Chapter 1
Simula
* * *
AVI SEPHERD POV
Nilagay kona sa cart lahat ng kailangan ko sa bahay kaya naman ay nagpagpasyahan ko ng bayaran ang mga ito para makauwi nako
Naglalakad ako paputa sa counter ng may biglang may nakabangga sa akin dahilan ng Pagka-upo ko sa sahig "aray" daing ko‚ ang sakit ng pwet ko shet
"Aviva? Avi ikaw ba iyan?" isang pamilyar na boses ang pumukaw sa aking atensyon kaya inangat ko ang aking ulo kung saan nanggaling ang boses na 'yon‚ napalaki ang aking mga mata ng makita kung sino ang nakabanga sakin 'totoo ba to??' tanong ko sa utak habang nakatingin sa isang bulto ng tao sa harap ko
"Josh?" banggit ko sa pangalan niya, bat andito siya, totoo ba talaga to? balita ko kasi nasa London yun
"ikaw nga!" sabi niya tas inabutan niya ako ng kamay para tulungang tumayo, tinanggap ko naman ito, ng makatayo ako ay bigla niya akong yinakap 'siya nga akala ko nagmamalik mata lang ako, miss na miss ko na tong mokong na 'to!'
"bumalik ka na pala bakit hindi mo tinawag sakin or tinext man lang para updated ako" mahabang salaysay ko sabay bitaw ng yakap sa kanya kaya naman ay bumitaw din siya
"sorry na‚ tampo agad baby ko" natatawang sabi niya, tsk hindi parin nag babago mas lalo ko tuloy siyang namiss
"namiss kita, payakap pa nga" sabi ko tas yinakap ulit siya‚ hayst iba talaga pag may kaibigan kang tunay‚ kahit matagal na siya don sa London at kahit hindi niya pa ako nakikita ay hindi pa rin niya 'ko nakakalimutan
"sus gusto mo lang chumansing eh" mapang asar niyang sabi na nakangiting aso pa, tong si josh talaga mabatukan nga
"hanggang ngayon hindi ka parin nagbabago eh noh" sabi ko‚ siya ay bff ko ng nasa senior high pa kami syempre dahil hindi naman ako plastic na tao ay meron din akong naging kaibigan, meron pa si Zandie pero hindi ko alam kung san lupalup ng mundo yon nakarating‚ nung last time na nag video call kami ay sabi niya nasa Paris daw siya
"ganon talaga pag gwapo" Woaah.. muntik na akong tanggayin ng hangin buti nalang at naka hawak ako sa estante "btw bat anong ginagawa mo pala dito bat ikaw yung nag grogrocery tas bat ganyan itsura mo para kang manang?" curious na tanong niya
Tumawa ako ng mahina, at ipinakita ang singsing na suot ko sa daliri "kasal na ako hindi mo ba nabalitaan"sabi ko teka bakit pala andito to sa gantong lugar sa pagkakaalam ko hindi siya pumupunta sa mga public market kasi ayaw niya sa mataong lugar‚ naalala ko tuloy yung asawa ko ayaw niya din kasi sa mga gantong lugar‚ stink daw kasi
'kalalaking tao ang arte arte'
"Oo nga pala pero minsan mag ayos ayus ka naman nag mumukha ka nang pulubi eh tsaka sa hitsura mo na yan para ka ng may sampong anak" tawang tawang sabi niya hindi ko nalang siya pinansin‚ dahil napipikon na 'ko "wait, asan pala asawa mo bat mag isa ka lang?" dagdag na tanong niya
"umm, ah busy kasi siya ngayon kaya ako nalang magisa nag grocery" pagsisinungaling ko, pero san na kaya siya ngayon? Sino kayang kasama niya? bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot dahil sa naisip, gusto ko na kasi siyang makita
"ahh. . ganon ba?" sabi niya na ikinatango ko "siguro hindi ka sinamahan ng asawa dahil hindi ka nag aayos pfft" pabiro niyang sabi habang pinipigilan ang tawa, pinaningkitan ko naman siya ng mata dahil hindi na nakakatuwa agad naman ito tumigil
"tsk! bat ka pala napauwi tas bakit ka andito sa palengke akala ko ba ayaw mong pumunta sa mga gantong lugar?" tanong ko para maiba ang topic
"umuwi ako for business‚ tapos didiretso sana ako sa office ng makita kitang pumasok sa grocery na 'to‚ hindi ako sure pero bumaba ako para hanapin ka‚ luckily hindi ako nagkamali kasi nakita ko yung dating queen ng university noon na losyang na ngayon" sabi niya at tinawanan nanaman ako lakas ng trip‚ mababatukan ko talaga to eh
"oh talaga ba? Ikaw lagi mo nalang akong inaasar ah‚ pag ako napikon hindi na talaga kita papansinin" biro ko sa kanya
"oy wag namang ganon‚ sorry na 'di na kita aasarin bakit ka ba kasi nagkaganya I mean ibang iba kana mula noon siguro hindi marunong mag-alaga yung asawa mo or something?" patanong niyang sabi‚ siguro nacucurious ito dahil dati hindi ako ganto manimit
"dami mong sinasabi eh marunong yun mag alaga noh tska ang swerte ko kaya dahil sya yung napangasawa ko alam mo bang sobrang sweet niya tapos—
"blah blah blah when kaya?" pagputol niya sa sasabihin ko tumawa naman ako dahil sa sinabi niya
"Inggit ka noh‚ darating din yung tamang tao para sayo hintayin mo lang si Zandie yiie" mapangasar na sabi ko‚ alam ko kasing matagal ng may gusto tong si josh kay Zandie kaso hindi niya lang maamin‚ nasa dugo kasi nito ang pagiging torpe
"ano‚ yucks never" kunyare nasusuka niyang sabi natawa naman ako ng mahina dahil dito
"weeh‚ kunyare pa‚ magtapat ka na kasi malay mo ifriend zone ka niya diba?" sabi ko sabay tawa tumingin naman ito sa akin ng masama
"hoy ansama mo ah atsaka w-wala akong ipagtatapat sa kanya 'di ko naman yung gusto kaya manahimik kana kung ayaw mong isubsob kita sa basurahan!" naiinis na sabi niya tumigil na ko sa kakatawa baka totohanin niya pa nito ang sinabi
Nalala ko noon nung inaasar ko siya dahil sa pagiging torpe hanggang sa pikon na pikon na talaga siya tapos bigla bigla niya lang ba naman akong sinampal!
"btw may balita ka ba kung nasan si Zandie hindi din kasi yon nagpaparamdam?" tanong ko sa kanya‚ iniba nanaman yung topic haha.
"wala eh, pero wag kang mag alala paniguradong ok na ok yon, alam mo na rich kid 'yon eh" sabi niya btw si Zandie nga pala ay isa sa mga best friend ko nung senior, close kasi kami non as in very very close parang magkapatid kaya miss na miss ko na din yun. Sana umuwi din siya
"kumain ka na ba?" biglang tanong niya, hindi ako nakapag salita dahil hindi pako kumakain‚ tapos nagugutom na din ako "Alam ko yang hitsura na yan‚ naku wag ka ng mahiya‚ ako lang 'to tara treat ko" dagdag na sabi niya sabay hila sakin
"aba! aba! umaasenso tayo ngayon ah, first time in my whole life na ililibre ako ni si mr. damot alam mo ba yon" sabi ko‚ madamot kasi yan nong dati kaya minsan ako yung naglilibre sa kanya
Siya ang nagbayad sa mga kinuha ko, sabi ko ako na magbabayad kaso makulit talaga siya eh, kaya wala na akong nagawa
Lumabas kami at sumakay sa kanyang kotse. "Naks laki ng pinagbago mo, yaman ah" sabi ko napansin ko kasi kanina na ang kanyang sasakyan ay montero
"yeah, yeah watever" bored na sabi niya habang nagmamaneho, tumahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa isang restaurant
Ng makapasok kami sa ay umupo na kami sa bakanteng table at sinimulang mag order
Puro lang siya kwento sa mga nangyari sa kanya doon sa ibang bansa habang ako naman ay nakikinig lang sa kanya at tumatango tango grabe ang daldal niya talaga
Pagkatapos naming kumain ay yinaya niya akong pumunta sa isang arcade, as usual siya ang nagbayad ng kinain namin, treat niya eh.
"Nako Josh hindi ako pumupunta sa mga ganong lugar eh" palusot ko dahil kailangan ko ng umuwi, hindi naman sa ayaw ko siyang kasama kaso nag-aalala talaga ako kung baka nakauwi na ang aking asawa
"Ay ganun ba? Bakit? ang saya kaya maglaro sa arcade" sabi niya "sige na punta na tayo doon, ngayon lang kasi tayo nagkita ulit and I want to spend my time with you in this day" dagdag niyang sabi
"P-pero—
"Pls?" sabi niya at nagpakyut pa, I rolled my eyes "kyut ko noh?" dagdag niya pang tanong
"Kyut mukha mo" sabi ko "tara na nga" dagdag na sabi ko, ngumiti siya
"Tara" sabi niya at hinila niya ako, pumasok kami sa kanyang kotse at nagdrive sa pinaka malapit na mall "andito na tayo" masayang sabi niya at bumaba kaya bumaba na din ako
"Tara na!" excited na sabi niya at hinila nanaman niya ako, dinala niya ako sa kung saan dito sa mall sa third floor "ay dito na pala yun" sabi niya pa
At ayun nga naglaro kami dito sa arcade na sinasabi niya, habang tumatagal ay mas lalo akong nag eenjoy sa paglalaro, nakalimutan kona, na the clock is ticking
"Haha sige pag yang bolang 'yan ay hind, nashot sa rim, hmm ano?" tanong ko habang nagiisip ng kanyang consequences niya, malakas niya kasing pinisil ang mga pisngi ko kanina nung hindi ko naishoot ang bola sa rim, nag lalaro kasi kami ng basketball ngayon "ah alam ko na, sisipain ko ang betlog mo" biro ko, pero tumingin siya sa aking ng seryoso
"Hoy wag namang ganon" sabi niya
"O sige, pipisilin ko nalang ang ilonh mo hanggang ito ay namula, ano game?" tanong ko, tumango siya at akmang ibabato ang bola ng tumingin siya sa akin
"Okay game, pero paano kapag ito ay pumasok sa rim? ano ang gagawin ko sayo?" tanong niya habang nakatingin sa akin
"Wala" sagot ko
"Ang unfair mo ah, ayoko nga dapat meron" sabi niya "ganto nalang kapag ito ay nashoot sa rim, pipingutin ko din ang ilong mo hanggang mamula" sabi niya, tututol na sana ako ng ibato na niya ang bola
Pero ang kinalabasan nito ay tawis, hindi niya na ishoot ang bola, tumingin ako sa kanya tsaka ngumiti "yung deal natin" sabi ko, je gulp
"Ayoko nga!" sabi niya at tumakbo, hinabol ko siya, ang daya oh, hindi marunung tumupad sa pinag usapan
"Hoy josh bumalik ka dito ang daya!" sigaw ko habang hinahabol siya, humito siya sa isang rounded table, at ngayon ay nasa harapan ko siya at ang pumapagitna lang sa amin ay etong mesa.
"Tsaka mo mapipingot ang ilong ko kapag nalabol mo na ako, bleeh" sabi niya at bumelat pa, hayst nakakainis na
"Sige hindi kona pipingutin ang ilong mo basta umuwi na tayo, gabi na kaya" sabi ko sa kanya
Bumintong hininga siya "kahit kailan talaga kill joy ka pero sige na nga, baka hinahanap kana ng asawa mo" sabi niya at linapitan niya ako "tara na nga—
Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng malakas kong pinisil ang kanyang ilong
"Aah" hiyaw niya
"Hindi mo ako mauutakan" sabi ko at binitawan ang kanyang ilong dahil namumula na talaga ito
"Ang sakit, humanda ka!" sabi niya at tumingin sa akin ng masama, tumakbo ako palayo sa kanya habang tumatawa
Pero hindi pa ako nakakalayo ay nahuli na niya ako, ang bilis niya namang tumakbo!
"huli ka, ambagal mo kasi!" sabi niya habang hawak hawak ang aking kamay, pinitik niya ang aking noo "yan na ang ganti ko" sabi niya, napansin kong kokonti nalang ang mga tao, anong oras na ba.
Kinuha ko ang aking selpon at tinignan ang oras, napatanga ako ng makitang 7:24pm na pala
"Anong oras ba magcloclose ang mall na ito?" tanong ko sa kanya, tumingin siya sa kanyang relo
"Mga 11pm ata" sabi niya "ito atang mall na ito ang—
"oi Josh‚ kailangan ko nang umuwi" pagputol ko sa kanyang sasabihin hayst‚ gusto ko pa sanang makipag kwentuhan sa kanya kaso malilintikan talaga ako eh "gabi na kasi baka hinahanap na 'ko ng asawa ko‚ sorry next time ulit" dagdag ko at pinuntahan kung saan ko inilagay yung maliit kong nag kanina
"teka ba't para kang nagmamadali ka? Ah sorry dati kahit mga 10pm kapa umuuwi eh‚ pero sige naiintindihan ko naman kasi mukhang may asawa kang stricto pfft." natatawang sabi niya habang nakasunod sa akin "tara hatid na kita‚ madilim na sa labas‚ delikado" dagdag na sabi niya
"wag na. Kaya ko namang umuwing magisa" pagtanggi ko
"hatid na kita please. Gusto ko lang namang makasigurong nakauwi kang safe"
"alam kong nag-aalala ka Josh pero ayos lang ako‚ kaya ko sarili ko‚ sige na aalis na 'ko" pagpapaalam ko at nauna na sa kanya
"sandali Avi‚ anong sasakyan mo pauwi balita ko sa Green Valley kayo nakatira ang layo kaya don‚ tapos mapuno yung dadaanan don hindi kaba natatakot" sabi ni josh, naramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat kaya liningon ko siya kita kona sa mukha niyang alang alala na siya, tsaka ako matatakot dahil lang don? Well hindi ako matatakutin.
"magtataxi nalang ako"
"ba't kapa magtataxi kung andito naman ako‚ ihatid nalang kita baka tangayin kapa ng taxi eh" pabiro niya ng sabi “sige na pls." dagdag niyang sabi, hayst ano pa bang magagawa ko
"tara na nga" pagsuko ko, malilintikan talaga ako ngayon
Sabay kaming lumabas dito sa mall at sumakay sa kotse ng daldal na 'to habang nasa byahe kami hindi ako tumigil sa pagdadasal na sana hindi pa nakauwi yung asawa ko, ngayong araw lang kasi ako ginabi tsaka sana naman hindi siya magagalit pero I think malabong mangyari iyon
"relax ka lang, bat parang kanina kapa hindi mapakali hindi naman kita itatangay eh" sabi ni josh kaya napatawa ako ng konti
'hindi naman dahil don josh eh‚ natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sakin mamaya' sabi ko sa utak‚ acctually hindi alam nina Josh at Zandie ang mga nangyayari sa akin mula nung nasa senior pa kami dahil hindi ako nagkwekwento tungkol sa magulo kong buhay‚ sa tingin nila masayahin akong tao pero sa kaloob-looban ko kinikimkim ko lahat, hindi kasi ako nagshashare ng problema baka pa matawag akong dramatic
"pero seryoso talaga‚ ayos ka lang ba talaga sa kamay ng asawa may napapansin talaga akong kakaiba sayo eh?" seryosong tanong niya "wag kang magsisinungaling Avi" dagdag na sabi niya at palipat lipat ang tingin niya sa'kin at sa daan‚ di muna ako nakasagot dahil sa tanong nito
"oo ayos lang talaga ako‚ ano ka ba baka napaparanoid ka lang" sabi ko at tumawa ng peke 'nakapag salita na din' sabi ko sa utak "dyan na tayo oh" turo ko ng malapit na kami sa bahay ng asawa ko
Ihininto nito ang sasakyan sa harap ng gate at dumungaw "ang laki naman pala ng bahay niyo Avi 'di ako updated ah‚ sa bagay ang yaman kaya ni Mr. Stanillian" sabi nito
"ganon talaga" yon nalang ang nasabi ko at lumabas, binuksan ko ang pinto ng sasakyan sa back seat at kinuha ko ang mga pinamili ko kanina‚ pagkatapos kong inilabas ang mga to klinose ko ang pinto ng kotse
"thank you sa paghatid, sige pasok na 'ko‚ magiingat ka" pagpapaalam ko dito sabay kaway
"salamat avivyang, sa uulitin ulit‚ sige alis na 'ko" sabi nya at pinatakbo ang sasakyan paalis
Habang naglalakad hindi ko mapigilang kilabutan, ang bilis ng kabog ng dibdib ko kulang nalang lumabas na ang puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko‚ pano kung nakauwi na ang asawa ko?
Nakita kong patay ang ilaw tas wala yung kotse ng aking asawa sa pinagpaparkan niya kaya nawala ang aking kaba Pheww! "buti nalang" bulong ko 'mabuti nga talaga at wala pa siya'
Pumasok na ako sa loob ng bahay ng biglang umilaw ang buong mansyon dahilan ng pagka hulog ng mga dala ko
"sh*t"
. . . itutuloy