Chapter 7: Demon Porridge

1588 Words
Bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya at muling pumasok ang lalaking kakalabas lang bitbit ang isang tray ng sa tingin niya ay pagkain. Nakasimangot nitong inilapag sa kanyang harapan ang food tray na naglalaman ng porridge at tubig. "Eat so you can regain your strength. You want to stay here, right?" Nakataas ang isang kilay nitong tanong. Ilang beses pa siyang napakurap-kurap bago wala sa sariling tumango. "P—pumapayag na po kayong dito ako titira?" Tila hindi makapaniwala niyang tanong. "Yes but only for the meantime, Nahara," malamig nitong sagot. Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa lalaking nakaupo sa gilid ng kama at nakaharap sa kanya. Hindi niya maintindihan ang pananayo ng kanyang balahibo. He mentioned her name with coldness yet it feels so good to hear in her ears. It's like she was a human and not someone to molest. Marahil ay nasanay lang siyang si Fabian lang ang bumibigkas ng pangalan niya at sa nakakadiring paraan pa. "S-salamat po..." Maluha luha niyang sambit. "Don't thank me. Babayaran mo ang pagtira mo dito sa bahay ko," istrikto nitong pahayag. Napalunok siya. "A—ano pong gu—gusto ninyong kabayaran?" Kinakabahan niyang tanong. Paano na lang kung katawan niya ang hihingin nitong kabayaran? Hahayaan ba niya ang lalaki? Ah, hindi, mali pala ang tanong niya. Mapipigilan ba niya ito kung sakali? Ano lang bang laban niya dito? "Since I don't hire maids, you will become my servant nang sa ganun, I won't hire weekly cleaners anymore," anito na ikinagulat niya. "Wala kayong katulong na iba?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Sobrang laki ng pamamahay nito at maging ang hardin sa labas. Napakaimposibleng hindi ito kumuha ng katulong gayong sigurado siyang mayaman ang lalaki. Nagpaulan pa nga ito ng pera sa auction diba? "I don't trust maids. A lot of them are spys that will betray me. I don't even trust my bodyguards and you are no exception. But since you want to stay here, I will let you, but in one condition..." "Anong condition?" "You are not allowed to enter my room, my office and most of all the black door upstairs. Hindi ako mangingiming pasabugin yang ulo mo kapag hindi ka sumunod sa sinasabi ko. Did I make myself clear?" Puno ng awtoridad nitong tanong. Mabilis siyang tumango. She was always been an obedient child before kaya alam niyang hindi mahirap para sa kanya ang sundin ang mga ibinilin nito. "Makakaasa po kayong hindi po ako magiging pasaway. Maraming maraming salamat po sa pagkupkop sakin," malawak ang ngiti niyang wika. Nakita niya ang pag-ngiwi ng lalaki. "Stop smiling. You're creeping me out!" Mabilis naman siyang tumalima at yumuko. "Sorry..." Halos pabulong niyang sambit. "One more thing, if you want to stay alive, you must not step outside my house unless you want to die in my enemies' hands," dagdag pa nito. Wala man siyang ideya kung ano ang ibig sabihin ng lalaki ay tumango parin siya. Takot din naman siyang lumabas at baka makita siya ni Fabian. Sa sandali niyang pananahimik ay narinig niya ang malalim nitong buntong hininga. "Eat. Lumalamig na ang pagkain." Dahan dahan niyang dinampot ang kutsara at sumandok ng porridge saka iyon dinala sa kanyang bibig. Hindi naman siya maarte sa pagkain dahil para nga siyang baboy kung ituring ni Fabian at Vera pero nang dumampi sa kanyang dila ang porridge ay nais niyang maiyak. May sa lasang demonyo yata yung lugaw! Hindi niya maiwasang mapangiwi. The food has a mixture of super bitter, salty and sour taste . Hindi niya alam kung bakit ganun ang timpla ng pagkain. "Your doctor told me you're malnourished so you should eat a lot—" tumigil ito sa pagsasalita at tiningnan siyang maigi. "Why are you in grimace? Hindi ba masarap? Mind you, woman, ako ang nagluto niyan and I followed the right procedure. You should consider yourself lucky dahil ikaw ang kauna-unahang babaeng ipinagluto ko. Tigilan mo yang pag-ngiwi mo at kumain ka ng maayos!" Galit nitong litaniya. Ano kayang procedure ang sinunod nito? Ang sunugin ang mga inihalo nitong kaunting rekados at manok? Di bale ng hindi siya ang unang ipagluto nito, basta hindi lang ganito ang lasa ng lugaw. Pero dahil ayaw niyang tuluyan itong magalit sa kanya at baka palayasin pa siya, pilit siyang ngumiti at nilakihan ang subo kahit pa gusto na niyang masuka dahil sa hindi kaaya-ayang lasa ng porridge. Sana lang ay hindi siya magkaLBM o di kaya ay malason ng demon porridge ni Velasquez. Sa awa ng Maykapal, naubos naman niya ang isang bowl, yun nga lang ay sandakmak na tubig naman ang ininom niya. Nakita pa niya ang pag-angat ng sulok sa mapupula nitong labi na para bang proud ito sa nangyari. "Now I know the feeling why Xerxes loves cooking," tukoy nito sa lalaking hindi naman niya kilala. "I might make this as a hobby. It was more enjoyable than killing people." Marahas siyang napatingin sa lalaking parang baliw na kausap ang sarili at nakangiti pa. Nang mapansin nitong nakatitig siya ay lumingon ito sa kanya. "What are you staring at? You want more porridge?" Mabilis pa sa alas kwatro siyang umiling. Sana lang bumalik agad ang lakas niya para siya na ang magluluto at hindi ito. Kung laging ganito ay hindi malabong masisira ang kanyang tiyan. Maya maya pa ay napatikhim siya. "Paano mo nga pala ako nadala dito?" Alanganin niyang tanong. "I followed you and saved you from the rain. Para ka kasing tangang naglalakad kahit na alam mong umuulan at basang basa ka na." Sandali siyang napaisip. Naalala niyang noong nakaraan ay ayaw siya nitong patuluyin sa bahay nito pero bakit bigla na lang siyang sinundan ng lalaki at iniligtas pa? Ang gulo naman. Napatingin siya sa kamay niyang may nakatusok na swero. Hindi niya maiwasang mapangiti. Mabait din pala ito, hindi nga lang masyadong halata. "Salamat sa pagliligtas sakin, Sir Velasquez," mahina niyang sambit. Kumunot ang noo nito. "How do you know my surname?" Pinukol siya nito ng nagdududang tingin. "Uh...N—narinig ko po noong auction. Tinawag po kayong Velasquez nung lalaking bibili sana sakin." Hindi niya maiwasang mapakagat labi habang pinagmamasdan ang lalaki na matiim na nakatitig sa kanya. "About that man, kilala mo ba siya?" Pinaningkitan siya nito ng mata. Agad siyang umiling. "Noon ko pa lang siya nakita." Tumango naman ito at tumayo na. Kinuha narin ng lalaki ang tray na ng pagkain. "Rest again. I guess our negotiation is clear and done. I will wake you up in dinner time." Tumalikod na ito at naglakad paalis pero huminto rin ilang hakbang ang layo sa kanya. "One more thing, call me by my name. I'm Rain and stop calling me with my surname. It pisses me off when it comes from your mouth." Hindi na nito hinintay na makasagot pa siya at tuluyan ng lumabas ng pinto. Dahan dahan siyang napahiga. Sa loob ng maraming taon, ngayon lang ulit siya nakaramdam ng kaginhawaan. Rain... Rain Velasquez...Ito pala ang pangalan niya. Maya maya pa ay nakaramdam siya ng pagkaihi kaya naman sinubukan niyang tumayo para pumunta ng banyo subalit bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin at hindi niya sinasadyang masagi ang flower vase sa bedside table. Lumikha iyon ng malakas na ingay kaya't napasinghap siya. Mabilis din siyang napalingon sa gawi ng pintuan nang makitang nagmamadaling pumasok si Rain at lumingon sa kanya. "What the f**k happened, Nahara?" Lumalim ang gitla sa noo nito habang nakatitig sa kanya. Mariin siyang napapikit. Hindi naman siguro siya nito palalayasin dahil nabasag niya ang vase diba? Hindi naman niya iyon sinasadya. "Naiihi po kasi ako Sir.." nakangiwi niyang sambit. Sandali siyang tinitigan ng lalaki bago napailing at maglakad patungo sa kinaroroonan niya. Kinuha nito ang dextrose bag at ibinigay sa kanya. "Hold it." Utos nito at walang pasubali siyang binuhat. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa ginawa ni Rain. Hindi niya sinasadya pero bahagya siyang naasiwa sa ginawa nito subalit kataka takang hindi siya nakaramdam ng takot o pagkamuhi sa mga hawak ng lalaki. "A—anong ginagawa mo?" Pabulong niyang tanong. Tumikwas ang isang kilay nito. "Carrying you to the bathroom I guess. Are you that dumb to ask a question?" Masungit nitong tanong. "Pero…" "What? Should I let you stay here and pee on my carpeted floor like a kid?" Namula ang pisngi niya sa narinig. "You're the housemaid remember at hindi ka pa magaling kaya walang maglilinis kung sakali mang magkakalat ka," pagalit nitong dagdag at naglakad na patungong banyo. Pinili niya na lamang na tumahimik dahil baka mas maiinis pa sa kanya ang lalaki at ibagsak siya sa sahig. Marahan siya nitong ibinaba at lumabas na ng banyo. "Call me when you're done, I'll be outside." Matapos siyang umihi ay kinarga ulit siya ni Rain patungong kama at iniwan siya ng walang salita. Napabuntong hininga na lang siya sa inaasal nito. Hindi nagtagal ay hinila din siya ng antok. Nagising na lang ang diwa niya dahil sa mahinag tapik sa kanyang pisngi. "Dinner is ready. Wake up and go downstairs. I'm tired of babysitting you," masungit nitong wika at tumalikod na. Napatingin siya sa kanyang swero at napansing tinanggal na pala iyon. Dahan dahan siyang bumaba ng silid. Gaya noong una, hindi niya maiwasang mamangha sa lawak at ganda ng bahay. Hindi nagtagal ay narating na niya ang kusina at bumungad sa kanya ang maraming putaheng puro gulay. Nagtataka siyang tumingin sa lalaking nasa mesa. "Sit and began eating Nahara. A malnourished and anemic person like you needs a lot of vegetables..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD