Chapter 16 - Domingo Sisters

1327 Words
Sylvia's POV Hindi lang 1week ang naging bonding namin ni Ate Eunice sa loob ng bahay. Siguro mga 1 month din. Nalaman kasi namin na pinahahanap na ni Kuya Adam si Ate Eunice. Kaya siguro pumayag na lang din si Calix na dito muna si Ate Eunice sa bahay para maalagaan ko din siya. Dad's Calling.... "Ate, si Dad? sasagutin ko ba?" tingin ko kay Ate Eunice ng makita ang pangalan ni Dad sa cp ko. "Ikaw bahala pero sagutin mo nalang bilang respeto kay Dad." "Ihhhh, galit ako sa kanya, naiinis pa ako dahil sa nangyari sayo ngayon." ingit ko. "Kahit na ba! Dad pa rin naman natin siya Via." hampas nito sa akin. "Hay nako, bahala siya dyan." hagis ko sa phone ko. "Huy, sira ka. hahaha." natatawang sabi ni Ate Eunice. "Hmpppp." taray-tarayan kuno ko sa cellphone ko. Hanggang sa pareho na lang kaming tumawa ni Ate. Grabe namiss ko ito, kung paano siya tumatawa sa harap ko. paano siya ngumiti at paano ulit siya maging maganda sa paningin ko. Sumapit ang gabi ng dumating si Calix sa bahay. Sinalubong ko ito tulad ng dating ginagawa ko sa kanya. Itutulak siya ng driver niya hanggang sa ako na ang magtulak sa kanya. "Tumawag sa akin ang Dad mo, hindi ka ba sumasagot sa kanya?" biglang sabi ni Calix. "Ahmmmm, ayoko siyang kausapin. Sana kinausap mo na lang." sagot ko sa kanya. "Sagutin mo na lang ang tawag niya sa susunod dahil naabala ang trabaho ko. Tsk." "Okay, Fine." Hindi naman na ako sumagot pa at diniretso na lang siya sa kwarto namin para makapag-bihis muna ito bago kumain. Hinintay ko lang din itong matapos sa pagligo niya ay tsaka na kami pumunta sa dining room. "Good evening, Via, good evening, Calix." bati ni Ate Eunice sa amin. "Hi ate, teka bakit kumikilos ka?" kuha ko sa mga hawak niya. "Naku Via, maliit na bagay lang ito dahil halos 1-month na rin akong nakatuloy dito. " ngiti nito. "Kahit na, hayaan mo na kila Manang yan, buntis ka pa man din." hampas ko sa balikat niya. "Hayaan mo siyang gawin iyan kung yan ang gusto ni Eunice." biglang sabi ni Calix kaya pareho kaming napatingin ni Ate ng maalala kong hindi ko pa siya nalalagay sa pwesto niya. "Ay sorry, naiwan na kita. hehe." "Tsk." Malakas na buntong hininga na lang ang ginawa ko sa kanya. Nasa kalagitnaan na kami ng kainan ng biglang nawalan ako ng gana. "Tapos na ako. Magpapahinga muna ako sa kwarto. Sorry." pagpapaalam ko sa mga ito. Dire-diretso akong tumayo at wala naman nasabi ang mga ito, kapwa mga nakatitig lang sa akin ng may pagtataka. Tila nakaramdam ako ng pananamlay at hilo. Lately parang pagod din ako. Hayyys. Di bale magpapahinga na lang ako sa kwarto. --------------kinabukasan-------------------- Lumabas ako ng kwarto na masama ang mood ko. May gusto akong hanapin pero hindi ko mahanap. Asan na ba kasi iyon? Pumunta ako sa kwarto ni Ate, saktong pagkatok ko ay siyang paglabas niya kaso sumilip ako sa loob kung andon ang hinahanap ko kaso mukhang wala naman. "Oh, Via, nakakagulat ka naman, sino ba hinahanap mo?" tanong nito. "Ahhh, wala. Sinilip lang kita kung nandyan ka." "Ayy, ganun ba. Don't worry, dito lang ako." ngiti nito. "Syempre naman ate, mas lalong di ako papayag na magkahiwalay pa tayo no." lapit ko dito sabay yakap. Pero may hinahanap talaga ako kaya bumitaw ako sa yakapan naming dalawa. "Sige Ate, dito muna ako. May titignan lang ako." ngiti ko dito na siyang tinaguan naman ako. Habang naglalakad ako papalayo sa kwarto ni Ate ay tumitingin naman ako sa paligid at parang may hinahanap ako. "Kainis naman, Asan ba kasi iyon?" inis na kamot ko sa ulo ko. Pumunta narin ako sa gazebo kaso wala din. Asan kaya iyon? Dumiretso na ako sa kusina para maghanap kaso wala doon yung hinahanap ko. Kaya napabalik na lang ako sa sala. Doon ko pinagpatuloy ang hinahanap ko. "Bakit wala dito?" takang tingin ko sa upuan ng biglang may kumalabit sa akin. "Oh Ate Susan ikaw pala." ngiti ko dito. "Magandang umaga po mam Via. Sino po ba hinahanap niyo? Kanina ko pa kasi kayo nakikitang may hinahanap eh, bagay po ba ang nawawala sa inyo?" tanong nito. "Hindi ko nga alam eh Ate Susan, dapat kasi andito lang iyon." tila naiirita ko pang sabi. Napakamot naman itong napatingin sa akin dahil siguro ay naguguluhan din sa sinasabi ko. Hanggang sa makita ko yung labahin na hawak niya. "Teka, Ate Susan, damit ba ni Calix yan?" agad kong tanong dahil naamoy ko na yung hinahanap ko. "Ahh, Ito po? Opo, kay Don po ito. Bakit po?" "Ahhhmm, teka lang po, paamoy nga po?" walng hiya-hiya kong sabi. "S-sige po. Ito po oh." paghaharap niya sa akin ng laundry basket. Unang amoy ko palang ay nabanguhan na ako kaya kinuha ko kaagad yung labahan. "Ako na lang po maglalaba ng mga damit niya Ate Susan. Please." pagmamakaawa ko dahil kinuha niya pabalik ang labahin. "Naku po Mam Via, hindi po pwede. Hindi po kayo pwedeng maglaba sa bahay na ito. Kaya ako na lang po." agaw niya sa labahin na damit ni Calix. "Pero Ate Susan, may kailangan lang po ako. Dali naaaa." agaw ko pa din sa basket. "Ay naku Mam Via. Magagalit sa akin ang Don niyan, baka mawalan po ako ng trabaho, kayo din po." pangongonsensya niya sa akin. "Hayyss, hmmp. Sige na nga po. Kayo na lang po, baka mawalan pa kayo ng trabaho ng dahil sa akin. Ayoko pa naman po ng ganun." pagpapaubaya ko sa laundry basket ni Calix. "Buti naman po." sabi nito habang pinupunasan ang pawis niya sa noo. " Oh siya, dito na po ako." pagpapaalam nito. Malungkot naman akong napatingin sa likod ni Ate Susan. Kukunin ko na nga lang ang damit ni Calix mamaya pero syempre nagbago na ako. Ayoko ng may nawawalan ng trabaho dahil sa attitude ko. Matagal akong nakatambay sa kwarto ni Ate at nagkwekwentuhan lang ng biglang mapunta sa topic kung paano naglihi si Ate Eunice sa second baby nila ni Kuya Adam. "Nung una kasi, ayaw pa kasi maniwala ng Kuya Adam mo, kaya nagpapabili ako sa mga katulong or driver ng apple tapos bagoong na alamang. Doon ako naglihi. Sobrang sarap niya promise. hahaha." natatawang sabi nito. "Ewwww, so gross ate, tapos ano pa?" "Ayun, tsaka ano, may ginawa pala ako nun, sabi nila, kung ayaw mo daw maglihi, hakbangan mo daw yung asawa habang natutulog para siya daw ang maglihi, prove and tested iyon dahil nangyari na iyon sa panganay namin at dito sa pinagbubuntis ko sa Kuya mo noon kaso hindi ko lang alam kung magkikita pa sila ng Kuya mo." biglang malungkot na sabi ni ate. "Ano ka ba Ate, huwag mo munang isipin yan, basta ang mahalaga ay ligtas kayo ng pamangkin ko kaysa nasa puder ka ni Kuya Adam. Choose yourself from now on. Hindi ka nag-iisa, dalawa kayo, Tandaan mo yan." hawak ko sa balikat niya. "Syempre, andito din ako." ngiti ko dito kaya napangiti na siya. "Salamat Via lalo na kay Calix." ngiti nito sabay yakap sa akin. "Sus. Ikaw talaga." hagod ko sa likod niya. Tinawag na lang ako ni Manang dahil andyan na daw si Calix. Hindi pa man ako nakakalabas ng bahay ay naamoy ko na ang pabango niya. Teka, bakit naoobsessed ako sa pabango niya? o baka nasasanay na rin ako dahil siya lagi ang kasama ko sa bahay at sa kwarto. Di bale na nga. "Hi Calix, magandang gabi." ngiti ko dito pero hindi man lang ako tinapunan ng ngiti. 'tss sungit' habol ko kaya napatingin naman ito sa akin habang tinutulak ko siya. Diniretso ko na lang ito sa kwarto namin para makapagpalit siya. Tinignan ko lang siya sa mga kilos niya. "Why are you staring me?" tingin nito sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at tila kinakabahan dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD