"Nasaan ako?" palinga-linga ako sa paligid pero wala akong makita kahit na anong liwanag. Madilim at sobrang dilim. Patuloy lang ako sa mabilis na paglakad na walang direksyon. Naririnig ko na may ibang yabag sa paligid pero hindi ko makita kung ano at kung sino? "May tao ba dyan? Sino ka?" malakas kong sigaw at tanong. "Sino ka?! Magpakilala ka!" sigaw ko ulit habang patuloy sa paglakad ng walang kasiguraduhan. Iniisip ko kung paano akong napunta sa lugar na ito ng wala akong alam. Wala akong maalala na kahit ano. "Nasaan si Light? Nasaan ang anak ko?" patuloy kong tanong sa gitna ng karimlan at kadiliman. Pakiramdam ko nauubusan na ako ng hininga kaya kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito bago pa ako tuluyan na mawalan ng malay. "Ma! Gising! Nanaginip ka na naman!" Mula sa

