HIREIN'S POV
Nakaalis na kaya sila?Nandon na kaya sila?
Nakarating kaya sila ng maayos don?
Yan ang ilan sa paulit-ulit na pumapasok sa isip ko habang nakahiga at nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko dito sa girls dormitory.
Hindi ako sumama dahil nagtatampo talaga ako sa kanila lalo na kay James.Nakakatampo kasi,yung tipong gustong-gusto mo pero pinagkakait sayo.Aish!Nakakatampo.
Hindi naman ako nagagalit sa kanila pero nagtatampo talaga ako.
Agad kong kinuha ang cellphone ko sa side table dahil magvibrate ito,agad na nangunot ang noo ko dahil nagtext sakin ang manloloko kong boyfriend at bestfriend.
Ano kayang trip nila?
Una kong tinignan ang kay Matt at isang himala dahil....
Matt:
Babe date tayo.
Alam kong may gagawin nanaman tong kalokohan dahil inaya nya akong magdate.Agad naman akong nagtipa sa cellphone ko.
Me:
Sorry Matt.Nasa camping kasi kami.
Oo,inaamin ko gusto ko syang makasama.Pero gusto ko munang dumistansya sa kaniya dahil kapag nakipag break ako ay hindi na ako iiyak sa harapan nya.
Mahirap man gawin pero kakayanin ko,para rin naman to sa ikabubuti ko.Kaya lalayo muna ako.
Ayoko rin makipagdate kay Matt dahil sa tuwing nagdedate kami ay ako lagi ang nagbabayad.
Oh diba?Kagaleng.
Agad ko namang tinignan ang text ni Mika.
Mika:
Good morning bestie!Tara shopping tayo.Treat mo.
Agad na napataas ang kilay ko sa sinabi nya.Ang galing mag-aya ako rin naman pala ang magbabayad.Tch.
Agad akong nagreply sa kanya.
Me:
Sorry Mika.Nasa camping kasi ako ngayon e.
Sinasanay ko narin na hindi sila tawagin sa call sign namin para kapag nakapag harap harap na kami ay matatawag ko nalang sila sa pangalan nila.
Kaya hindi rin ako pumayag na umalis ay dahil susunod ako sa SE boring pala kapag hindi ko sila kasama.
Agad akong naligo at nagbihis.
Nakahanda na ang maleta ko kagabi pa.Kagabi kopa kasi naisip na sumunod sa kanila.
Nang maayos na ang lahat ay agad na akong lumabas ng dorm ko.Ako lang ang nag-iisang tao ngayon dito sa buong dorm dahil lahat ng estudyante ay nasa camping.
---*
NANG nasa baba na ako ay agad kong sinakay sa compartment ang mga maleta ko.Nang nasa ayos na ang lahat ay agad akong sumakay sa kotse ko at pinaandar na ang kotse papunta sa SE.
Hintayin nyo ako boys. Magsosorry pa kayo sa akin hehehe.
Nilagyan ko ng tracking device ang likod ng tenga ni James nung pumunta kami ng mall kaya alam ko kung nasaan sila ngayon.Mabuti nalang ay nailagay ko iyon sa kanya kung hindi baka naligaw na ako.Hindi ko kasi alam kung saan yung pinagcampingan nila.Hindi naman kasi ako palalabas ng bahay.
Sinusundan ko lang ang pulang ilaw hanggang sa nawala iyon.Napatigil ako sa pagmamaneho.
Hala!Nawala!Pano nayan?!
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Panay puno ang makikita mo dito,walang bahay kahit isa.Liblib ang lugar nato.
Huhuhu!Pano nako neto ngayon?Mukhang naliligaw na ako.Wahhhh!Humanda ka talaga sakin James pagnakita kita.
Kahit hindi ko alam kung saan na ako papunta ay pinagpatuloy ko lang ang pagdadrive ko.Nakakapagtaka nga e.Diretso lang ang daan,walang likuan.
***?
JINJIN'S POV
Tahimik kami ngayon dito sa kampo namin.Walang gumagawa ng ingay.
Ewan koba pero ngayon lang nangyari sa amin ang ganito,ang maging tahimik.
Nakaupo kami ngayon sa pinutol na troso habang pinalilibutan namin ang bounfire na ginawa namin.Halos ilang oras rin ang sinayang namin para makapaggawa ng apoy.Hindi kasi kami sanay sa gawain na ganito.
Napatingin ako kay James ng may makita ako sa peripheral vision ko na kulay pula sa likod ng tenga nya.Agad akong humarap sa kanya at tinanggal iyon.
Napatingin naman sya sa akin habang nakakunot ang noo.Sigurado ako badtrip parin to sa nangyari kahapon na away.
Hindi parin kami nagkakaayos nila Kyle simula kahapon.
Agad kong ipinakita sa kanya yung tinanggal ko sa tenga nya.Kunot noo naman nya iyong tinignan at hindi na pinansin.
Pinagmasdan ko naman iyon.Hindi ko maiwasang mamangha dahil ang ganda nito.Umiilaw sya sa dilim.
Maliit lamang ako.Mga kasing laki ng taling.Agad naman din akong nagtaka dahil wala namang pangdikit yung nakuha ko kay James pero dumidikit iyon.
Inilagay ko sa hintuturo ko yung parang mamahaling bato at hinipan.Hindi man kang iyon nilipad na ikinakunot ng noo ko.
Dapat lumipad iyong bato nato.Dahil magaan lamang sya.
Inihipan ko uli yung bato pero hindi talaga iyon nililipad.Hanggang sa inihip-ihinpan kopa pero ayaw talaga.Kunot noo naman akong tinignan ng mga kasama ko.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Cris na nakakunot ang noo.
"Wala,hehe" sabi ko sabay kamot ng batok. Idinikit ko nalang sa palad ko yung kulay kulay pulang bato,baka kasi pagpinakita ko sa kanila at magustuhan nila at hingiin nila.
Gabi na at hindi parin kami nakakakain dahil walang may dalang kaldero sa amin.May rekado nga wala namang dalang kaldero.Aanhin namin yung rekados?Kakainin?.
Malapit narin mamatay yung apoy namin pero wala kaming ginagawa kundi titigan iyon.
Nagugutom na talaga ako!
Alas otso na at kami nalang ang section ang nasa labas ng kampo namin.Hindi pa kami nakakakain.
Kainis!Sino ba kasi ang hindi naglada ng kaldero. Kaazar.
Dahil sa gutom ay hindi ko namalayan na nakapag salita na ako..
"Nagugutom nako"sabi ko sabay nguso.
Maya-maya lang ay may lumipad na hotdog mula sa kung saan at tinamaan ako sa muka." Aray!"angil ko.
Napatingin naman ako dun sa bumato.Galing sa madilim na parte ng gubat nanggaling yung hotdog.
Teka,wag mong sabihin na may engkanto dito.
Bakit kasi sa gubat pa kasi nila napiling mag camping baka may wrong turn dito e.Yung Kumakain ng tao.
"Sorry,hihihi" agad na nangunot ang noo ko dahil parang boses ni Hirein iyon.
"Hirein?Ikaw ba yan?" Tanong ko habang nanginginig na sa takot.
"Oo" sagot nung kaboses ni Hirein.Imposible na nandito sya.Naiwan sya sa dorm mag-isa.Imposible na sumunod yun dito dahil Liblib na lugar to."Pwede bang tulungan nyo ko dito?Nangangawit na ako"sabi nya.
Nagpalinga-linga kami pero wala kaming makita.
"Nasan kaba?" Tanong ni Cris habang palinga linga din.
"Nandito"
"Waaahhhh!" Agad akong napapunta kay Cris at yumakap ng biglang sumulpot sa tagiliran ko si Hirein habang nakatapat ang flashlight sa Mukha nya.
"Hahahahahahaha!" Tawa nya habang nasa gaanong posisyon. Gulat naman kami habang nakatingin sa kanya..
Umupo si Hirein sa troso na inuupuan ko kanina tawa parin ng tawa.Nakahawak na sya sa tyan nya habang tumawa.
Tsaka ko lang napansin na nasa likudan na pala ni Cris at Clint ang buong SE habang nakatingin parin kay Hirein.
Nang matapos na katatawa si Hirein ay tumingin na sya samin habang nakakunot nang noo pinagmasdan nya kami.
"Anong nangyari sa inyo?Bakit nandyan kayo?Diba kanina nakapalibot kayo?Anyare?" Tanong nya na parang wala syang ginawang kalokohan.
"Hirein?I-ikaw ba talaga y-yan?" Takot na tanong ni Mike. Ngumiti naman ng nakakatakot si Hirein.
Creepy.
"D-diba?Nasa d-dorm k-ka?" Tanong naman ni Kyle.
Natawa nalang uli si Hirein at biglang..
"BOOOO!" Ginulat nya kami.
"WAAAHHHH!" Sigaw naming lahat at yumakap sa isa't isa.Tawa naman ng tawa ang baliw na Hirein.
"Ano ba kayo?Wag nga kayong OA" sabi nya sabay pout. "Ganon naba ako kapangit para katakukan?" Tanong nya at lalong ngumuso. Ang cute nya.
"Hirein?Ikaw ba talaga yan?" Naniniguradong tanong ni Mike. Napabusangot naman si Hirein.
"Ilang oras nyo palang ako hindi nakikita nakalimutan nyo na agad ako" sabi nya at sabay nguso.
Lumapit naman ako sa kanya at pinindot pindot ang matambok nyang pisngi. Agad akong napangiti ng Si Hirein nga to.
"Ano?Naniniwala na kayo?" Tanong ni Hirein at tumango-tango naman kami.
Nagulat nalang ako ng bigla akong natibig ni Cris at yakapin si Hirein na Ikinagulat naman nito. Nang nakarecover ay yumakap din ito pabalik.
Tumingin ako kay Clint na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin dun sa dalawa na magkayakapan.Napangisi ako.
Selos.
***?
Please vote and comment.
Thank you!