Sylvia's POV
Maaga akong gumising para dalawin si Ate Eunice sa kanyang kwarto. Siguro ay magpapaalam ako na maghahanap kami ni Ate Eunice ng mauupahan nito sa ngayon at kahit papaano ay makabisita ako ng madalas dahil buntis din ito.
Kumatok muna ako sa kwarto bago ako pumasok. Nakita ko si Ate Eunice na mahimbing na natutulog.
Lumapit ako dito at maiging tinitigan si Ate at napapaisip na lang ako kung bakit kami nagkakaganto pareho.
Hindi ko alam kung sino sisihin pero siguro ito talaga ang plano sa amin ng maykapal. Ang makulong ako sa bahay ng asawa ko at si Ate na binubugbog ni Kuya Adam.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at maingat na hinawakan ang mukha niya. Naawa ako sa Ate ko ngayon. Napakaswerte ko pa pala kung tutuusin dahil ang asawa ko ay lumpo samantalang siya ay..,,, haysssss.
Dumilat ang mga mata nito at muling tumulo ang mga luha. Nginitian ko lang ito.
"Via, Salamat." ngiti nito.
"Walang anuman Ate, ang mahalaga ay ligtas ka na sa ngayon." ngiti ko dito.
"Totoo nga na magkasama na tayo, akala ko panaginip lang ito." naluluha niyang sabi.
"Hindi ito panaginip Ate." yakap ko dito.
Nang makakawala kami sa magkaparehong yakap ay nagsalita ito.
"Huwag kang mag-alala Via, aalis din ako kaagad." hawak nito sa kamay ko.
"Hindi Ate, kakausapin ko si Calix na magstay ka muna dito para hindi ka kaagad mahanap ni Kuya Adam." tanggi ko sa alok niya.
"Baka hindi pumayag ang asawa mo, baka maging pabigat lang ako." alalang sabi nito.
"Ako bahala Ate, sa ganyang sitwasyon mo. Hindi ako papayag na malayo ka pa sa akin." ngiti ko dito.
"Dahil ba sa akin kaya ka nagkaganyan?" dagdag ko.
"H-Hindi Via." naiiyak na naman na sabi nito.
"Sigurado ka? imposible naman Ate, kasi tila bubulagin ka na nila sa ginawa nila sa iyo." tingin ko dito.
Napahawak naman ito sa mata niyang namamaga pa sa black eye.
"I-ito, nabunggo lang ako sa bahay." pagtatanggi nito.
"Ate, kilala kita, hindi ka t*nga. Gawa yan ni Kuya Adam, dahil ba sa akin yan? dahil ba sa ayokong magpakita kay Austin kaya ganyan ang ginawa nila sa iyo?" sunod-sunod kong tanong.
"S-sorry Via, mas magandang masaktan na ako kaysa makita ka nila." hinging paumanhin nito.
"Huwag kang humingi ng sorry Ate, dapat si Dad talaga dahil sa kanya nagkakaganto tayo. " yakap ko dito.
"Sorry Ate dahil nagkaganto ka pa, Promise babawi ako sa iyo." hagod ko sa likod niya at ganun din siya.
Pareho na lang kaming nagulat dahil sa katok sa pinto.
"Good morning, Mam Via, kakain na daw po sabi ng Don." pasok ni Ate Susan.
"Sige po Ate Susan, susunod na po kami. " ngiti ko dito habang nagpupunas ng luha.
"Sige po Mam, sabihan ko po ang Don." paalam nito na tinanguan ko na lang.
Nag-ayos naman kami ni Ate at sinamahan ko muna itong mag-ayos para malagyan din ng ointment ang mata niya para mabilis humilom.
Nang makatapos kami ay nagtatawanan kaming pumunta ni Ate Eunice sa dining area.
Pareho naming nakita si Calix na naghihintay ng mapansin ko naman ang paghinto ni Ate Eunice ng makita si Calix. Kataka-taka lang dahil ngayon lang naman sila nagkita ni Ate Eunice.
"Hmmm, Nagkita na ba kayong dalawa?" takang tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ha? H-hindi ah, siya ba ang asawa mo?" balik na tanong sa akin ni Ate Eunice.
"Oo Ate, Siya si Calix, Calix, Si Ate Eunice pala. Ate Eunice, Asawa ko, si Calix." ngiti ko.
"Good morning, Mrs. Madrigal. Have a seat." ngiti nito.
Inubo naman si Ate Eunice, okay lang ba siya? Tsaka bakit alam niya ang apelyido ni Ate ngayon? Teka, sabagay kilala naman kasi si Kuya Adam sa industriya nila. Ang shunga lang Sylvia. tsk, tsk.
"Ate, okay ka lang ba?" hagod ko sa likod nito.
"O-oo Eunice, okay lang ako. T-tara, kain na tayo." alok nito sabay hawak sa tiyan niyang namimilog.
"Sige Ate, ingat sa pag-upo." ngiti ko dito.
Ito na siguro ang way ng pag-aalaga ko sa kanya.
"Ahmm, Calix, okay lang bang umalis kami ni Ate para pumunta sa OB niya, gusto ko lang kasing malaman kung kamusta yung pamangkin ko." ngiti ko kay Calix.
"Papupuntahin ko na lang ang doctor ko." Walang emosyon na sabi nito.
"Hala, bakit naman, hindi ba pwedeng kami na lang." saway ko dito.
"Obey me Sylvia, I have one word." masamng tingin nito sa akin.
"Ahhmm, Sylvia, okay lang, mas maganda narin iyong hindi tayo umalis ng bahay. Mas safe iyon. Anyway, Thank you Calix." hawak ni Ate sa kamay ko.
Napaisip naman ako. Mukhang tama nga naman.
"Sige Ate. Calix Hintayin na lang namin yung doctor mamaya. Thank you." pasasalamat ko dito pero walang emosyon din para dama niya ginagawa niya sa akin tapos kay Ate ngumingiti.
Tanggalin ko kaya ngipin niya para di na siya makangiti. kainis.
"Good. At least you have common sense now." tingin nito sabay ngisi.
"Aba't" duro ko dito.
Humagikgik naman si Ate sa gilid ko. Gusto ko sanang hampasin kaso wag na lang baka ako pa maging dahilan ng pagkaano niya. hayysss.
Tahimik lang kaming kumakain ng biglang magsalita si Calix.
"How's Adam? He's okay?" tingin ni Calix kay Ate Eunice.
Hindi naman nagsasalita si Ate at tila namumutla pa ito ng marinig ang pangalan ni Kuya Adam.
" I think he wasn't?" dagdag ni Calix habang kumakain ito.
"Ahhm, Calix, Huwag mo munang mabanggit-banggit pangalan nun. Pwede ba?" pagtataas ko ng kilay sa kanya.
Nagkatinginan lang kaming tatlo bago ito nagsalita.
"Fine." bulong ni Calix kahit naiintindihan namin.
Tumingin naman ako kay Ate Eunice hanggang sa ,,,
"Via, hawakan mo dali, sumisipa si baby." ngiting kinuha ni Ate Eunice ang kamay ko papunta sa tiyan niya.
Natuwa naman ako dahil sumisipa ang baby niya.
"Hala, kainggit naman. hahaha." tila kinikilig kong sabi.
"Sus, maghintay ka ng sayo Via. hahaha." natatawa na sabi ni Ate.
"Ako din kaya. hahahaha." sabay himas ko sa tiyan ko kunwari. "tignan mo Ate oh." pahabol ko pa.
"Hoyyy! huwag kang ganyan! hahaha." hampas sa akin ni Ate sa braso tsaka ninguso si Calix na tila namumutla sa narinig niya sa akin, naubo pa nga ito. hahahaha. Ang cute.
"Huy, Joke lang iyon hahaha." sabi ko kay Calix.
"Tapos na ako." balik sa walang emosyon niyang sabi tsaka naghanda sa paghawak niya sa gulong ng wheelchair niya.
Paalis na ito ng humarap ulit sa amin ito.
"Ahmm, Eunice, pwede ka munang mag-stay dito ng 1 week and kausapin kita mamaya bago ako umalis, ipapatawag na lang kita sa mayordoma ko." ngiti nito kay Ate.
"Sige Calix. Salamat ulit." ngiti din ni Ate.
Tuluyan naman umalis si Calix sa harap namin. Samantalang ako ay tinapik sa kamay si Ate para malaman kung anong meron sa pagitan nilang dalawa. Nacucurious talaga ako. Promise. Mukhang walang sinasabi itong si Ate sa akin eh.
"Huy, Ate, anu iyon? Mukhang wala kang sinasabi ah?" taas-kilay ko dito.
"Ha? Anong-ano iyon?" nagtataka nitong sabi.
"Sus, huwag ka ng magmaang-maangan, Ex mo si Calix noh? Yieeee."
"hahaha, Sira, kaibigan siya ng Kuya Adam mo kaya malamang kilala ko siya. Malay ko ba na siya pala ang asawa mo." ngiti nito.
"Wehhhhh, iyon ba talaga iyon?" duda ko pa.
"Oo, gusto mo bumalik ako sa Kuya Adam mo at ng hindi mo na ako makita." pagtataas ng boses nito.
"Syempre hindi, maniniwala ako sa iyo no." hawak ko sa braso nito.
"Kaso nakakapagtaka lang, haysss di bale nalang, hintayin na lang natin yung doctor na sinasabi ni Calix." ngiti nito.
"Sige Ate, Kumain ka ng madami ha, para sa pamangkin ko. Huwag magpapagutom tsaka magkakasama pa tayo ng 1 week. Yieee, Ang saya-saya ko naman." muling yakap sa braso niya.
"Susss, Oo na Titang selosa hahahaha."
Kumakain lang kami ng kumain ni Ate hanggang sa napagdesisyunan na namin na tumambay na lang malapit sa pool.