Sylvia's POV
Maingat akong bumangon sa higaan ko.
"Saan ako? Hindi ko naman kwarto ito ah?" mahina kong sabi sa sarili.
'bakit ba ang sakit ng katawan ko. tsk' napasapo na lang ako sa ulo ko at mas lalong hawak sa tyan ko.
Chineck ko naman ang phone kong nasa side table ng kama na hinihigaan ko ngayon. Buti hindi nasira Pagcheck ko ng date ay November 29 na pala. Kinasal nga pala ako kahapon.
"Tss." Muling inalala ang mga nangyari kahapon. Sinikmuraan pala ako ng mga body guard ng asawa ko.
"Kasal na pala ako." malungkot kong sabi sabay lumandas ang mga luhang dapat na kagabi ko pa binuhos pero hindi na ito nangyari.
Kailangan kong maging matatag at wala na ako sa bahay.
"I hate you daddy. huhuhu." bulaslas ng bibig ko dahil sa poot at galit sa kanya.
Muli kong inalala ang mukha ni Ate Eunice. Kahapon ko din pala nalaman na buntis ulit ito. Sana maingatan na niya ito dahil lalo siyang namamayat kapag napapabayaan niya ang kanyang sarili. Palibhasa wala naman pakielam sa amin si Dad. Basta ang negosyo lang nito ang inuuna kaysa sa aming mga anak niya. Nakakalungkot lang isipin. Maaga kasing nawala si Mommy kaya hindi namin nakikita lagi si Dad mas lalo na kung makasama pa namin ito sa bahay.
Kaya ng lumaki kami ay puro si Dad lang ang sinunod namin. Kasalanan niya ito kung bakit ako naging pariwara. His d*mn business.
Pinilit kong tumayo kahit wala pa sa wisyo ang katawan ko sa pagbugbog nila sa akin kahapon. Paglabas ko ng kwarto ay nagulat nalang ako na nasa 1st floor lang ako. Bakit kaya?
Umikot-ikot ako sa buong kabahayan. Napakalaki naman nitong bahay. Bakit wala akong makitang mga tao dito. Nagatuloy pa akong maghanap ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Ehem!" sabi ng isang matandang babae na sa tingin ko ay nasa 50 years old na. Kulubot na kasi ang mukha nito at tila may iilan na tabang nakalaylay na.
"Ahhmm, hello po. " ngiti ko dito habang kumakaway sa kanya.
"Sumunod ka sa akin. Ililibot kita dito sa mansion." masungit na sabi nito.
Sumunod na lang ako sa kanya kaysa magpakabrat ako. Aga-aga napakasungit agad eh. Hayss.
Muli kaming pumasok sa bahay este mansion daw. Kung titignan mo nga naman ay napakalaki nga naman ng bahay. Mas di hamak na mas malaki ito kaysa sa bahay namin.
"Bago kita ilibot. Ako nga pala si Marites ang mayordoma ng mansion na ito. Kung ano man ang mga dapat na gawin dito ay kailangan mong gawin lalo na ang pagluluto ng kakainin ng Don." seryosong sabi nito.
"Kaso, hindi po ako marunong magluto." pagsasabi ko ng totoo, baka sakaling mag-effective na siya nalang ang magluto ng pagkain para sa asawa ko.
"Hindi ka marunong magluto?" asik nito." Haha, Napakalaki mo na at hindi ka pa marunong magluto. Pwes! Dito matututo ka." masungit na sabi nito.
Napayuko nalang ako hanggang sa muling maglakad ito. Sumunod lang ulit ako sa kanya.
"Ito ang sala, dito mo sasalubungin lahat ng bisita ng Don maging ang pamilya niya ay sasalubungin mo dito. May sakit ka man o wala. Matuto kang makisama lalo na at wala ka sa sarili mong pamamahay." masungit parin niyang sabi pero this time inatatama niya talaga na nasanay ako sa pagkaspoiled brat. Mukhang may alam ang tanda. Tsk.
Napatingin naman ako sa kabuuan ng sala. Umagaw naman ng pansin ko ang tatlong chandelier na kulay rosas na kanina ko pa nakita. Sa bahay kasi ay isa lang. Ang sofa set na may gold lining sa bawat upuan at puro bulaklakin lang ang design nito. Matik na nakaplastic pa ang mga ito na kung titignan ay parang walang nagtaka na umupo doon.
Naglakad naman ito papuntang dining.
"Ito ang dining area kung saan kumakain ang mga magulang, bisita, kakilala ng Don. Simula ngayon ay dito ka na rin kakain kasama ang mga malalapit na tao sa Don. Naiintindihan mo ba?" tingin nito sa akin.
"Ahhh, Opo, naiintidihan ko po." bilang paggalang ko. Shemss di ako sanay. Kainis.
Bago siya maglakad ay pinasadahan ko na ng tingin ang buong dining. Mahaba ang lamesa na kakasya ang 20 katao sa upuan bukod pa sa tagdulo nito.
Muling naglakad ito patungo sa kusina.
"Ito ang kusina. Dito ka magluluto ng agahan at hapunan lang dahil sa gantong oras nandito ang Don maliban na lang kung wala ito dito." paliwanag nito.
"Nga pala, bawal ang Don sa masyadong maalat na pagkain lalong lalo na ang matabang na pagkain kung ayaw mong makatikim sa kanya. Dapat tama lang ang panlasa mo lalo na sa panlasa niya." mahigpit na bilin nito.
"Tatandaan ko po." sagot ko sa kanya.
Palakad na ito ng bigla itong umingon sa akin na siyang kinagulat ko.
"Oo nga pala, lahat na makikita mo dito sa baba ay pwede mong puntahan. Maliban sa ikalawang palapag dahil nadoon ang mga importanteng kagamitan ng pamilya. Bawal kang umakyat doon lalo na kapag hindi bilin ng Don." matalim na titig niya sa akin.
Nacurious naman ako bigla sa 2nd floor. Ano kaya ang meron doon?
"Naiintindihan mo ba?" pagbabalik nito sa katinuan ko.
"Opo, naiintindihan ko." muling sabi ko dito.
"Buti naman at nagkakaintindihan tayo. Sino ka nga pala? Diba ikaw ang asawa ng Don?" tanong nito sa akin.
"Slyvia po. Slyvia Domingo." mahinhin kong sabi dito.
"Ahhh, Domingo. Ang naghihirap na mga Domingo. Ngayon ay naintindihan ko na kung bakit ikaw ang pinili ng iyong Ama para sa Don."walang preno na sabi nito.
Hindi naman ako nagsalita bagkus ay nagyukom ako ng kamao dahil kapag nagsalita pa siya ay baka mapatumba ko na talaga siya. Kanina pa ito eh. Ginigigil ako. Kung hindi lang matanda, Naku.
"Hindi ka ngayon makapagsalita." matalim na titig nito.
"Wala ho akong alam." sabi ko dito in a low tone.
"Wala kang alam? Tsk, Sabagay wala ka ngang alam sa nangyayari kahit ang pagluto ay hindi mo alam. hahaha." Asar na sabi nito.
Napalunok naman ako ng wala sa oras. Magsasalita na sana ako ng pigilan ako nito.
"Di bale, wag ka ng magsalita. Manatiling tahimik ka nalang sa pamamahay na ito." mariin niyang sabi.
"Susan! Susan!" sigaw nito.
Napansin ko naman na may tumatakbo na isang babae na nasa edad 30's palang ata.
"Bakit po Mayordoma?" tanong nito kay Marites. Halatang bagay nga ang pangalan nito sa personalidad niyang pagkatao. Alam na alam ang buong balita. Pakielamera.
"Kunin mo yung medicine kit at gamutin mo ang DONYA!" diin nitong sabi sa donya.
Mas lalong nagyukom ang mga palad ko. Sasaktan ko na talaga ito. Akala mo kung sino. Grabe may mga gantong tao pala.
"Sige po Mayordoma." sabay alis nito sa harapan namin.
Muling tumingin sa akin si Marites.
"Oo nga pala, Huwag ka ng magtaka kung bakit dyan lang ang kwarto mo. Hindi ka pa naman kabilang sa pamilyang kinalalagyan mo ngayon." matabil na sabi ulit nito.
Nagngitngit naman ang mga ngipin ko sa tabil ng dila nito. Naku, pigilan niyo ko.
Maya-maya pa ay dumating na yung Susan.
"Doon mo na siya gamutin sa kwarto niya at mamaya pa ay dadating na ang Don." malumanay na sabi nito sa katulong.
"Sige po. Tara na po Donya" lapit nito sa akin sabay ngiti nito sa akin ng napakatamis.
Buti pa ito ngumingiti.
"Salamat po Ate." pasalamat ko sa kanya ng matapos niyang gamutin ang pasa ko sa pisngi na hindi ko napansin.
"Walang anuman po Donya." muling ngiti nito.
"Naku, Slyvia na lang po or Via po." ngiti kong pakilala dito.
"Naku, Bawal po, baka mawalan po ako ng trabaho." malungkot na sabi nito.
"Ganun ba? Sige Mam Slyvia na lang. Mas prefer ko kasi ang ganun. Nakakailang po kapag Donya. Nakakatanda po masiyado. Haha." biro kong sabi dito.
"Kwela po pala kayo. Buti nalang kayo po ang napiling pakasalan ng Don kaysa sa mga nauna niyang dinalang mga girlfriend niya po dito." ngiti niyang sabi.
"Naku po, hindi naman po ako Gf ng Don niyo. Arrange marriage lang po kami. Sa katunayan nga po ay nanggigigil po ako don sa mayordoma niyong si Marites." gigil kong sabi habang kumukuyom na naman ang kamay ko.
"Huwag niyo na po siyang pansinin maliban sa mga bilin niya. Yung bilin niya nalang po ang sundin niyo. Mabait naman po iyon. Ganun lang talaga siya sa mga bagong sampa dito sa mansion." paliwanag nito.
"Kahit na, Yung makielam siya sa buhay ko ay mali. Nakakagigil talaga Ate Susan." gigil kong sabi.
Natawa na lang ito sa pinakikita kong reaksyon.
"Oo nga po pala Don- este Mam Slyvia mamayang ala-una po ang dating ng Don. Punta nalang po kayo sa kusina para kumain ng agahan. Bilinan niyo lang po ako. Ipaghahanda ko po kayo ng kakainin." Ngiti nito bago umalis.
"Sige po Ate Susan. Maraming Salamat po." pasasalamat ko dito.
Mamaya nalang siguro ako maliligo bago dumating ang asawa ko o ang Don na sinasabi ng mga ito.
Dalawa ang nararamdaman ko ngayon, naeexcite na ewan o kakabahan dahil hindi ko pa naman talaga kilala ang mga ito.
Naririnig ko naman na ang Pangalang Sylvania sa buong Pilipinas pero ang makita ang mukha nito ay hindi pa. Wala rin akong nakitang mga litrato dito sa baba o baka nasa taas kaya? Hindi ko alam. Bawal naman kasing umakyat doon. Kainis.
Sila Dad at ang ibang mga investors na sila Mr. Tan ang nakakakita sa mukha nito.
Pumunta muna ako ng banyo. Pagkapasok ko ay parang isang malaking kwarto ang nakikita ko sa laki nito. Kumpleto ang mga gamit kaya mukhang hindi ka mamomoblema. Ganto ba talaga kayaman ang asawa ko kaya kung makapagsalita si Marites sa akin kanina ay parang tinatapakan na ako nito sa lupa.
Kumuha naman na ako ng hindi pa gamit na tootbrush dahil meron silang mga stock dito kahit ang mga shampoo at sabon ay tila nakaarrange at puro bago pa.
Nang matapos ako ay lumabas na ako papuntang kusina. Katulad nga ng sinabi ni Ate Susan ay hinanap ko ito doon at hindi naman ako nahirap na hanapin siya.
"Sige po Mam Slyvia. Maghanda lang po ako ng kakainin niyo." ngiti nito.
Lumapit naman ako sa kanya.
"Ate Susan, saan dito pwedeng kumain? Ayoko kasi sa loob." tanong ko dito.
"Sa may garden po. Kung gusto niyo ay doon nalang po kayo kumain." bilin nito.
"Sige po doon nalang para kahit papaano ay makalanghap po ako ng sariwang hangin." masaya kong sabi dito.
"Sige po, hintayin niyo na po akong ihanda ito para masamahan ko po kayo doon." sabay prepare niya ng pagkain ko.
Tinulungan ko naman siyang magbuhat ng kakainin ko kaso mas pinili nitong buhatin lahat at juice lang pinabuhat nito sa akin.
Ngayon ko lang narealized na ibang-iba ako ngayon sa dating ako. Ganto ba talaga feeling ng isang looser. Haysss. Ano nalang sasabihin ni Austin at ng mga friends ko. Na naghihirap na kami at itong daddy ko ay pinagkasundo ako sa hindi ko kilalang tao kundi sa mabangong pangalan nito.
"Dito po tayo para hindi ka po mainitan Mam Slyvia." turo nito sa isang Gazebo na may mesa sa gitna.
Namangha naman ako dahil wala naman ganto sa bahay. Pareho nalang namin nilapag sa mesa ang kapwa dala-dala na pang-agahan ko.
"Thank you Ate Susan sa paghatid." pasalamat ko dito.
"No prob po basta puntahan niyo lang po ulit ako sa kusina para iligpit ko po ito." paalam nito.
"Sige po. " yun nalang ang nasabi ko bago siya umalis sa harapan ko.
Tinignan ko ang paligid at napakalawak talaga ng mansion na ito. Umupo na ako at nagsimulang kumain.
Nakatulala lang akong nakatingin sa garden habang kumakain ng biglang may magsalita sa likod ko.
"Ganda ba?" tanong ng lalaki sa likod ko.
"Oo, ang ganda ng mga rosas." ngiti kong lingon dito ng biglang mapalitan ng pagkagulat.
Isang lalaking malaadonis ang mukha na nakawheel chair, bagong tabas ang buhok maging ang mga balbas nito ay parang kakatream lang. Nakasuot lang ito ng pleated na short, Vneck na white at nakarubber shoes na color white din na bumagay talaga sa kanya.
Napatayo naman ako bigla.
"Why do you eat here?" seryoso nitong sabi.
"Hala Sorry, di lang ako kumportable sa loob." patotoo kong sabi baka kasi makita ko na naman si Marites.
"Don't do this again without my permission." masungit na sabi nito.
Agad naman tumama sa dibdib ko iyon na parang may mali akong ginawa. Wait, siya ba si. Oh no!
"Ikaw ba si?" gulat kong sabi.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Yes, Calix Sylvania. Your husband."