HIREIN'S POV
Pagdating namin sa harap dorm building ay agad kaming nagbabaan.Ibinaba na nila ang mga gamit na binili namin habang ako ay Pinapanood lang sila.
Nagtatampo ako dahil never nanga akong nakapaglaro ipagkakait pa ni James.Habang Pinapanood ko sila ay nakita ko kung paano pasulyap-sulyap si James sakin.Naguguilty siguro sya.
Nakita kopa na lumapit yung tatlo sa kanya.Nagtipon tipon sila habang pasulyap sulyap sakinSigurado ako na ako ang pinag-uusapan nila.
Nakita kopa na tinapik tapik nila ang balikat ni James.Naglakad patungo sakin si James pero hindi ko sya pinapansin.
Nang nasa harapan ko na sya ay huminga muna sya ng malalim.
"Hir—" hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng patunugin ko ang face call ko sa cellphone.Kunwari kopa na sinagot ang tawag.Lumayo ako sa at kunwari na may kinakausap.
Nang kunwari ay natapos na ang pag-uusap ko sa cellphone ay lumapit uli sakin si James.Bago sya magsalita ay nagsalita na ako.
"Cris!Makikiparada na yung van.Thank you!" Sabi ko at nilagpasan si James. Ibinato ko naman ang susi kay Cris na agad nyang nasambot.
Naglakad na ako papasok ng girls dormitory, narinig kopa na tinatawag nila ako pero hindi ko sila pinansin.
---*
Nang makarating ako sa dorm ko ay agad akong sumalampak sa kama.Tinignan ko kung nagtext si Matt pero kahit tuldok ay wala.Ano pa bang aasahan mo Hirein?Kasama nya si Mika.
Hindi kona lamang inisip yon at nagtungo na ako sa banyo para magsipilyo at magpalit ng damit.Hindi na talaga ako kumain dahil busog ako.
Natulog nalang ako at wala ng inisip.
---*
NAGISING na lamang ako dahil sa alarm clock ko agad akong bumangon at nagtungo sa cr.Naligo narin ako at nagbihis ng uniform.
Agad kong pinatuyo ang buhok ko at ipinuyod iyon ng lahatan at ibinilot.Sinuot kona rin ang salamin ko.
Nang matapos na ang lahat ay agad akong lumabas ng dorm at nagtungo na sa campus.
---*
CLASS ROOM
Pagpasok ko ay naabutan kona ang buong section eleven dito sa class room.Hindi na ako nagulat kung sila ang mauuna. Lahat ng paningin nila ay nasa akin hanggang sa makaupo na ako.
Kalapit ko nga pala si James.Ghad.
Nang makaupo ako ay agad kong inilabas ang head set ko at nagpatugtog nalang sa cellphone. Idinukdok ko ang ulo ko sa arm rest ko at pumikit. Hindi naman ako matutulog e.Ayoko lang talaga sila makita.
Maya-maya ay bigla ng dumating si Sir Cuballes at inanunsyo na bukas na ang alis namin.
"Ok,class. Kaya ako nandito ay para sabihin na bukas na ang alis natin papuntang BEACH" sabay ngiti ng nakakaloko.Palihim naman ako na napangisi. Hahaha.
Nawala ang nakakalokong ngisi ni Sir ng mapansin nya na walang nag-iingay sa amin.
"Bakit ganyan ang mga mukha nyo?" Tanong ni sir.Agad naman na napatingin sakin ang buong section eleven kaya agad na nangunot ang noo ko."Ms.Cross,may problema ba?"
"Sir,hindi nalang po ako sasama bukas" diretso kong sabi.Agad naman na nangunot ang noo nila.
"Hindi pwedeng kulang ang mga bata" sabi ni sir.
"Sorry sir pero medyo masama po ang pakiramdam ko" dahilan ko.Huminga muna sya ng malalim bago magsalita.
"O sige,pinapayagan na kita" dismayadong sabi ni sir."By the way,wala nga palang klase ngayon dahil kailangan nyong pagplanuhan ang pag-alis bukas"pagkasabi na pagkasabi non ni sir ay agad akong tumayo dahilan para mapunta sakin ang atensyon nila.
Agad akong naglakad palabas at padabog na isinarado ang pinto.Babalik nalang ako sa dorm at matutulog.
***?
CRIS POV
Pagpalabas ni Hirein ay agad na napatingin samin si sir ng may pagtataka.
"Anong nangyari don?"nagkatinginan naman kami.
" Sir,si James po kasi e"sabi ni Kyle at Eyan.
"Anong ako?" Kunot noong tanong ni James.
"Kasi hindi mo pinayagan na maglaro si Hirein" sabi ni Eyan.
"Anong connect?" Singit naman ni Jinjin.
"Narinig nyo naman yung sinabi ni Hirein diba?" Tanong ni Kyle. Napatango naman kami.
"Ang sabi nya hindi daw sya nakapag laro simula nung bata pa sya" sabi naman ni Eyan..
"O tapos?" Si Sir na abang na abang sa sasabihin ni Kyle at Eyan.
"Kaya nung nag-aya sya na maglaro tayo.Ayaw mo naman" sabi ni Eyan at Kyle.
"Kaya nagtampo o nagalit sya sa atin.Dapat nga sayo lang sya nagalit e.Nadamay tuloy kami" sabi ni Kyle.
"Sinasabi nyo ba na kasalanan ko kung bakit nagtatampo si Hirein at hindi tayo pinapansin!?" Medyo Galit na tono ni James.
"Oo!" Sabay na sabi ni Kyle at Eyan.
"Ipagkakait mo pa ang kagustuhan ni Hirein. Tsk.tsk.tsk" sabi ni Kyle habang umiiling pa.
"Wala kayong pakialam!Kayo rin naman ah.Ayaw nyo rin naman na maglaro ah.Hindi lang naman ako ang inaya ah!Pati kayo!" Sabi ni James sabay duro SA Dalawa.
"Kaya nga.Hindi lang naman si James ang inaya ah.Lahat tayo inaya nya pero tumanggi tayo" sabi naman ni Jinjin.May point si JinJin.
"At isa pa!Pagod na tayo non,dahil katatakbo.Kailangan din natin ng pahinga" sabi ni James.
"Oo nga!Pagod tayo non!" Sabi ni Jinjin.
"Hindi nyo ba nakita?Na mas pagod si Hirein" agad naman na nangunot ang noo namin."Hinahabol sya nung mga babae dahil sinabi ni James na ang makahabol kay Hirein ay may libreng yakap "
Oo nga no.
"Nakita ko kung paano sinampal si Hirein nung babae,dahil pinagod daw sila ni Hirein katatakbo." Dagdag ni Eyan.Hindi naman makapagsalita si James.
"Ang Nakakainis pa diniscribe mo pa James. Si Hirein para lang mahuli"sabi ni Kyle nakita ko naman ang pagkuyom ni James ng kanyang kamao.
"Madamot ka James. Madamot ka" pagkasabi na pagkasabi ni Kyle non ay agad nyang sinuntok sa mukha si Kyle kaya agad kaming napatayo.
Sinuntok naman ni Eyan si JinJin kaya nagrumble yung apat. Bumalik nalang ako sa pagkakaupo at manonood nalang ako.
Raw VS Smackdown.HAHAHA.
Halos lahat ng SE ay umaawat na kasama si Sir pero kaming dalawa ni Clint ay nakaupo lang at prenteng nanonood sa kanila.
Nang maawat na sila ay agad na pinaupo yung apat sa upuan nila.Namumula naman si sir dahil sa galit.
Patay kayo haha.
Ang daming sinabi ni sir pero wala akong pakialam dahil Inaantok ako.Sa sobrang dami ng sinabi ni sir ay parusa lang pala ang pinataw sa kanila.
Pinatayo sa unahan yung apat at iginuhit nila SA hangin ang pangalan nila kaya tawa kami ng tawa.
Habang isinusulat sa hangin ni James ang pangalan nya ay nakabusangot parin.
Ganon din si Kyle at Eyan.
Si JinJin naman ay biglang nautot kaya kaya tawa kami ng tawa dahil ang lakas ng utot nya.Dinaig pa ang lakas ng atomic bomb hahaha.
***?
Please vote and comment.
Thank you!