Panay ang tanong ko sa mga nurse sa nurse station kung may result na ba dahil gusto ko ng umuwi dahil nag-aalala ako magiging bill ko dito sa ospital. Hindi na lang ako masabihan ng mga tinatanungan ko kahit alam kong naiirita na sila sa kakulitan ko. At huwag nilang susubukan na sungitan ako, hindi ko sila uurungan. "Kung sabihin ko na yatang alam ko na naman na wala talaga akon sakit at kaya ako nagsusuka ay dahil buntis ako?" pinag-iisipan kong bulong sa aking sarili. Nakakainip din kaya ang maghintay. Tapos ako lang mag-isa. "Ano na kayang nangyari kay Dark Lee? Sigurado akong galit na galit na siya dahil walang mahanap na matamis na lomi. Iyong siopao madaling gawan ng paraan pero iyong lomi ay medyo mahihirapan siya dahil wala pa naman yata na kahit sino ang nagluluto ng matami

