti lang sila.
"Anong ginagawa natin dito?"
"Baka kakain" Sinamaan ko lang uli ng tingin si Clint."Natural maglalaro"e bakit naman kami maglalaro? Bakit parang ang slow ko ngayon.
Nandito kami ngayon sa game hall ng mall.
"Tara na.Let's play!" Excited na sabi nung apat.Kelan kaya sila hindi magsasabay sabay magsalita?
Hindi ko alam pero nung naglalaro sila napapangiti ako.Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng litrato. Parang ayaw kona tuloy maglaro,mas gusto ko na panuurin nalang sila.
Napapangiti ako ng tinignan ko lahat ng kuha ko sa kanila.Ang cute nila. Binuksan ko ang i********: at nagpost ng isang litrato. Naglagay din ako ng caption.
They're so cute
"Yeah!You're right. They're so cute" agad akong napatingin sa may kaliwa ko ng may tumabi at magsalita.Iniangat ko naman ang tingin ko at sumalubong sakin ang maganda nyang ngiti at nakakaakit nyang mata.
Tinignan ko naman sya ng may pagtataka.
"I'm Drew Lasiri" nakangiti nyang sabi sabay lahad ng kamay nya.
"Hirein Abigail Cross" pakilala ko habang nakangiti sabay tanggap ng kamay nya at nagshake hands kami.Lalo naman syang Ngumiti dahilan para mawala yung mata nya.Ngayon ko lang napagtanto na may dimple pala sya.Haha.Ang cute.
"Clint tama na yan"
"Tol,tama na yan"
"Tol,pigilan nyo!"
"Huy,gagi!pigilan nyo!"
Agad akong napatingin sa likudan ko at agad kong nakita na nagkakagulo sila.Agad akong humarap kay Drew.
"Nice meeting you Drew" sabi ko.Magsasalita pa sana sya kaso tumalikod na ako at patakbong lumapit kila Clint.
Naabutan ko si Clint na hawak hawak ang kwelyo nung lalaki.Nakita ko rin na may dugo yung gilid ni Clint tapos nung lalaki.
Nagsuntukan sila?Abay natural Alangan naman maghalikan sila,noh?
Halatang hindi mapigilan ni Clint ang galit nya dahil kapit na kapit sya sa kwelyo nung lalaki,yung lalaki naman ay nakangisi lang na halatang inaasar lang si Clint.
Agad akong sumiksik at nang nasa gilid nako si Clint ay agad kong hinawakan ang balikat nya..
"Clint,tama na yan" mahinahon kong sabi pero hindi nya parin ako pinapakinggan..
"Pakawalan mona,sige na" sabi ko sa mala anghel na boses.Naks.
"No!I won't let him leave!" Galit nyang Sigaw sa lalaki.
"Bakit ba?Ano bang ginawa nya?"
"Binabastos kana nya!Ang sabi nya sa isip nya pinagnanasaan kana nya" hininaan nya ang huling sinabi nya.Napataas naman ang kilay ko.Tumingin ako dun sa lalaking hawak ni Clint pero nakangiti lang sya sakin sabay kindat.
"Akong bahala" sabi ko sa kanya.
"What!?" Inis na tanong ni Clint.Pinisil ko ang balikat nya dahilan para inis nya akong lingunin."What!?"
"Sabing ako ang bahala" sabi ko.
"No!" Matigas nyang sabi.Hinawakan ko ang kamay nya at tinanggal sa kwelyo nung lalaki.
Nang makabitaw na sya at pumunta ako sa pagitan nilang dalawa.Hinarap ko yung lalaki at agad na sinuntok sa mata.
"Aray" sabi ko habang iwinawagayway ang kamay ko na animoy napaso.Napaatras naman yung lalaki."Tara na nga"sabi ko at nagpauna nang maglakad.
Habang naglalakad naman ako ay kinawayan ako ni Drew,nginitian ko naman sya at kinawayan.
***?
Please vote and comment.
Thank you!