Sylvia's POV
November 28, 2016
7:35 am.
Nakaupo ako ngayon dito sa kwarto ng isang sikat na hotel. Naghihintay ng mga staff para sa gagawin nila sa akin mamaya. Ngayon ang araw ng kasal ko.Wala rin akong nagawa ng ipahanap ako ni Dad at nila Mr. Tan. F*cking access. Asar. Naiiyak tuloy ako sa plano ni Dad. Ano ng mangayayari sa akin kapag kinasal na ako.
Paano nalang kami ni Austin. Paano na kami magkikita kung ikakasal na ako sa isang matandang huklubin. Kainis.
Damn that business. Bakit ba kasi nauuso ang arrange marriage na yan. Sinusumpa ko talaga ang bagay na yan.
Napatingin naman ako sa pintuan dahil may kumakatok. Pumasok naman ito.
Si Ate Eunice lang pala. Malungkot ang mukha nito kaya nahawa na rin ako.
"Aatteee, huhuhu." iyak kong salubong sa kanya.
"Slyvia, tahan na. Okay kalang ba dito?" tanong nito.
"Ate naman, nagbiro pa. Eh hindi nga ako okay. See?" bitaw ko sa mga yakap nito.
"Via, wala naman tayong magagawa kung ito ang desisyon ni Dad. Isa pa, ganto din naman nangyari sa akin." tingin nito sa akin sabay hawak sa mga palad ko.
"Pero Ate, ayokong matulad sayo." pagtatantrums ko dito.
"Kaya nga, kaya lakasan mo loob mo dahil hindi naman natin nakikita sa umpisa ang inaarrange marriage sa atin eh. Please huwag ka ng tumulad sa akin." iyak na sabi ni Ate.
Binubugbog kasi si Ate ng asawa niya. Nakunan pa ito dahil sa pangmamaltrato ng asawa niya.
"Ate naman *sniff*. Huwag mo naman akong takutin." saway kong sabi dito.
"Basta. Huwag ng pasaway Via, tsaka padating na yung mga staff. Aayusan ka na mamaya." ngiti nitong pilit para mapagaan ang loob ko. "I hope na maging maayos ang takbo ng buhay mo. Tsaka sa west ka lang ikakasal kaya huwag ng mag-expect kung ingrande. Hindi na matutupad ang pinapangarap mong kasal." pilit ngiti ni Ate Eunice habang kinakawit niya yung buhok ko sa likod ng tenga ko.
Tumango lang ako habang umiiyak sa kanya. Hinawakan ko nalang ang mga palad niyang nasa pisngi ko pa hanggang ngayon.
Nagdecide akong maglakad palayo sa kanya at tumapat sa malaking salamin na kita ang magandang tanawin. Lihim na pinupunasan ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko.
Humarap ako sa Ate ko at pilit na binabago ang emosyon ko. Naging matigas ulit ako.
"Pero Ate, Akala ko ba mayaman yung mapapangasawa ko? Tapos ikakasal lang kami sa west. It's kadiri naman tignan. Tsaka baka sila talaga ang tunay na poor." maarte kong sabi.
Lumapit naman si Ate sa akin para batukan lang ako.
"Sira, tayo nga ang naghahanap ng investor. Shunga ka talaga. Tsaka, No choice ka lang dahil ikaw nalang ang natitira na wala pang asawa sa ating magkakapatid." tingin nito sa akin na tila natatawa.
"Sorry naman." irap ko dito.
Tumingin muna si Ate sa akin bago ako tabihan.
"Alam mo Via, sumunod ka nalang sa sinasabi ni Dad lalo na sa mapapangasawa mo. Swerte ka kapag matanda na ang mapapangasawa mo dahil instant agad." nakakalokong sabi nito.
Napaisip naman ako bigla pero bigla akong nandiri. Super kadiri talaga. Ewww.
" Ate, stop na. Nakakadiri talaga. " sabi ko dito.
Pareho naman kaming napatingin ni ate sa pinto.
" Hello Mam, andito po pala kami para mag-ayos sa ating bride to be." ngiti nung babaeng staff.
"Sino po si Ms. Slyvia Domingo?" tanong nito habang salit-salitan ang tingin sa amin ni Ate.
Ayaw ko sanang magsalita kaso bigla akong tinulak ni Ate.
"Siya po." ngiti ni Ate habang tinutulak ako.
"Wait what? Ate, please stop it." tulak ko din sa kanya.
Bigla naman akong kinurot ni Ate.
"Aww, masakit ah." masamang tingin ko dito.
Sinamaan niya din ako ng tingin.
"Ikaw kasi, napakakulit mo. Hindi naman tayo makakaubra kay Daddy eh. Sige na. Lumapit ka na sa kanila." muling tulak nito sa akin pero this time masama na ang tingin niya sa akin.
Wala naman akong nagawa kaya lumapit nalang din ako sa mga staff. Umupo ako ng matamlay kaya napansin naman ako ng nagmamake-up.
"Bakit naman malungkot Madam? Diba dapat masaya ka kasi ikakasal ka na." ngiting sabi nito sa salamin.
Tumingin naman ako ng masama dito.
"Ay, takot ako Madam ah." lokong sabi nito.
"Dapat lang." ismid kong sabi sa kanya.
"Ayy, grabe naman si Madam. Ang ganda mo pa naman kaso yung ugali. Di bagay." sabi nito habang tumatalikod.
Napatayo naman ako sa sinabi niya.
"Watch your words bitch." muling tingin ko dito.
Lumingon naman sa akin ito.
"You know Madam, need mong matutong magpakumbaba. We already know this session is for arrange marriage. Baka magulat ka nalang, naghihirap ka na." sabi nito.
Napatla naman ako sa sinabi niya.
Napatayo naman si Ate Eunice at lumapit na sa amin.
"What is going on here, nagbabanatan ba kayo ni Via?" tanong ni Ate habang nakatingin sa amin ito ng salitan.
Magsasalita na sana ako ng biglang unahan ako ng staff na nag-aayos sa akin kani-kanila lang.
"Shut up Madam, ako na magsasabi sa mga ginawa mong hindi naman makatarungan para sa mga katulad namin." tingin nitong sabi sa akin.
Tumingin naman ito kay Ate Eunice.
"Hi Madam Eunice, bilang professional make-up artist. Nagtanong lang naman po ako sa kapatid niyo kung bakit siya malungkot pero sinamaan lang ako nito ng tingin at sinabihan na b***h. Alam yan ng mga staff ko. Kung hindi lang kita friend Eunice. Naku." inis na sabi nito.
"I'm sorry Chay, sagot ko na itong bata na ito. Hindi niya kasi alam ang ginagawa sa kanya eh." hinging paumanhin nito.
"No Ate Eunice. I know what's happened a while ago. She's liar. She already told me that she know everything and she also know that Dad make an arrange marriage like you. Haysss. Like Wtf. " dabog kong sabi.
" See, Look at your Sister, Eunice. Ano bang pag-uugali ang meron diyan? Hindi ka niyan tularan. Tsk. Ewan ko nalang talaga!" irap nung Chay.
"Sorry Chay. Pasensya na talaga. Ayusan niyo na lang siya." sabi ni Ate Eunice.
Tinarayan ko naman yung Chay. Inirapan lang din ako.
Nagtagal kami ng 2 hours sa pag-aayos sa akin. Naging maayos naman at naging mahinahon na kami pareho.
Maya-maya pa ay mga dumating na nakablack suit. Kinausap nila si Ate.
"Via, be ready. Babalik ulit sila para tawagin tayo. Andyan na si Pastor na magkakasal sa inyong dalawa." mahinahon na sabi nito.
Tumango lang ako sa sinabi ni Ate Eunice. Ano pa nga ba choice ko? Andito na ako. Ang iisipin ko nalang ngayon ay kung paano ko ipapaliwanag kay Austin na kasal na ako sa ibang tao at hindi sa kanya. Hayssss.
After 5 mins. Bumalik na yung mga nakablack suit. Tinatawag na kami.
Pagpasok namin ay nasa malaking hall na kami. May mga flowers na parang nakaarrange talaga sa pangkasal. Kaso kami lang ang pumasok sa lugar na iyon. Andun na din ang Pastor.
"Ate, bakit wala yung groom ko?" takang tanong ko kay Ate Eunice.
"Ahh, ehh, baka Late lang. Hindi naman kasi ako ganto dati eh." ngiwing sabi ni Ate.
"Ok, hmm!" matamlay kong sagot.
Tango na lang ang mga sumunod kong naisagot kay Ate Eunice. Naglalakad kami sa aisle habang dala-dala ko ang bouquet ng flowers ko. Color white ito. Napakagandang tignan. Pero pakiramdam ko kinakabahan ako.
Nang makarating kami sa harap ay merong mesa doon kung saan ay andun nadin ang Pastor kanina pa.
"Good day Ms. Domingo. I'm Pastor Enrique. Anyway, Best wishes to you. Are you ready?" tanong ni Pastor Enrique.
Napatingin naman ako kay Ate Eunice at sa paligid ko. Bakit mag-istart na eh wala pa yung groom ko na ipapakasal sa akin.
"Ahmm, teka lang po ah. Wala pa yung groom ko eh? Siguro matanda talaga yun. Kaya ayaw magpakita sa akin." inis kong sabi.
Kinalabit naman ako ni Ate Eunice para sawayin samantalang yung Pastor ay nangiti lang.
"Hehe, Ahhm, hindi mo ba nabalitaan Ms. Domingo kung bakit wala ang mapapangasawa mo?" tanong nito.
"Aba, Malay ko ba dun kung sino yun. Arrange Marriage nga diba. So, Malamang hindi ko kilala yun. Hayss. Ayokong ituloy ito kung hindi ko naman siya makikita. Itigil nalang natin ito." pagdadabog ko sabay hagis sa mga bulaklak na hawak ko.
Bigla naman lumapit ang mga body guard at hinawakan ako sa dalawang braso.
" Bitawan niyo ko! Don't touch me! Mga walang hiya kayo. Kakasuhan ko kayo! " pagwawala ko.
Nakita ko namang umiiyak si Ate Eunice at pinipigilan ang mga body guard na nakahawak sa akin. Kaso nagulat nalang ako ng biglang tutukan ng isa ang Ate ko ng baril.
"Tigilan niyo yan! Mga Hayop kayo. Huwag niyong barilin ang Ate ko. Ako ang barilin niyo." pagwawala ko padin.
Bigla niyang kinasa yung baril at tinutok sa ulo ni Ate Eunice. Nangamba ako bigla. What if kung patayin nila ang Ate ko. Sino nalang kakampi ko dito.
"Via, Tama na Please. Nakikiusap ako sa iyo. Huwag ka nang magwala. Please Kuya, Huwag niyo kong patayin. Please. " Luhod ni Ate habang nakikiusap sa mga bodyguard.
"Pagsabihan mo yang kapatid mo kung ayaw mo pang mawala sa mundo!" malalim na sabi nito.
Napatingin naman ako sa nagsasalita. Kapwa nakaluhod na kami ni Ate. Hindi gantong kasal ang gusto kong mangyari. Bakit ba nangyayari sa akin ito. Huhuhu. Napaluha na lang ako habang nakikiusap si Ate Eunice sa akin na itigil ko ang pagwawala ko.
Ganun ba talaga kayamang tao ang mapapangasawa ko at kaya nilang pumatay basta-basta sa kahit na anong lugar.
"P-please, Via, N-nakikiusap ako. S-sumunod ka nalang. H-huwag mo ng idamay yung p-pamangkin mo." pakiusap sa akin ni Ate.
"T-teka b-buntis ka?" Tingin ko sa kanya.
Tumango naman ito. "K-kaya please Via, gawin mo nalang. Please." iyak nito.
"*sniff* s-sige Ate." tango ko dito.
Hawak-hawak ako ng dalawang body guard habang nagseseremonya ang pastor sa kasal ko kahit wala ang groom.
"I-I D-Do. *sniff*" tuluyang buhos ng mga luha ko.
Hindi parin kasi nila tinatanggal yung baril na nakatutok kay Ate.
"Congratulations Ms. Domingo. Your officially Mrs. Sylvania." pakikipaghawak kamay nito.
Tinanggap ko nalang ang dapat tanggapin.
May nilabas itong contract kung saan ako ang magiging kabayaran ng utang ni Daddy sa Company nito. Kasama na rin ang Marriage Contract namin.
Nakapirma na pala ang mapapangasawa ko. Ako na lang pala ang hinihintay. Huminga ako ng malalim sa kayang abutin ng hininga ko.
Kahit labag sa loob ko. Pinirmahan ko ito. Pagkatapos ko itong pirmahan ay lumapit na ako kay Ate Eunice.
"Ate, S-sorry." iyak kong yakap dito.
"Shhhh, tahan na. Okay naman na. Via. *sniff*" tahan sa akin ni Ate.
Magsasalita na sana ako ng bigla akong hilahin ng mga bodyguard.
"Ateee, huwag mo kong iwan sa kanila pleasee." abot ko sa mga kamay nito.
"Viaaaa, bitawan niyo siya." sigaw ni Ate habang may pumipigil sa kanya.
"Ateeee Eunice!" sigaw ko.
"Via, hahanapin kita. Pangako yan!" iyak na sigaw ni Ate.
"No, Ateee, ayoko sa kanila." sigaw ko padin hanggang sa buhatin na ako ng bodyguard.
"Ibaba mo ako. Iwan mo ko kay Ate Eunice. Please." sigaw ko dito sabay hampas sa kanya.
Hindi ako tumigil sa kakahampas sa kanya.
Hanggang sa makarating kami ng basement na tanging boses ko lang ang maririnig.
Bigla na lang ako nitong binaba.
"Kuya, ibalik niyo na ako sa Ate ko! Parang-awa niyo naman. Kuya!" iyak kong sabi dito.
"Manahimik ka kung ayaw mong masaktan." sabi nito.
"Kuya naman. Ayokong sum-" tigil kong sabi ng bigla akong saktan nito.
Namanhid ang buong panga ko. Nang makita kong may dugong lumabas sa bibig ko mas lalo akong nagwala.
"Tsss. F*ck you! b***h! Hayop kayo! " suntok ko dito.
Hanggang sa sinuntok nito ako sa sikmura. Hindi ako makahinga. Namilipit ako hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.