Chapter 23: First Game

1331 Words
HIREIN'S POV Magsisimula na ang challenge namin. Ang una ay tug of war at ang makakalaban namin ay section six kung saan nandon yung babaeng sinapak ko hahaha. Nakahilera na yung mga lalaki.Ayaw nila akong pasalihin dahil daw baka masaktan ako.Ano namang nakakasakit sa tug of wag? Sinabi ko naman sa kanila na kapag nahihirapan sila ay tutulong ako pero ayaw talaga nila.Hindi daw dapat masaktan ang kanilang prinsesa. Teka,bakit nga ba princess ang tawag nila sa akin? Nakatayo lang ako at nanonood sa kanila,hawak na nila ang lubid sa magkabilang parte.May guhit sa gitna at kapag nakalagpas ang isa sa member nyo ay talo na kayo. Nakasuot kami ng black dahil may color coding ang bawat section ang kalaban naman namin ay nakasuot ng orange. Tinignan muna ako nung babaeng sinapak ko at ngumisi bago ako irapan.Dukutin ko yang mata mo e,Hmp!Nanggigigil ako sayo. Hawak ni Miss P ang gitnang lubid para siguro matansya kung tama ang sukat ng lubid. May subo-subong pito si Miss P. *PRITTTTTT* Pumito na si Miss P at nagsimula na silang maghilahan.Nakatingin lamang ako buong SE at halatang nahihirapan sila.Ang lalaki ba naman ng katawan ng mga taga section six e,sinong di mahihirapan. Lumalapit ng lumapit ang buong section eleven sa guhit at konting hila nalang ay matatalo na sila. Naglakad ako palapit sa kanila at pumunta sa unahan ni James.Si James kasi ang nasa unahan.Nagtaka pa sya kung bakit ako nandon pero hindi ko sya pinansin. Hinawakan ko ang lubid at ipinulupot ko sa braso ko ang lubid at nagsimula na rin akong humila.Unti-unti na kaming umaatras at palapit naman ng palapit kabilang grupo hanggang sa kami ang nanalo. Sinamaan ako ng tingin nung babaeng sinapak ko pero nginisian ko lang sya.Halatang Inis na Inis sya dahil hindi na maipinta ang mukha nya.Balak nya sana akong sugurin pero pinigilan sya ng mga alipores nya. Humarap naman ako sa SE na ngayon ay nagpupunas na ng kanilang pawis. Taka naman silang tumingin sakin na ikinakunot ng noo ko. "Bakit?" Tanong ko. "Ang lakas mo"Sabi ni Cedrick nagsisang-ayunan naman ang iba. "Sana lahat" "Princess lang malakas" "Sana all malakas" "Diba sinabi namin sayo na wag kang sasali,kahit anong mangyari"agad naman kaming napatingin kay Clint ng sabihin nya iyon. " Oo e,hehehe"sabi ko sabay peace sign. "Bakit ka sumali don?" Seryosong sabi nya.Agad namang napatingin sakin ang lahat ng SE. "E Ayokong nakikita na nahihirapan kayo,tsaka hindi ko naman hahayaan na sumubsob yung mukha nyo sa putikan no" sabi ko sabay nguso.Nag-iwas naman sya ng tingin. "AYIEEEEEEEEEEEEE!" "Ang sweet naman ng princess namin" "Kaya mahal na mahal ka namin e.Lalo na si C" hindi ko narinig ang huling sinabi ni Mike dahil pabulong lang iyon. "Anong sabi mo Mike?" Tanong ko Mukha naman syang nataranta. "Ang sabi ko ang sweet mo kaya mahal na mahal ka namin" Ahhh,yun naman pala yun.Kala ko kung ano na e. Ngumiti lang ako sa kanila. Mahal na mahal ko din kayo. Tinawag na muli kami ni Sir Cuballes para makinig.Ipinaliwanag ni Miss P ang ang susunod na laro. Ang laro na lalaruin namin ay kailangan naming dumapa sa putik habang may net sa itaas namin.Parang sa sundalo lang bad wire lang ang nasa taas nila. Habang gumagapang kami sa may putik ay Kailangan ay nakatali ang paa at kamay namin. "Kainis,bakit kailangan na itali pa ang kamay at paa" Inis na sabi ni James. "Oo nga.Ginawa nila tayong hayop ah" sabi ni JinJin sabay pout.Agad naman syang binatukan ni James,Eyan ay Kyle."Aray ko!Bakit kayo nanbabatok?" "Wag kang ngumuso" sabi ni Eyan. "Bakit naman?" "Mukha kang bibe!" Sabi nung tatlo.Nagtawanan naman kami. "Grabe kayo sakin,Huhuhu" umaarte pa sya na umiiyak,wala namang luha."Princess o,inaaway nila ako"sabi ni JinJin na umaarteng bata. Lumapit sya sakin at inangkla ang braso nya sa braso ko sabay patong nya ng ulo nya sa balikat ko.Napailing naman ako. Mga isip bata. Nang lingunin ko yung tatlo ay ang sasama ng tingin nila kay JinJin si JinJin naman ay nakangisi lang sa kanila.Nang-asar pa HAHAHA. Hindi ko tuloy maiwasang mapabungisngis. Nakatingin lang ako sa lupa ng may biglang humila ng manggas ng damit ko.Paglingon ko si James nakanguso sya at pupungay-pungay ang mata nya. Inaantok ba sya. "Anong nangyari sayo?" Hindi sya sumagot kinabahan naman ako."Hoy anong nangyari sayo?" Ngumuso lang sya at nagsalita. "Masakit ang ulo ko,Kailangan ko ng yakapsul" agad na nangunot ang noo ko. Yakapsul? Ngumisi lang ako at pinitik sya sa noo.Agad namang nawala ang papungay-pungay nyang mata. "Sakit non ha" sabi nya habang hinihimas himas ang noo nya. "Yakapsul pa nga,HAHAHA" tawa ni Eyan at Kyle.Sinamaan naman sila ng tingin ni James. Natigil lang sila ng bigla na kaming tawagin ni sir.Nakinig naman kami sa mga sinabi ni Miss P. Naghahanda na ako dahil kami ang unang sasalang.Magtatimer sila para alam nila kung sino ang pinaka mabilis. Nagpatali ako ng kamay kay Clint dahil lahat ayaw akong talian ng iba.Gusto daw nila na si Clint ang magtali sakin. Ang aarte nila. Iniluhod nya ang isa nyang tuhod at tinalian ako ng paa. Nang lingunin ko yung iba ay mga nakangiti sila sakin ng mga nakakaloko. Hawak hawak nina Kyle at James ang bibig ni Eyan at JinJin.Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto nilang sumigaw. Napailing nalang ako. Tumayo na si Clint mula sa pagkakaluhod kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Thank you" nakangiti kong sabi.Hindi naman nya ako pinansin. Snobber. Tinalikudan na nya ako ng walang pasabi kaya napabusangot ako. Ano pa bang ineexpect mo,Hirein?Kakausapain ka nyan?E snobber yan e. Nakasuot ako ngayon ng leggings na itim,t-shirt na itim at rubber shoes na itim. Humarap naman ako sa mga kasama ko.Lahat sila nakangiti sa akin. "Good luck,princess!" "Galingan mo princess!" "Kaya mo yan!" "Nandito lang kami para icheer ka!" Napangiti nalang ako dahil sinusuportahan nila ako.Pilit nilang pinalalakas ang loob ko. "Thank you!" Nakangiti kong sabi.Tumalikod na ako sa kanila at nagtatatalon na pumunta sa paggagapangan namin. Bago ako tumalon sa panglima ay sumigaw ang buong SE. "GOOD LUCK OUR PRINCESS!" Sigaw nila.Nilingon ko sila at lahat sila ay nakatingin sakin habang nakangiti. Maliban lang kay Clint. Napatingin samin ang ibang section pero wala akong pakialam. Good mood ako ngayon.Hehe. "Princess!" Kahit hindi ko lingunin ay alam kong yung apat na itlog yun.Nilingon ko sila. "Yung salamin mo!" Sabi ni James.Napahawak naman ako sa salamin ko.Hindi pwedeng madumihan to.Regalo sakin to ni Grandfa at GrandMa. Ayaw ko mang tanggalin pero kailangan. Hindi naman malabo ang mata ko kaya hindi ako mahihirapan. Medyo malayo ako sa kanila kaya hindi ko pwedeng ihagis to.Ayoko namang bumalik pa,ang hirap kaya tumalon talon. "Pakuha naman nito" sabi ko sabay tanggal ng salamin. Nang nilingon ko sila ay mga nakatulala lang sila sa akin. May dumi ba ako sa Mukha?O baka lalo lang silang napapangitan sakin? Agad na nangunot ang noo ko ng makita ko ang paghanga sa kanilang mga mata. Nong meron? "Huy!pakuha nito!" Sigaw ko sa kanila. Natauhan naman sila at agad na nagsiiwasan ng tingin.Weird. "Clint, ikaw na yung Kumuha nung salamin ni Princess" Sabi ni Mike. Tumango nalang si Clint at lumapit sakin. Nang makalapit sya sakin ay agad kong inabot yung salamin ko,Kinuha naman nya agad yon at tumalikod na paalis. Napailing nalang ako at pumunta na sa paggagapangan namin. Unang gagapang yung sinapak ko.Tinignan nya ako at nginisian.Wala ako sa mood magalit ngayon dahil good mood ako ngayon.Nginisian ko lang sya na ikinapikon nya. Tinignan ko yung suot nya.Yung suot nyang short na itim ay hanggang singit na nya.Tapos nakasuot sya ng t-shirt na kulay orange. Nilingon ko yung ibang section at lahat sila ay nakatingin sa pwet nung sinapak ko.Nilingon ko naman yung SE agad silang nagsiiwasan ng tingin. Sinitsitan ko sila ng lumingon sila sa akin ay halatang kabado sila.Pinanliitan ko sila ng mata dahilan para mataranta sila. Lagot kayo sakin mamaya. Nilingon ko naman si Cris pero nakatalikod sila ni Clint at halatang ayaw makita ang pwet nung sinapak ko.hahaha. ***? Please vote and comment. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD