HIREIN'S POV
Nagising na lang ako ng may marinig akong nag-iingay sa labas.Tumingin ako sa gilid ko at wala na si Clint sa tabi ko.
Agad akong bumangon,kinusot-kusot ko muna ang mata ko bago isuot ang salamin ko.Hinawakan ko ang buhok kong nakapuyod at hindi naman gaanong magulo dahil hindi naman ako malikot matulog.
Lumabas na ako sa tent habang nakanguso.Inaantok pako.Agad na napatingin sakin ang SE.Gising ka pala silang lahat.
"Good morning, prinsesa!" Nakangiting bungad nila.Agad na nangunot ang noo ko.Ano daw?Prinsesa.
Hindi naman princess ang pangalan ko ah.Bakit tinatawag nila akong princess?
Weird.
"Prinsesa?" Kunot noo kong tanong sa kanila.Nakangiti lamang sila.Weird.
"Grabe,wala man lang GOOD MORNING dyan" sabi ni Cedrick.
"Good morning" nakangiti kong bati sa kanila."San kayo naghilamos at nagtooth brush?"tanong ko uli sa kanila.
"Sa may ilog"sagot naman ni Vince.Tumango nalang ako at pumunta sa tent para kuhanin ang toothbrush at toothpaste.
Maglalakad na sana ako papuntang ilog ng pigilan nila ako.
" Sandali,prinsesa "humarap ako sa kanila.
" bakit?"
"Pinag-igib kana namin ng tubig,princess" sabi naman ni Mike.Agad naman akong nagtaka.
Hindi naman sila sanay sa gawaing bahay ah.
"Anong nangyayari sa inyo?Hindi naman kayo sanay sa gawaing bahay a"nagkatinginan naman sila.Parang sinasabi nila na sabihin nyo na ang dahilan look.
"A-ano kasi e....." Nag-aalangan si JinJin kung sasabihin ba nya o hindi.
"Ayaw ka lang namin na napapagod,princess" Singit naman ni Mike.
"At tsaka pa.Pa thank you nanamin sa inyo yung ginagawa namin"
"Para saan?" Kunot noo kong tanong sa kanila.
"Dahil sa panlilibre mo samin.At sa pagiging mabait mo pa" sagot naman ni Cris.Yung Kunot na noo ko kanina ay nawala at napalitan ng ngiti.
"Seryoso?Ginagawa nyo to sakin bilang pasasalamat?" Tumango naman sila.Ngumiti ako."Thank you all"nagtaka naman sila.
"Para saan naman yan,princess?" Tanong ni James.
"For being nice and good to me.I love you all" sabi ko habang may malawak na ngiti.Ngumiti naman sila pabalik sa akin.
"WE LOVE YOU OUR PRINCESS!" sigaw nila dahilan para mapatingin samin ang ibang section.
"Shhhh,Quite!" Sigaw ng isang adviser samin.
"Inggit lang sya e"
"Taray taray pangit naman"
"Taba taba pa"
"Dalawa naman ang bilbil"
"Wala namang leeg"
Natawa nalang ako sa mga komento nila dun sa teacher na sumuway samin.
Mga Sira ulo.
"Hindi pa ba nagbabati sila James?" Tanong ko kay Cris,nakaupo kami ngayon sa troso.Mamaya pa namin gagawin ang activities namin.
"Hindi pa princess e.Mukhang matatagalan pa" sagot ni Cris.
"Bakit ba sila mag-away?" Tanong ko habang pinagmamasdan yung apat na nagwawis sa area namin.
"Dahil sayo princess" agad akong napatingin kay Cris ng may pagtataka.
"Bakit ako?"
"Nag-away sila dahil hindi ka daw pinagbigyan ni James na maglaro sabi ni Kyle"
"Tapos?"
"Pinagkaitan kapa daw ni James e first time mo pa naman daw na maglaro tapos ipagkakait pa daw ni James, hanggang sa nagsuntukan sila"
"Ganon ba?" Tanong ko sabay tingin uli don sa apat.
"Hmm"
"Akong bahala" sabi ko habang nakatingin parin dun sa apat.
"Princess, pano?" Naramdaman ko naman na tumingin sakin si Cris kaya nilingon ko sya.
"Secret, basta magkakabati na sila ngayon araw" sabi ko habang taas baba ang kilay habang nakangiti.Nakakunot parin ang noo nya pero maya-maya ay ngumiti na sya."Watch me"sabi ko sabay tayo.
Lumapit ako kay James at JinJin na ngayon ay nagtatalo tungkol nanaman sa manok at itlog.
"James,JinJin" pagtawag ko.Tumingin naman sila sakin.
"Yes,princess"inakbayan ko silang Dalawa at nagsalita.
"Sorry na daw sabi ni Eyan at Kyle" halatang nagulat sila sa sinabi ko at nanlalaki pa ang mata.
"Talaga?"
"Sinabi nila yon?"hindi makapaniwalang tanong nila.Tumango naman ako habang nakangiti .
" Makikisabi sorry den"sabay nilang sabi lalo namang lumawak ang ngiti ko.
"Maaasahan nyo" sabi ko habang tinatapik tapik ang balikat nila.Iniwan ko na sila doon.
Habang naglalakad ako ay tumingin ako kay Cris na ngayon ay nakatingin sa akin.Ngumiti ako sa kanya at nag thumbs up.
"Eyan,Kyle" humarap naman sila sakin.
"Yes, princess?"inakbayan ko silang dalawa na ipinagtaka nila.
"Sorry na daw sabi ni JinJin at James"hatalang gulat na gulat sila sa sinabi ko dahil nanlalaki ang mata nila katulad kanina nila JinJin at James.
" T-talaga, princess?"hindi makapaniwalang tanong ni Kyle. Ngumiti ako at tumango.
"Gusto nyo naba na magkausap na kayo?" Agad naman silang Tumango habang hindi naaalis ang ngiti sa kanilang labi."E di kausapin nyo"sabi ko sabay tapik ng balikat nila.
Naglakad naman ako papalapit kila JinJin at James."Gusto daw kayong kausapin ni Eyan at Kyle "Ngumiti lang sila at Tumango.
Bumalik ako kay Cris at umupo sa tabi nya pinag masdan ko yung apat na unti-unting lumalapit sa isa't isa.Kunwari nagwawalis hindi naman HAHAHAH.
---*
Nandito kami ngayon sa kampo namin at nagtitipon-tipon.Kaharap namin ngayon Si Sir Cuballes.
" Ok,mga bata.Kailangan nyong gumawa yell.Pagandahan nang yell.Ang mananalo ay makakakuha ng extrang pagkain. "Paliwanag ni sir.
"Sir,wala pa tayong yell"
"Sir,hindi nyo naman sinabi na may yell e"
"Sir,dapat sinabi nyo na Kailangan ng yell para makapag Papunta ako ng banda"
"Yun nga ang problema e.Ngayon kang sakin sinabi ng ibang adviser" problemadong sabi ni sir.
Mukhang gusto ng ibang adviser na hindi kami makakuha ng extrang pagkain.
"Sir,may yell nako" Nakangiti kong sabi.Napatingin naman sila sa akin.
"Parinig nga" sabi ni sir.Lumapit pa sila lalo sakin para madinig ang yell ko.Hindi kasi pwedeng madinig ng ibang grupo.
Nang matapos na ang yell ko ay agad silang nabunutan ng tinik.
"Ayus yan princess"
"Ang bilis naman makapag gawa ng utak mo princess"
"Sana lahat mabilis"
"Nakakatawa man pero maganda"
"Good job Ms.Cross" nakangiting sabi ni sir.
"Ehem! Ehem!atensyon please." Sabi nung isang adviser. Yan yung adviser na sinigawan kami ah.Hindi naman nakinig ang ibang section kay Miss P.Alam nyo kung bakit Miss P?Kasi Miss Pig.hahaha.
"Class makinig lang kayo.Kapag hindi kayo nakinig bawas points yon" sabi ni sir.Nagtanguan lang kami habang nakatingin kay Miss P.
"Pwede bang dito muna ang atensyon nyo sa maganda at cute kong Mukha" galit na sabi nito.Palihim naman kaming na tawa.Cute at maganda daw ang putek,Hahah
"Cute daw Mukha namang biik"
"Oink, oink"kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para magpigil ng tawa.Sinaway naman ni sir ang iba kaya Tumahimik na kami.
"Pwede kona bang marinig ang kanya kanyang yell ng bawat grupo?"
"YES!" Sabi nila maliban lang sa section namin na mga naka poker face.
"Ready na?"
"Readyng!Ready na!" Sigaw nila.At naghiyawan pa.
"Ok simulan na!From section 1"
"Section one.Section One.Thank you" Muntik na akong humagalpak ng tawa dahil sa yell nila.Yun na yun?
Nagperform na ang lahat ng section at kami nalang ang natitira.
"From Section Eleven" sabi ni Miss P.
"SE are you ready?!" Sigaw ko.
(Yes!we're ready!)second voice nila.
"Full charge na po kamihi"
(Full charge na po kamihi!)
"Overload ang energy!"
(Overload ang enersy)
"Owa owa achuchu achuchu"
(Owa owa achuchu achuchu)
"Kaming SE madalas kung turingan
Cute,terrible pero may kahusayan wag
smalin dahil may kagalinga.GO SE!" Sabay-sabay naming sabi.
Literal na napatulala ang lahat habang nakatingin sa amin with matching nganga pa.
Agad naman akong nagtaka at nagtanong kay Cris.
"Cris,bakit ganyan ang reaksyon nila?"nilingon naman nya ako at ngumiti.
"Ngayon lang kasi kami nakapag yell ng maayos.Kaya salamat sayo" sabi nya habang nakangiti.Ngumiti rin ako sa kanya at humarap na ako sa unahan.
Ang galing ko pala haha.
***?
Please vote and comment.
Thank you!