Chapter 14 -Ate Eunice

1196 Words
Sylvia's POV "Austin, Yung totoo, okay lang ba si Ate Eunice sa kamay ng kuya mo?" diretso kong tanong dito. "Wait, What? Diba dapat yung relationship muna natin ang inaayos natin dito dahil bigla-bigla ka nalang nawawala ng hindi nagpapaalam sa akin. Ano ba Sylvia!" pag-iiba ng tono nito. "Alam mo, bago natin ayusin ang relationship natin, gusto kong makipagkita kay Ate Eunice." pagmamatigas ko dito. "Babe naman, ngayon na nga lang tayo nagkita, Si Ate Eunice pa gusto mong makita." inis na sabi nito. "Bakit ba? Ipupunta mo ko kay Ate Eunice or isusumbong kita kay daddy?" banta ko dito. "Tsk, Fine." tayo nito. Sumakay kami sa kotse niya at nakatingin lang ako sa daan habang binabaybay namin ang bahay nila. "Good afternoon, Sir. Good afternoon, mam" bati sa amin ng mga maid nila. "Good afternoon din po." ngiti ko sa kanila na ikinagulat nila. May mali ba sa sinabi ko? "Babe, don't talk to them, they are servant remember?" taas kilay na sabi nito. "So?"inis kong sabi sa kanya. Umiling na lang siya sa ginawa ko. Pumunta kami sa sala na wala na itong sinabi regarding sa action na ginagawa ko ngayon. "Si Ate Eunice?" tanong nito sa isang maid nila. "Nasa kwarto po nila." "Sige." alis nito sa harap nung kausap niya. "Tara babe, andito sa kwarto si Ate Eunice." turo nito papunta sa taas. Sumunod naman ako at binabay namin ang pangdulong kwarto. Kumatok naman ito at narinig ko ang boses ni Ate Eunice kaya nabuhayan ang loob ko. Tila may mga taong tumatalon sa loob ng dibdib ko dahil sa kaba at halong excitement ang nararamdaman ko. Muli na kaming magkikita, sa wakas. Pumasok kami sa loob, imbes na aliwalas ang nakikita ko ay tila dilim ang nakikita ko sa mukha ng Ate Eunice ko. "A-ate Eunice?" lapit ko dito. "V-Via? I-ikaw ba yan?" pikit mata nitong sabi. "Oo Ate, Ako ito." naiiyak kong sabi. "V-via, i-ikaw nga." naiiyak nitong sabi. Tumayo ako at muling lumapit kay Austin. "Iuuwi ko ang Ate ko." matigas kong sabi. "Babe naman, hindi pwede, nakita mo na si Ate Eunice, okay na yan." natatarantang sabi nito. "Anong okay na yan? Gago ba kayo? o demonyo kayo? Hindi mo ba nakikita ang nakikita mo Austin? Anong kawalang-hiyaan ang ginawa niyo sa Ate ko!" singhal ko dito sabay lapit sa Ate ko. "May black-eye, Hindi lang isa kundi dalawa. SANA BINULAG NIYO NA LANG ATE KO! IUUWI KO ATE KO!" Sigaw ko dito. "Sylvia naman, hindi nga pwede, malalagot ako kay Kuya." pigil nito sa akin. "WALA AKONG PAKE SA KUYA MO!" matigas kong sabi. Lumapit ako kay Ate Eunice. Muli kong tinitigan ang mukha niya. Gusto ko man hawakan ang mukha niya pero hindi pwede. "A-Ate, Uuwi na tayo. P-please." naluluha kong sabi. "V-via, o-okay lang ako dito. U-umuwi ka na, please!" naluluha din nitong sabi. "A-ate naman, please, sumama ka sa akin." tayo ko dito. "No, V-via. O-okay lang ako promise." pagmamatigas nito. "See, okay lang si Ate Eunice." sabat ni Austin. "TANG*NA, MANAHIMIK KA!" matalim kong sigaw dito. "Ate, kilala mo ko. Tumayo ka na, ISA!" sigaw ko dito. "M-maawa ka naman sa sarili, kahit sa pamangkin ko na lang. P-please." naluluha kong sabi. Tumayo naman ito at umakay sa akin. "Iuuwi ko na ang ate ko!" walang emosyon kong sabi habang nilalampasan ko si Austin. Hinaharangan naman niya ako huwag lang kaming makaalis sa pamamahay nila. "YAYA!" hinging tulong nito "Mam, bawal po si Mam Eunice sa labas." sabi ng mga yaya. Tahimik lang kaming bumababa ng hagdanan hanggang sa mahawakan ng isang yaya ang kamay ng Ate ko. "HUWAG NIYO KAMING HAHAWAKAN!" sigaw ko sa mga ito. "Sinasagad niyo ang pasensya ko, mga wala kayong kwenta." inis kong sabi. "Babe naman, please, huwag mo nang isama si Ate Eunice." pag-mamakaawa ni Austin sa akin. "Manahimik ka! Break na tayo!" matigas kong sabi dito. "Babe naman." inis na sabi nito. Bigla niyang hinawakan si Ate Eunice kaya napatingin ako sa kanya ng matalim. "SIGE, BIBITAWAN MO O BIBITAWAN MO ANG ATE KO, MAGKAKAALAMAN TAYO!" banta ko dito. "Isusumbong kita kay Kuya!" banta din nito. "Edi isumbong mo, samahan ko pa kayo sa impyerno!" Agad kong inalis si Ate Eunice sa malaimpyernong bahay na iyon at dinala sa bahay ni Calix. "Manang, Ate Susan, tulong po." sigaw ko sa bahay. "Hala, jusmeyo, anong nangyari sa kanya." ani ni Ate Susan. "Naku po, bakit naman nabugbog yan." sabat ni Manang. "Please, Manang, Ate Susan, gamutin niyo ang Ate ko. huhuhuhu." iyak kong sabi. Tinulungan naman nila akong ihiga si Ate sa isa pang guest room sa baba. Nilapatan namin agad si Ate Eunice ng gamot dahil sa tamong nakuha nito sa kamay ng Kuya ni Austin. "Ang kapal ng mukha niyang saktan ka Ate." hawak ko sa kamay ni Ate Eunice na mahimbing na natutulog sa kama. Naawa ako kay Ate dahil kahit buntis na ito ay binubugbog siya. Habang tiitignan ko si Ate, hindi mawala sa nakikita ko ang mga pasa niya sa braso, leeg at mukha. Yung mukha niyang tila pumuputok na sa dami ng pasa. Bakit kailangan namin maranasan ito? Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko man lang napagtanggol ang taong nagtitiwala sa akin. Muling lumandas sa pisngi ko ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim. Gusto kong magalit sa sarili kong ama pero ano naman magagawa ko. Anak lang naman ako. Hayssss. "Pahinga ka muna Ate." bulong ko dito sabay halik sa noo niya. Bumalik muna ako sa kwarto kung nasa bahay na si Calix. Saktong paglabas ko ay nakaabang na pala si Calix sa labas ng kwarto. "Ohh, Calix, andito ka na pala." pilit ngiti kong sabi. "May bisita ka daw?" mahinahon nitong sabi. "Ahh, Oo si Ate Eunice." turo ko pa sa loob ng pinto. "Bakit dito mo siya pinunta? Diba sabi ko sa iyo, walang bisita." "Ahhh, eeh, emergency naman kasi, biglaan lang." paliwanag ko. "Pano kung nasundan ka? Sa tingin mo safe pa ang bahay ko ha?" pagtataas ng tono nito. "Hmm, Pasensya naman, hahanap na lang ako ng uupahan namin." sabi ko dito. "Bakit, sinong nagsabi sa iyo na aalis ka? Ate mo lang ang aalis, hindi ikaw dahil pag-mamay-ari na kita. Tandaan mo yan!" masamang titig nito sa akin. Napalunok naman ako sa sinabi niya. "Alam ko naman iyon pero sana pagbigyan mo ko this time, kapag gumaling na si Ate, aalis na siya dito." tingin ko dito. "Sige, kumain ka na ba?" tanong nito. "H-hindi pa." malungkot na sabi ko dito. "Sumabay ka na sa akin." alok nito. "O-okay lang ako, Busog pa ako. S-sige, sa kwarto muna ako." paalam ko dito. "O-okay." sabi nito bago niya inikot ang wheelchair niya. Nakonsensya naman ako kaya dinala ko na lang muna siya sa dining para makakain siya at tsaka ulit ako nagpaalam. Wala naman itong sinabi bukod sa tango niya na hindi mo alam kung gumalaw ba o hindi. Bumalik ako sa kwarto namin at tsaka umupo. Iniisip ko kung bakit kami nagkakaganto ng ate ko. naiiyak na lang ako sa sitwasyon naming dalawa. Ako na nakakulong at limitado lang ang alis sa bahay at si Ate Eunice na binubugbog pala ng asawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD