HIREIN'S POV
Nagising na lamang ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas.Hindi ko man tignan alam kona kung sino-sino yung mga maiingay. Yung apat na itlog.
Tinignan ko kung anong oras na sa cellphone ko at alas otso na ng umaga.Late na kong nagising.Tinignan ko ang repleksyon ko sa cellphone ko at mugto ang mata ko.
Pagbukas ko uli ng cellphone ko ay agad na nangunot ang noo ko dahil hindi na kaming dalawa ni Matt ang wallpaper. Ako nalang.Nakangiti ako habang may bulaklak sa tenga ko.Ang ganda ng ngiti ko dito.Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
Teka,sino naman ang nagpalit ng wallpaper ko?Ang pagkakaalam ko hindi ko iyon pinalitan.Hindi kaya si Clint?Baka sya nga wala naman kasing password ang cellphone ko e.
Bumangon na ako at agad na sinuot ang salamin ko.Hinawakan ko ang Nakapuyod kong buhok at hindi naman sya gaanong magulo.
Paglabas ko.
"GOOD MORNING PRINCESS!" Agad naman akong napahawak sa dibdib ko.Bakit ba kasi lagi silang nanggugulat.
Lahat sila ay nakatingin habang nakangiti sakin.Parang may kakaiba ngayon sa kanila.Ngumiti ako sa kanila.
"Good morning din sa inyo" nakangiti kong sabi.Lalo namang lumawak ang ngiti nila.May kakaiba sa kanila.
Nagulat ako ng biglang lumapit sakin yung apat at bigla nila akong niyakap.Niyakap ko rin sila pabalik.
"Anong meron?" Nakangiti kong tanong sa kanila habang nakayakap.
"Hindi ka namin iiwan" agad akong nagulat sa sinabi nila.Anong ibig nilang sabihin?
"A-ano bang meron?"
"Basta,hindi ka namin iiwan.Mahal na mahal ka namin.Aming Princess" bigla nalang nangilid ang luha ko.Bakit lalong naging sweet sila?
Humiwalay na sila sakin sa pagkakayakap at ngumiti.Lumapit naman si Cris,Mike,Cedrick at Vincent at niyakap din nila ako.
"Hinding hindi ka namin iiwan aming Prinsesa!" Sabay sabay nilang sabi.Ang weird nila pero nakakatouch.
Ganon din ang ginawa nang iba.Yumakap din sila at sinabi na HINDING HINDI KA NAMIN IIWAN AMING PRINSESA.
Nang matapos ang yakapan ay mga nakangiti sila sa akin at sabay sabay na sinabi.
"HINDING HINDI KA NAMIN IIWAN AMING PRINSESA!" napatakip nalang ako sa bibig ko at nag-unahang tumulo ang aking mga luha.
"Bakit kayo ganyan?Hindi naman kayo ganyan ah" sabi ko habang umiiyak parin. Ngumiti naman sila sa akin.
"Ayaw ka lang naming iwanan,princess" sabi ni James.
"Hinding hindi ka iiyak samin,princess"
"Kapag kasama mo kami lagi ka nang ngingiti"
"Hindi kana magiging malungkot"
"Kasangga mo kami sa iyong problema"
Lalo namang tumulo ang luha ko.Bakit ba nila sinasabi sakin to?Sabi nila hindi nila ako papaiyakin,pero bakit umiiyak ako ng dahil sa kanila? Hahaha.
"Bakit nyo ba sinasabi yan?"
"Kasi nga mahal ka namin!" Lumapit ako sa kanila at nag group hug kami.
Mahal na mahal ko din kayo,kahit nakilala ko kayo sa maikling panahon.
"Tama muna ang drama,magsisipilyo muna ako" Natawa naman sila sa sinabi ko.
"Ang bango kaya ng hininga mo,princess" sabi ni Mike. Napangiti naman ako.
---*
"Asan si Clint?Kanina pa sya wala dito ah" sabi ko sa kanila.Agad naman silang napatingin sa akin.Bigla nalang nila akong binigyan ng nakakalokong ngisi at ngiti.
"Bakit mo sya hinahanap,princess?" Tanong ni Mike habang taas baba ang kilay at may nakakalokong ngisi.
"Wala lang.May sasabihin lang sana ako sa kanya" agad naman na nanlaki ang mga mata nila at sabay sabay na nagtakip ng bibig.
"Waaahhhh!"
"Nakakakilig!"
"Sheyttt!"
"Mama!Kilig ako!"
"OMG!OMG!Aamin na sya kay Clint!"
Mahina naman akong natawa sa pinagsasasabi nila.
"Anong pinagsasabi nyo?Hahahahaha!Kaya ko hinahanap si Clint ay may sasabihin kasi ako sa kanya"
"Ano namang sasabihin mo?"
"Secret,HAHAHAH!So,nasan nga sya?"
"Umalis sya.Sinama nung teacher na sinigawan tayo"
"Bakit naman umalis?"
"Inutusan ang lahat ng leader na pumunta sa ilog at manghuli ng isda" sagot ni Cris.So ibig sabihin sya ang leader namin.
"Marunong bang manghuli ng isda yon?" Tanong ko.Nagkatinginan sila.
"Hindi!" Sabay sabay nilang sabi.
"E bakit sya ang ginawa nyong leader?"
"Ikaw nga dapat ang gagawin naming leader kaso tulog ka.Balak ka sana naming gisingin kaso hindi sya pumayag ang sabi pa nya...." Tinuro ni Cris yung apat.
"Wag nyo na syang gisingin,ako nalang ang magleleader para sa kanya.Bantayan nyo nalang sya!" Sabay sabay na sabi nung apat. Kabisado talaga Hahah.
"Pwede bang magpalit ng leader?" Nagkatinginan sila.
"Oo!"
"Tara na" sabi ko at tinalikudan na sila.
"San tayo pupunta?" Humarap naman ako sa kanila.
"Kay Clint. Ako ang magleleader dahil panigurado na galit nayon dahil hindi makahuli,haha" sabi ko."Tara na"sabi ko at nagpaunang maglakad.
---*
Nagpipigil ako ng tawa ng makita ko ang itsura ni Clint habang nanghuhuli ng isda.Nakakunot ang noo nito.Kapag hindi nya nahuhuli yung isda pumipikit sya at humihinga ng malalim.Pinapakalma nya ang sarili nya.
Lumapit ako kay Miss P.Tinaasan nya ako ng kilay.
"Ma'am, ako po ang leader ng Section Eleven" agad naman nya akong tinaasan ng kilay.
"Ikaw?E ano si Mr.Thompson?"
"Sumakit po kasi kanina yung tyan ko kaya sya po muna yung pumalit sakin" pagsisinungaling ko.
"Mabuti pa nga at ikaw ang manghuli.Kanina pa sya nandyan sa may tubig at wala pa syang nahuhuli kahit isa.Sige,paahunin mona si Mr.Thompson at ikaw ang manghuli!" Mataray nitong sabi.Yumuko ako bago tumalikod.
Sungit Sungit,pangit naman.
"Anong sabi?" Tanong ni Cris paglapit ko.
"Ako na ang manghuhuli" nakangiti kong sabi.
"Teka,marunong kabang manghuli?" Ngumisi ako.
"Ako pa.Tawagin nyo na si Clint at paahunin" sabi ko at nilingon si Clint na iyamot na iyamot na.
Hindi nya pa kami nakikita.
"CLINT!" Sigaw nung apat.Lumiw naman si Clint samin.
"What?" Inis nyang tanong.
"UMAHON KANA!"
"FINE!" umahon naman si Clint.Tsaka ko naman napagtanto na naka sando lang sya at bakat na bakat ang sick pack abs nya.Tumutulo rin ang tubig sa buhok nya dahilan para maging hot lalo sya.
"Ang hot ni fafa Clint!"
"Grabe, super gwapo at hot nya!"
"Six packs abs,shemay!
Agad akong napatingin sa mga babaeng nagbubulungan. Mga nakatingin sila sa abs ni Clint.Bigla tuloy nag-init ang ulo ko.
" Hoy oh!"sabi ko sabay abot ng twalya kay Clint at damit."Mag punas at magbihis kana"sabi ko at tumalikod na.
"Hindi pa ako tapos manghuli" sabi nya.Humarap ako.
"Ako ang manghuhuli.Kung ikaw ang manghuhuli ay baka abutin tayo ng pasko" sabi ko.
"What?Ikaw?Why?"
"Wala kang pakialam kaya magbihis kana.Bilis!" Tumalikod na ako.
"Okay na" sabi nya ng makapagbihis sya.Humarap naman ako sa kanila.
"Teka princess, marunong ka bang manghuli?"
"Aha" sagot ko.
"Sa pagkakaalam ko.Ang mahuhuling isda ay iyon ang uulamin sa tanghalian" sabi naman ni Vincent.
"Okay" sagot ko nalang.Pumameywang naman si Clint sa harapan ko kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Ang tanong.Marunong ka bang manghuli?" Nakangisi nyang tanong .Ngumisi naman ako.
"Watch me" sabi ko.
Lumapit ako ako sa bato na inupuan ko nung isang gabi at hinubad ang salamin ko.
Tinanggal ko ang ipit ko at lumantad sa kanila ang mahaba kong buhok.Tumalikod ako sa kanila at hinubad ang t-shirt ko.Tumambad sa kanila ang suot kong Sando.
***?
Please vote and comment.
Thank you!