bc

The Devil Mafia Billionaire

book_age18+
5.5K
FOLLOW
35.1K
READ
dark
family
second chance
serious
scary
ambitious
female lead
realistic earth
self discover
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Nagkamali si Alexis ng taong binangga.

Dahil sa isang pangyayari ay nagulo ang lahat ng plano niya sa buhay.

Tinakwil siya ng kanyang mga magulang dahil sa kasalanang hindi naman niya talaga ginawa.

Matapos ang ilang taon ay hindi akalain ni Alexis na muli pa silang magtatagpo ng bilyonaryong si Dark Lee na isang demonyong nagpapanggap na tao para sa kanya.

Isang demonyo na laging handa upang pahirapan siya.

Isang demonyong malaki ang kinalaman sa kung ano ang nangyari sa kanya sa nakaraan.

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Ang sikip naman nitong damit na ito." Reklamo ko habang pinipilit na isinusuot ang isang kapirasong kulay itim na damit na humapit ng sobra sa aking katawan. Pakiramdam ko nga ay hindi na ako makahinga dahil sa sobrang naipit ang aking malusog na mga hinaharap. Isang kulay itim na high waist denim pants naman ang aking pang ibabang suot. Hindi ako sanay na ganitong klaseng kasuotan ngunit kailangan kong magtiis upang magtagumpay. Matapos kong pasadahan ang aking sariling repleksyon ay kinuha ko sa aking pouch ang isang kulay pulang lipstick at mariin na ipinahid sa aking makipot na labi. Halos paliguan ko rin ng isang mamahaling pabango ang aking sarili upang masigurado lang na malalahanghap ang halimuyak na aking taglay kahit pa na sa malayo pa lang ang presensya ko. "Alexis, magagawa mo ito," sambit ko sa aking pangalan at saka ko nasilayan ang isang mapanganib na ngiti sa vanity mirror na aking kaharap. "Good Evening, Ma'am." Masiglang pagbati sa akin ng guwardiya at saka binuksan ang nakapinid na pinto upang ako ay makapasok sa loob. "Good Evening." Sagot ko at saka buong sabik na naglalakad patungo sa loob ng isang five star restaurant. Patay-malisya kong iginala ang aking paningin upang hanapin ang taong aking pakay. Si Dark Lee, ang malaking tinik sa lalamunan ng lalaking pangarap kong maging akin, si Ivan Madrid. Hindi naman nagtagal ay nakita ko ang taong nais kong bigyan ng isang malaking palabas ngayong gabi. Tiyak kong uurong ang sinumang investor na kanyang kausap ngayon kapag nagsimula na akong umarte. Tinungo ko muna ang comfort room ng restaurant at binistahang muli ang aking kabuuan. Ipinahid kong muli ang pulang lipstick at saka binasa ng kaunti ang aking maliit na labi. Pinapungay ko ang aking mga chinitang mata at inayos ang masikip na tube na aking suot ngunit tiniyak na nakasilip ang aking cleavage at saka buong tatag na lumabas ng banyo upang gampanan ang isang misyon na tiwala ako sa aking sarili na magtatagumpay. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at saka ngumiti ng ubod ng tamis habang marahang lumakad patungo sa lamesa kung nasaan si Dark Lee at ang kanyang kagalang-galang na na kasama sa bilog na lamesa ng restaurant na punong-puno ng mga mamahaling pagkain. "Dark," ani ko sa kanyang pangalan. Nagtagumpay naman akong agawin ang kanyang atensyon maging ang kanyang kausap ay bumaling sa akin. Kunot-noo siyang humarap sa akin. "Dark, bakit hindi mo na ako pinapansin nitong mga nakaraang araw? May problema ba tayo?" panimula kong tanong sa isang palabas. Lalo naman kumunot ang kanyang noo sa narinig. "Bakit hindi mo na ako tinatawagan man lang?" tanong kong muli at saka pinangilid ang aking mga luha sa aking mga mata. "What? Excuse me Miss, but do I know you?" pagtataka niyang tanong. Nalaglag ang luha sa aking mga mata. "Ngayon ay hindi mo na ako kilala? Tama pala ang mga sinasabi nila tungkol sayo, magaling ka lang na negosyante ngunit hanggang doon lang iyon. Dahil isa kang walang puso at walang awa sa mga babaeng gaya ko na naniwala sayo. Matapos mo akong pagsawaan ay ganun mo na lang ako kay daling itatanggi." Sunod-sunod kong rebelasyon habang patuloy sa pagtangis. "Miss, I don't know who you are? At huwag kang gumawa ng eksena dito dahil hindi kita talaga kita kilala." Madilim ang kanyang anyo habang seryoso sa binitawang mga salita. Kunwari ay sumilay ang pilit na ngiti sa aking labi sa narinig na kanyang turan. "Okay, kung itinatanggi mo na hindi mo ako kilala ay ayos lang. Bubuhayin ko na lamang mag-isa ang batang pinagbubuntis ko ngayon na anak mo." Pinalungkot ko ang aking tinig habang binabanggit ang aking aral na aral na litanya. "What?!" gulat niyang tanong. "Buntis ako at ikaw ang ama. Hinihintay kita para sabihin sa iyo ang magandang balita ngunit mukhang nakuha mo na ang gusto mo sa akin kaya ngayon ay itinatanggi mo na ako," saad ko habang patuloy ang pagluha. "Miss, hindi talaga kita kilala at wala akong alam sa mga sinasabi mo," sambit niya habang halata na sa kanyang baritonong tinig ang inis sa akin. Yumuko ako dahil bagamat diretso ang aking pananalita ay waring nais manginig ng mga tuhod ko sa nagniningas na apoy na aking nababasa sa mga mata ng lalaking nais kong sirain sa harap ng kanyang kausap. Pero hindi ako dapat magpadala sa takot. Narito na ako at dapat ko ng ituloy ang anumang aking nasimulan. "Wala naman akong magagawa kung ayaw mo na sa akin. Pasensya ka na at nakakaistorbo pa ako sayo." Paghingi ko ng pasensya at saka ako waring nagmamakaawang tumingin sa kanyang kausap sa lamesa. Bukod kay Dark Lee ay isa pang tao ang target kong papaniwalain sa pag-arte ko. Ang matandang lalaki na isang mayamang investor na kanyang ka-meeting ngayon. "Pasensya na po kayo, Sir." Yumuko pa ako ng sobra at pinalungkot pa ng husto ang aking mukha ng humarap ako sa mayamang investor. Mataman lang na nakatingin sa akin ang matandang lalaki. Samantalang si Dark ay hindi ko alam kung ano na ang tumatakbo sa isip. Marahil ay pinipiga ang kanyang utak upang maalala kung sino ako. "Sige, alis na ako." Walang buhay kong pagpapaalam at saka nagmamadaling tinungo ang exit ng restaurant. Pagdating ko sa labas ay hinubad ko sa aking mga paa ang kulay puting sapatos na may mataas na takong at saka halos nag tatakbo upang makalayo lamang sa lugar na iyon. Habang hinihingal sa mabilis na paglakad ay napapangiti ako at hindi kalaunan ay tumawa ako. Natatawa ako sa naging reaksyon ng mayabang na si Dark Lee. Syempre, hindi naman niya talaga kilala kung sino ako. Tingnan lang natin ngayon kung mag-invest pa sa kompanya niya ang mayamang investor na kausap kanina. Batid kong galit ang investor na kausap ni Dark sa mga lalaking manloloko ng mga kababaihan. Meron kasi itong nag-iisang anak na babae na nagpakamatay dahil iniwan at hindi pinanagutan ng lalaking nakabuntis dito. Kaya naman talagang nagpraktis akong mabuti kung paano umarte upang huwag matuloy ang balak na pag-iinvest ng malaking halaga sa hambog na si Dark Lee. Bakit ko ginagawa? Gusto ko kasing sa kompanya ni Ivan mag-invest ang mayamang investor. Kaya goodluck na lang kay Dark. At isang nakakalokang ngiti ang makikita sa aking labi habang walang pakialam sa kung anuman ang nasa paligid. Kapag nagkataon, matutuwa si Mama at Papa. Siguradong mapupunta sa kompanya ni Ivan ang malaking halaga ng perang nais i-invest ng matandang investor kay Dark Lee. Dark Lee, maliban sa papausbong niyang pangalan sa larangan ng pagnenegosyo ay wala na raw alam ang mga magulang ko sa misteryosong lalaki. Ayoko ng alamin pa kung sino siya, ang mahalaga hindi mapunta sa kanya ang mayamang matandang investor. Ngunit bigla akong kinabahan. Waring ang pinaghalong mainit at malamig na simoy ng hangin sa mataong lugar na ito sa gitna ng masiglang gabi ay may nais ipahiwatig. Kaya naman luminga-linga ako sa paligid. Sa hindi kalayuan ay may napansin akong grupo ng mga kalalakihang tila may hinahanap sa paligid Panay ang linga nila sa kung saan na waring may tinutugis. Bigla akong sinalakay ng kaba sa dibdib. "Hindi kaya mga tauhan sila ni Dark Lee at ako ang kanilang hinahanap?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
154.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
82.8K
bc

His Obsession

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook