HIREIN'S POV
Hindi ako mapakali sa pagtulog.Kung ano-ano nang pusisyon ang ginawa ko para makatulog pero hindi talaga ako makatulog.Nakakainis natulog pala ako kahapon kaya hindi ako makatulog.
Naisipan ko na magpahangin sa labas kaya naman sinilip ko yung Katabi kong mahangin,nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita yung mukha nya.
Mukha naman syang tulog na.
Lumabas na ako ng tent at maingat na lumapit sa isang tent kung saan doon nakalagay ang mga gamit namin.
Kinuha ko ang isa kong maleta na naglalaman ng mga paborito kong inumin tulad ng Chuckie,sprite, coke,yakult, dutch mill at marami pang iba.Kumuha lang ako ng isang litrong Chuckie at naglakad lakad.
Dineretso ko lang ang dinaanan ko hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa tabing ilog.
Umupo ako sa medyong malaki bato at sinimulang inumin ang Chuckie. Tinignan ko kung anong oras.
1:51 am.
Balak ko sanang manood nalang sa YouTube kaso wala palang signal.Oo nga pala Liblib to.
Nakinig nalang ako ng kanta sa cellphone ko.
?Don’t know, how to start the day without you by my side. Anxious, and unable to talk
I miss that Those hugs I know I'm wrong I will not deny you that kona ang
?I'm sorry my love I was just tempted unexpected will lead to this
?You gave in to me
Habang pinapakinggan ko ang kanta ay tumingin ako sa kalangitan na puno ng mga nagkikinangang bituwin.Mapait akong ngumiti.
?But suddenly I found out. You are my friend My world has collapsed Because he is with you.
Unti-unting tumulo ang aking mga luha.Kaya pala iba ang mga titigan nyo,kasi may relasyon kayo.
?Why my friend still The one you choose to love.
Habang nag-eemote ako ay may biglang humawak sa balikat ko.Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako.
"Wag kang sisigaw kung gusto mo pang mabuhay" hindi pamilyar sakin ang boses nya.
Naramdaman ko nalang na tinutukan nya ako ng kutsilyo sa leeg.Agad naman akong napabusangot.
"Pwede ba?Wag ngayon,nakikita mo namang nag-eemote ako dito tapos eepal ka.Papansin karin e no?" Inis kong sabi.
Kitang nag-eemote ako,eepal.Bwisit.
"Wag kang magsalita kung gusto mo pang mabuhay" banta nya.Luhh,kala nya natakot ako.
"Alam mo kung pinapabayaan mo nalang mag-isa dito natuwa pako sayo" boring kong sabi.
"Sinabing wag kang maingay e." May halong Inis sa boses nya.
"Whatever" sabi ko at umirap sa kawalan."Pwede bang wag mong gaanong kahigpitan ang pagkakasakal mo kasi,hindi ako makainom ng Chuckie e"sabi ko.Nakapulupot kasi yung braso sa leeg ko.
Naramdaman ko naman ang pagbaon ng patalim sa leeg ko kaya napapikit ako.
"Tatahimik ka o papatayin kita" banta nya.Napairap uli ako.
"Whatever" boring kong sabi.Pinagkrus ko ang aking mga braso,ilang minuto na kami sa ganoong posisyon ng magsalita ako."Pwede bang pakawalan mona ako?Inaantok nako e"sabi ko sabay hikab.
"Tahimik!"
"Anong oras na oh.Kailangan ko pang matulog kaya paalisin mona ako"
"Tumahimik ka sabi!" Naramdaman ko nanaman ang pagbaon ng kutsilyo sa leeg ko.Napapikit ako.
Akala ko manhid nako,hindi papala.
"Oo na!Oo na!Tatahimik na!Bwiset!" Sabi ko sabay irap sa hangin.
"Sino ka?" Napatingin nalang ako sa dinaanan ko kanina at nakita ko si Clint na nakatayo sa may puno. Mukhang bagong Gising sya.
"Wala kang pakialam!" Sabi nung babae sa likod ko.
"Bitawan mo sya!" Medyo Galit na sabi ni Clint.
"E di bitawan!" Agad akong tinulak nung babae kay Clint dahilan para mapasubsob nalang ako sa dibdib nya
Anak nang....
Pagharap ko dun sa babae ay mabilis syang tumakbo palayo.Tsaka ko lang napagtanto na naka all black sya.
"Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Clint.Totoo ba yung narinig ko?Tinanong nya ako kung ayos lang ako.
Himala.
"Ha?Ah,Oo" at dahil tinanong nya ako ng maayos Sasagutan ko sya ng maayos,hehehe."Tara na,baka may palaka pa dito"sabi ko at nagpauna ng maglakad.
Habang naglalakad kami ay may nakasalubong akong palaka.Napatigil ako sa paglalakad.
"Bakit tumigil ka?"agad akong pumunta sa likod ni Clint dahilan para magtaka sya." Bat nandyan ka sa likod?"
"May palaka e" sabi ko.
"Ha?"
"May palaka" sabi ko habang nakakapit sa manggas ng damit nya.
"E ano ngayon?"
"Takot ako sa palaka e" narinig ko naman ang mahinang tawa nya.Bwiset,tinawanan pako.
"Oh?Tapos?"
"Paalisin mo yung palaka"
"Sa isang kondisyon"
"Ano naman yon?"
"Hahayaan mo akong buhatin ka" agad akong Napatingin sa kanya pero nakatingin sya sa langit.
"Ha!Ayoko nga!" Angil ko.
"Sige,Alis nako" sabi nya,nang akmang maglalakad na sya ay agad ko syang hinawakan sa braso.
"T-teka sandali" pigil ko.Tumigil naman sya at tumingin sa akin."S-sige na"sabi ko sabay yuko.
Bwiset na palaka yan.Pag ako hindi na takot sa inyo.Papatayin ko kayo.Hmp.
Lumapit sya akin at binuhat na ako ng pang kasal.Humawak naman ako sa batok nya.Habang naglalakad kami ay nakatingin lang ako sa daan ng bigla kong isubsob sa dibdib nya ang mukha ko..
"A-ang dami nila.H-hindi ko k-kayang tumingin" sabi ko sa kanya habang nakabaon sa dibdib nya ang mukha ko.
"Tch" angil nya at nagsimula na uli syang maglakad.
Nang makarating kami sa kampo namin ay agad nya akong iniupo sa troso.Tumingin naman ako sa bonfire na gawa nila kanina.Buti nalang ay naglagay ako ng kahoy bago ako umalis.
Umupo naman sya sa isa pang troso at tumitig din don.Gaya-gaya.
"T-thank you" sabi ko sabay yuko.Naramdaman ko naman ang tingin nya sakin.
"Ano ba kasing ginagawa mo dun?"
"Hindi kasi ako makatulog e.Kaya lumabas ako" sabi ko habang nakayuko parin."Pano ka napunta don sa may ilog?"tanong ko sa kanya.
"Nagising kasi ako na wala ka sa tabi ko" agad naman akong napatingin sa kanya at nakatingin din sya sakin.Agad akong nag-iwas ng tingin.
Ang awkward.
"Ganon ba?"
"Hmm"
"Gusto mong inumin?" Tanong ko sa kanya at nag-angat ng Tingin. Nakatingin pa din sya sakin.
Siguro nakucute-an sakin si Clint kaya hindi maalis sakin ang tingin.Sabagay cute naman talaga ako.Hehe.
Tumango lang sya.
Lumapit ako sa tent kung saan nandon ang mga gamit namin.Kinuha ko ang isa kong maleta at binuksan iyon.
"Chuckie,coke,sprite, dutch mill?" Tanong ko habang nakatalikod sa kanya.
"Coke" tipid nyang sagot.Kinuha ko naman yung coke na incan.
Humarap ako sa kanya at ibinato sa kanya ang coke na nasambot naman nya.Tumalikod uli ako sa kanya at ipinasok na ang maleta sa tent.Kinuha ko naman yung isa ko pang maleta para kumuha nga first aid kit.
"Anong gagawin mo dyan?" Tanong ni Clint ng makaupo uli ako.
"Gagamutin ko yung sugat ko" sabi ko sabay nguso."Bwiset na babae yon.Sinugatan pa ako.Kainis"sabi ko sabay nguso.
Lumapit sakin si Clint at kinuha ang bulak sa kamay ko.Taka ko naman syang Tinignan.
"Anong ginagawa mo?"
"Gagamutin ka,Malamang" sagot nya habang nilalagyan ng betadine yung bulak.
Kagaleng.
"Ako na.Kaya kona" sabi ko.
"Bakit kaba kasi nagpunta don!?" Medyo galit nyang sabi."Pwede ka naman na dito ka sa harap ng kampo magpahangin.Bakit dun pa?"tatay koba to?Mas galit pa sya kay daddy kapag pinapagalitan ako.
"Magpapahangin nga diba?Tapos tatambay pako dito sa harap ng apoy,Kagaleng" pabalang kong sabi,diniinan naman nya yung sugat ko."Aray naman!"
"Umayos ka ng pagsagot sakin"
"Tatay ba kita?Dinaig mo pa daddy ko ah" natatawa kong sabi.
"Sa susunod na pupunta ka dun sa tabing ilog,gisingin mo ako para may masamahan kita" agad akong napatingin kay Clint ng sinabi nya yon..
"Owwtsss?Talaga ba?"
"Tch,di wag"
"Okay"
Matapos nyang gamutin ang sugat ko ay pumasok na kami sa tent. Sampung minuto palang ata ang nakakalipas ay tulog na sya.
Sinilip ko sya at inilawan ang.mukha nya.Ang amo ng mukha nya pagtulog.Napatingin naman ako sa leeg nya at nakita kong pinagpapawisan sya.
Kinuha ko ang mini fan ko at isinabit sa taas ng tent para mahanginan sya.Nang ayos na ang lahat ay natulog na rin ako.