HIREIN'S POV
—Flash Back—
Habang diretso lang ang tinatahak kong daan ay may biglang lumitaw na kulay pula sa screen ng cellphone ko.Agad naman akong nagtaka dahil ang alam ko ay nawala na ang kulay pulang tuldok.
Pag nawala kasi ang kulay pulang tuldok ay ibig sabihin ay hindi nakadikit sa balat ng tao ang tracking device. Pag naman may kulay pulang tuldok ibig sabihin ay naka dikit iyon sa balat ng tao.
Agad naman akong napangiti dahil dirediretso lang ang daan papunta kila James.
Nang nasa pinakang dulo na ako ng gubat ay nakita ko ang mga nakaparadang bus sa gilid.Panigurado akong yan ang ginamit nila.
Agad akong bumaba sa kotse ko at Kumuha ng isang maleta at flash light.Nagpalinga-linga ako.
Sa di kalayuan ay agad akong nakakita ng bonfire. Lalapit sana ako para magtanong kung saan nakatayo ang tent ng Section Eleven ng marinig ko ang boses ni JinJin.
"Nagugutom nako" sabi nya sabay nguso.Bakit ba ang cucute ng mga kaklase ko?
Agad kong binuklat ang maleta ko at Kumuha ng isang balot na hotdog at inihagis iyon sa kanya.Pero sa di inaasahan ay sa Mukha sya natamaan.
"Aray!"angil nya habang hinihimas ang Mukha nya.
Nagpalinga-linga naman sya pero hindi nya ako makita dahil nasa madilim akong parte at Nakapatay ang flashlight ko.
"Sorry,hihihi"
"Hirein?Ikaw ba yan?" Tanong ni JinJin.
"Oo" diretso kong sabi."Pwede bang tulungan nyo ko dito?Nangangawit na ako"sabi ko.Nangangawit na talaga ako.
Nagpalinga-linga sila pero hindi nila ako makita dahil nga nasa dilim ko.
"Nasan kaba?" Tanong ni Cris habang palinga-linga din.
Agad akong naglakad papunta sa likod ni JinJin para gulatin nya.Nakikita ko kasi sa Mukha nya na Takot na takot sya.
"Nandito" sabi ko samay tagiliran ni JinJin.
"Waaahhhh!" Sabi ni JinJin sabay lapit kay Cris at yumakap. Nagpunta naman sa likod ni Cris at Clint yung iba.
"Hahahahahahaha!" Tawa ko habang nasa ganoong posisyon,nakatapat ang flashlight sa mukha ko at tumatawa.Umupo ako sa troso na inalisan ni JinJin at tumawa ng tumawa.
"Anong nangyari sa inyo?Bakit nandyan kayo?Diba nakapalibot kayo dito kanina?Anyare?" Tanong ko.
"Hirein? I-ikaw ba talaga y-yan?" Nanginginig na tanong ni Mike.Ngumiti naman ako sa kanila ng creepy. Nakita ko kung paanong napaatras sila.
Jusme!Ngiti palang yan.Pano pa kaya kung kumindat ako?Baka himatayin na yan sila.
"D-diba?Nasa d-dorm k-ka?" Tanong ni Kyle.
Natawa nalang ako sa kanila at...
"BOOOO!" Ginulat ko sila.
"WAAAHHHH!"sigaw nilang lahat maliban kay Clint na nakapoker face.Nagkanya-kanya naman silang yakap kung sino ang mayakap nila.Tawa lang ako ng tawa dahil hindi na maipinta ang mga Mukha nila.
" Ano ba kayo?Wag nga kayong OA.Ganon naba ako kapangit para katakutan?"sabi ko at lalong ngumuso.
"Hirein?Ikaw na ba talaga yan?" Tanong ni Mike.Napabusangot nalang ako.
"Ilang oras nyo palang akong hindi nakikita,kinalimutan nyo na agad ako" sabi ko at ngumuso.
Lumapit naman si JinJin sakin at pinindot-pindot ang pisngi ko.Agad naman syang napangiti ng marealize nya na cute pala ako.Char.
"Ano?Naniniwala na kayo?" Tanong ko.
Tumango-tango naman sila.
Nabigla naman ako ng bigla akong yakapin ni Cris.Nang nakarecover ako ay agad ko syang ginantihan ng yakap.
Nang napatingin ako sa gawi ng SE ay Ayun nanaman ang nanunuksong tingin at ngiti nila.Mga baliw.
Nang napatingin naman ako kay Clint ay ang sama ng tingin nya samin ni Cris.
Inggit lang?
—End of Flash Back—
"Pano ka nakapunta dito?Liblib to ah" tanong ni Mike.
Nandito kami ngayon sa labas ng kampo namin at nakaharap si ginawa nilang bonfire habang nag-iinit ng hotdog na inihagis ko sa mukha ni JinJin.
Nang tingin sila sa akin at nag-aabang ng sagot ko.
"Secret" sabi ko sabay ngiti.
"Hindi kana galit?" Agad naman akong napatingin kay Jack ng tanungin nya yon.Agad naman na nangunot ang noo ko.
"Huh?"
"Diba nagalit ka samin dahil hindi ka nakapag laro?"
"Sinong may sabi na galit ako?Hindi naman ako galit e" sabi ko."Hindi naman ako galit.Nagtampo lang ako"dagdag kopa at ngumiti sa kanila."Okay lang pati.Pagod na naman pati kayo non kaya wag na lang"
Bigla akong kinalabit ni Cris na katabi kong nakaupo sa troso.Inilapit nya ang bibig sa tenga ko at bumulong.
"Nag-away si James at Kyle kahapon. Rumble" agad na nangunot ang noo ko.
Ako naman ang bumulong sa kanya.
"Pano naging rumble yon e dalawa lang sila?"
"Si JinJin at Eyan pa kasama."
"Seryoso?" Tanong ko ng makalayo na sya sakin.Tumango naman sya.
Agad naman akong napatingin dun sa apat.Kaya pala magkahiwalay sila ng inuupuan at hindi nag-uusap.
Ako ang bahala para magkaayos na ang apat na itlog.Hahah.
"Oo nga pala.Bakit hindi pa kayo Kumakain?"
"Hindi kasi sila nagdala ng kaldero e"
"May rekados nga,wala namang paglulutuan"
Sari sari ang mga sinabi nila.Nagturuan pa sila kaya bago pa sila magkapikunan ay pinigilan kona sila.
"Hep!Hep!Hep!" Awat ko sa kanila.
"Horayyyy!" Natawa nalang ako sa sinagot nila.
"Wag na kayong magtalo dahil may dala ako ng mga hindi nyo dala" sabi ko.Nagningning naman ang mga mata nila.
"Talaga!" Hindi makapaniwalang tanong nila.
"Oo,meron"
"E nasan?Isang maleta lang ang dala mo?"
"Yung iba kopang maleta na kotse ko.Pakikuha nalang nakakapagod e" akala ko hindi nila ako susundin pero nagulat ako ng bigla silang nagtayuan at naiwan akong mag-isa dito sa kampo.
Literal na napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa dinaanan nila.
Himala.
Nang madala na nila yung mga maleta ko ay tsaka ko lang napansin na Walang nakatayong tent sa area namin na agad kong ipinagtaka.
"Asan yung mga tent nyo?"
"Wala pa e.Hindi kami marunong magtayo kaya wala pa hehe" sagot ni JinJin habang nagkakamot ng ulo.
Jusko lord!
"Tulungan nyo ko.Magkakabit tayo ng tent" sabi ko.Nagtanguan naman sila.
Nagsimula na kaming mag-ayos ng tent nila at nang matapos ang kanila ay agad akong lumapit sa isa kong maleta at hinanap ang tent ko.Agad na nangunot ang noo ko ng hindi ko makita ang tent ko.
Agad akong napanguso.
"Bat ganyan itsura mo?" Tanong ni JinJin agad naman na napatingin sa akin ang atensyon sa iba.
"Yung tent ko nakalimutan ko" sabi ko Sabay ayos ng salamin ko at ngumuso.
Bakit sa dinami-rami ng pwede kong kalimutan yung tent pa.
Nakakainis!
San ako matutulog nito! Sa lupa?
"Sinong solo SA tent?" Tanong ni Cris.
Kada isang tent kasi ay dalawa ang sama.Kaya sampo ang binili namin.
"Kasama ko Si James"
"Sakin Si Kyle"
"Kasama ko si Mike"
"Si Cris naman ang akin"
"Ang Alam ko si Clint nalang ang solo" agad akong napaangat ng tingin.
"Sino?" Agad kong tanong,baka kasi namali ako ng dinig e..
"Si Clint"
"So ibig sabihin share kayo ni Clint sa iisang tent" sabi ni Cris.
"Cr—" aangal pa sana ako kaso inunahan na nya ako.
"Wag ka nang umangal that's my final answer" sabi ni Cris,parang galit ang tono nya."Ayusin nyo muna yung mga kalat nyo at matulog na kayo "parang ang bossy ngayon ni Cris.
Bago sila pumasok sa mga tent nila ay binigyan nila ako ng nakakalokong ngisi at Tingin.Agad naman nangunot ang noo ko.
Anong kalokohan nanaman ang nasa isip nila?.
" Good night! "Sabi ko habang nasa labas ako.
" Good night den!"
"Good morning!"
"Good afternoon!"
"Good evening!"
"Sana masarap ang tulog mo ngayon hahaha!"
"Yieeeeeeee!"
"Wag kayong gagawa ng milagro.hane?"
"Ayokong maging batang ninong dahil wala akong pera" Agad na nangunot ang noo ko sa pinagsasasabi nila.
Kalokohan nyo!
"Pumasok kana. Lumalalim na ang gabi"
"Ayyy!Palaka!" Agad akong nakahawak sa dibdib ko dahil sa gulat.
Agad akong tumingin sa nagsalita.
Si Clint.
Akala ko pumasok na sya.
Ngumisi sya."Sa gwapo kong to?Mukhang palaka sa paningin mo"sabi nya habang nagyayabang.
Mahangin rin pala to e.
"Oo.Mukha kang palaka sa paningin ko" sabi ko.Ngumisi naman sya.
"Gwapong palaka" sabi nya at pumasok na sa loob ng tent.
"Mahangin!" Sigaw ko.Inilabas nya ang ulo nya sa tent ay ngumisi.
"Gwapo naman" pagkasabi nya ay kumindat sya.
"I hate you!" Sigaw kopa. Narinig ko naman ang mahina nyang tawa.
Pakisabi nga. Pano ako makakatulog kasama yung mahangin nayon?
Mas malala pa sya kila James
***?
Please vote and comment.
Thank you!