Chapter 11

2498 Words
*** Nagising ako dahil parang may nagsasalita sa labas ng pinto "Ma'am?" mahinang tanong nito "Ma'am Avi?" muling tanong nito at kumatok sa oras na ito ay nagsalita na ako "Bakit ho? Ano yon?" tanong ko "Eto po‚ kunin niyo po ito, alam ko pong hindi pa kayo kumakain mula nung dumating kayo dito" sabi nito sa labas "Ayos lang po ako dito, umalis na po kayo manong at baka makita kayo ng asawa ko at baka pareho tayong malalagot, salamat nalang po sa concern niyo" sagot ko "Umalis po siya, kunin niyo napo ito" sagot niya sa kabilang linya, nakita ko naman ang dalawang rebiscong ibinigay niya sa pamamagitan ng pagukit sa pinakababa ng pinto "Naku ayos lang— "Sige po kailangan ko ng bumalik sa pagbabatay baka makita pa po ako ni sir" sabi nito tsaka ako nakarinig ng mabilis na yabag papaalis Napabutong hininga ako atsaka kinuha ang ibinigay niyang rebisco minsan may mga tao talagang kahit hindi mo ito kadugo ay may malasakit sila sa kanilang kapwa at yun yung mga tunay na tao Wala na akong ibang makita dito sa silid na ito kundi pawang kadiliman, wala kasing bintana dito. Di ko din alam kung gabi na o umaga pa Ipinikit ko ang aking mga mata at sumandal sa pader. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakakulong sa silid na ito, nauuhaw na din ako pero san naman ako kukuha ng maiinom dito? Dahil sa pagiisip hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. SOMEONE POV Halos isang araw ng nakakakulong ang dalaga sa stuck room, magdamag itong natutulog sa malamig na samiento, walang pagkain at inumin ang ipinapadala sa kanya ng kanyang asawa Sa kabilang banda ay naroon ang kanyang asawa sa sarili nitong kompanya "your fired stupid b***h!" sigaw nito sa kanyang secretary sa kadahilanang hindi nito nasunod ang tamang flavor ng wine na pinapabili nito sa kanya kanina "Get out!" Muling sigaw nito Nanginig naman sa takot ang babae at lumakad palabas ng kanyang opisina. Kinuha ni Mr. Stanillian ang kanyang telepono at dinial ang contacr number ng kanyang kaibigan na doctor at siya din nagmamanage sa ilang branch ng kanyang companya "Get me a new secretary now!" Pasigaw na utos nito ng sagutin ng kanyang kaibigan ang kanyang tawag "Relax ka lang diyan boss" turan ng kanyang kaibigan sa kabilang linya "ano bang gusto mong secretary bossing ang dami ko ng ipinadalang secretary diyan pero lahat pinalayas mo" dadag na turan ng kanyang kaibigan "Just shut up and get me a new brilliant secretary, don't you dare to bring a clumsy, flirty like does shits na ipinadala mo nung nakaraan, got it?" Malamig na sagot nito "Yeah right, makakaasa ka sa kagwapuhan ko" sagot ng kanyang kaibigan "Idiot, magpadala ka ng bagong secretarya ngayon, secretarya matino at matalino hindi yung mga putang inang puro paganda tapos mga bobo pa! Naiintindihan mo!?" Sigaw niya ulit sa kanyang kaibigan "Your new secretary is now inside of the building, kalma ka lang" sabi ng kanyang kaibigan, pinatay naman nito ang kanyang telepono at tinawagan ang isang tauhan sa kanyang mansyon "H-hello— "Is she still alive?" malamig na tanong nito sa kanyang tauhan na ngayon ay kinakabahan habang kausap ang kanyang amo sa telepono "O-opo" "Great then,Take her out of the stuck room, never give her goods until she finishes cleaning the whole mansion, understand?" Muling tanong niya sa kanyang tauhan, agad namang sumangayon ang mga ito at binuksan ang pinto ng stuck room, kasabay non ay ang pagbaba ni Mr. Stanillian sa kanyang telepono AVI SEPHERD POV Nagising ako dahil sa ingay ng pagbukas ng pinto na dahilan para lumiwanag ng konti dito sa loob ng silid, bumungad sa akin ang mukha ni Sophia na ngiting ngiti "Get up there and here" sabi nito at ibinigay sa akin ang walis tambo, bumuntong hininga ako dahil alam kong maglilinis nanaman ako bago gawin ang mga gusto ko, dyablo talaga tong babaeng to! Grr. Tatayo na sana ako ng bigla akong mahilo kaya napahawak ako sa dingding para hindi tuluyang matumba "Oh? Ano pa bang inaarte arte mo ha? Bilis na at linisin mo ang buong bahay b***h" sabi nito na hindi ko nalang pinansin, wasting time lang ang kausapin ang isang katulad niya 'Shocks ba't ganto parang ang bigat ng ulo ko' sabi ko sa aking sarili, ng mawala na ang hilo ko ay linagpasan ko si Sophia, narinig ko naman ang tunog ng heels nito na parang sinusundan ako "Hey b***h, gumawa ka nga muna ng milktea tapos ipunta mo sa kwarto namin ni Silver" sabi nito habang nasa likod ko, lumingon ako sa kanya ng walang emosyon "Edi gumawa ka ng sayo, ikaw naman ang iinom non tsaka may kamay ka naman diba?" sagot ko sa kanya, as far as I remember hindi ko siya obligasyon isa pa sino ba siya para utusan ako? Hindi siya ang nagpapalamon sa akin Tumaas ang kanyang kilay pero tinalikuran ko nalang ito, kung maiinis siya edi sige! Sana naman ikakamatay niya iyon, masama na kung masama wala akong pake ang sakit ng ulo ko ngayon! "You were going to fallow what I'd say! Understand that f*cker!?" sigaw nito sa likod ko na hindi ko naman pinansin at tuloy lang ang paglalakad Ng makarating ako sa kusina ay kinuha ko ang punas at binasa ito, naglagay ako ng zonrox at sabon sa maliit na basin na may lamang tubig tsaka inilagay yung punas bago ito piniga at pinunas sa table. Kumikirot ang ulo ko ngunit tuloy lang ako sa paglilinis, nakita kong sumunod sa akin dito sa kusina si Sophia, kumuha ito ng juice sa fridge, tumalikod nalang ako sa kanya para linisin ang lababo "linisin mo yan ha" rinig kong sabi niya pero hindi ulit siya pinansin, narinig ko ang pagtsk niya bago ko marinig ang tunog ng heels niya palabas, lumingon ako at doon ko nakita ang mantika na nakakalat sa table na pinunasan ko kanina, pati sa carpet meron din "s**t ka Sophia mamatay kana sana!" malakas na sigaw ko dahil sa inis. Pagkatapos ko dito sa lababo ay lininisan ko ulit ang table at nagpunas ng mga plato, nagwalis na din ako at nagmop. Pagkatapos ko sa kusina ay sumunod sa living room, naabutan ko naman doon si Sophia na nanonood ng netflix. Pumunta ako sa harap niya at pinunasan ang mini table, kaya alam kong nahaharangan ko ang kanyang pinapanood "get out there b***h!" sigaw niya, pero tuloy lang ako sa ginagawa ko, pake ko ba sa kanya? Ng matapos ako ay tinignan ko siya na ngayon ay galit na galit habang nakatingin sa akin "Sorry" sabi ko "kala ko kasi multo ang nakaupo diyan kanina, ikaw pala. Mukha ka kasing multo nakapagkamalan ka tuloy" dagdag na sabi ko, mas lalo itong nagalit at tumayo habang ako naman parang walang pakeng nakatingin sa kanya "I'm so pissed off you! Nakakinis ka talaga Aviva Argh!!" sigaw nito "I asure you, papalayasin ka ni Silver dito bukas na bukas din!" sigaw nito ng puno ng inis at nagmartsa paalis sa harap ko, ako pa ngayon ang mapapalayas, nakakalimutan ata nun na ako yung tunay na asawa. Pinatay ko nalang ang tv at tinuloy ang paglilinis. __ Pagod na pagod akong humilata sa aking maliit na kama ng sa wakas ay natapos na din ako sa paglilinis. Hindi kona lininisan ang ibang kwarto kasi wala din lang namang nagkakwarto dun eh. Gutom na gutom na ako pero hindi pa ako nakapaglinis ng katawan. Pumasok ako sa banyo at naligo after 5 minutes na tapos ako kayanagsuot ako ng oversized s**t tsaka short tsaka lumabas. Dumiretso ako sa kusina tsaka tinignan kung may ulam at kanin, napabuntong hininga nalang ako nung makitang walang ulam. "Wala talagang silbi si Sophia dito sa bahay tsk puro kasi paganda di alam magluto" sabi ko sa aking sarili Kumuha ako ng cereals tapos inilagay sa bowl tsaka linagyan ng gatas. Pagkatapos kong kumain ay tatayo na sana ako ng biglang sumakit ang aking tyan kaya umupo muna ako saglit. Ganto kasi talaga kapag sobrang gutom ka tapos bigla kakain ng madami Ng medyo humupa na ang sakit ay tumayo ako tsaka hinugasan ang aking pinagkainan, napagdesisyunan kong pumunta sa hardin para magdilig ng bulaklak. Kumikirot pa din ang ulo ko kaso hindi naman pwedeng matulog lang ako kasi mas lalo itong lalala. Lumabas ako at kinuha ang host tsaka diniligan ang mga bulaklak. Dating gawi lang. Hays siguro kapag namatay na ang mga ito ay wala na akong kasamang maganda dito sa bahay haha. Si Sophia kasi maganda din naman kaso maitim ang kanyang budhi! Nakakainis sarap ingudngod sa lupa Habang nagdidilig nakarinig ako ng engine ng sasakyan, narinig ko ito sa basement kaya binilisan ko ang pagdilig ng bulaklak tsaka mabilis na tumungo sa basement, baka si Silver na iyon, pero bakit ang aga niya atang umuwi? Isang araw ko pala siyang hindi nakikita kaso feeling ko one week na "Cole!" tawag ko sa kanyang pangalan ng makita ko itong papasok sa bahay, lumingon siya sa gawi ko, walang emosyon ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin Lumapit ako sa kanya at akmang yayakapin ko siya ng pigilan niya ako "here, take the medicine and take a nap" sabi niya at ibinigay ang isang maliit na shopping bag. Tinalikuran niya ako at pumasok sa bahay, sinudan ko naman siya kaso pagpasok ko sa bahay ay sinalubong siya ni Sophia "Babe, why are you here so soon" sabi ni Sophia at hinalikan ang aking asawa sa lips "Let's do it on my bed babe" sabi ni Silver tsaka hinawakan ang bewang ni Sophia, naglakad sila pataas kaya napabuntong hininga nalang ako at tinungo ang aking kwarto "When din kaya ako tatawagin ng babaerong yung ng kahit anong call sign?" sabi ko sa aking sarili at binuksan ang ibinigay ni Cole na shopping bag Nakitang kong may laman itong mga gamot at kool fever? Seriously hindi ako bata para magkool fever noh, nagkibit balikat nalang ako tsaka binuksan ko ito at iniligay sa aking forehead sabay natulog, bukas tanggal na 'to. Di ko na kailangang uminom ng gamot gamot na 'yan __ Nagising ako dahil nakaramdam ako ng uhaw tsaka naiihi na din ako. Lumabas ako ng aking silid at pumunta sa kusina, uminom muna ako ng tubig bago pumasok sa cr dito sa kusina, wala kasi sariling banyo ang kwarto ko kaya dito ako nagccr at the same time naliligo Ng matapos ako ay napagpasyahan kong pumunta sa library sa third floor lang iyon para maghanap ng iba ding babasahin yung lima kasi na kinuha ko noon ay natapos ko ng basahin Pagpasok ko sa library ay nakita ko si Cole na nakaupo sa bintana habang nagbabasa ng libro. Anong ginagawa niya? I mean bakit siya nandito dati naman kasi hindi dito ang tambayan niya kun 'di sa kanyang office room Dahan dahan akong lumapit sa kanya "C-Cole" utal na sabi ko, shocks ba't ba ako nauutal, hindi niya ako pinansin at tuloy lang sa pagbabasa "ba't ka ba diyan nakaupo, meron namang table dun oh tsaka di ka ba natatakot baka mahulog ka tapos ang taas pa naman" sabi ko, this time nilingon niya ako "What do you need?" tanong niya habang walang emosyon sa kanyang mga mata parang dati lang, lagi naman kasing walang emosyon ang kanyang mukha, palaging naka poker face nasa dugo niya na ata yun "W-wala, pumunta lang sana ako dito para maghanap ng librong babasahin tapos nakita kita" sabi ko, binalik niya ang kanyang atensyon sa libro, tsk di ako kinibo, makapaghanap nga ng ibang babasahin Akmang aalis ako ng magsalita siya "how's your feeling? Does the meds are helpful?" tanong niya kaya liningon ko ulit ito, nakita kong nakatutok pa din siya sa libro "Medyo gumaan na ang pakiramdam ko, salamat nga pala sa ibinigay mo" sabi ko "pero teka lang paano mo nalaman na masakit ulo ko?" dagdag na sabi ko at hinihintay ang kanyang sagot "I just knew it, now leave me alone I need space" sabi niya, sumungit na oh, minsan talaga paiba-iba ang kanyang mood "Okay" sabi ko at tinalikuran siya, naghanap muna ako ng libro bago lisanin ang library sabi kasi ni Cole he needs space daw __ Three weeks na ang nakalipas ng matapos ang pagkakulong sa akin ni Silver sa stuck room, hindi ko na din alam kung ano ang kalagayan ng pamilya ko ngayon dahil hindi nila sinasagot yung mga tawag ko tapos hindi pa ako makalabas dahil sobrang higpit ni Silver sa akin, at eto nanaman feeling ko nasususka ako dahil sa hindi mapaliwanag na amoy na nanggaling sa kitchen kaya dali dali akong pumasok sa banyo at sumuka‚ kinuha ko nalang ang balat ng kalamasi na pinagbalatan ko kanina at tinakip sa ilong ko. Kumakain kasi ako ng kalamansi kanina kasi ewan ko bigla nalang ako nagcracrave sa mga maasim Maya maya ay napagpasyahan kong tawagan si Zandie kahit tinatamad pa ako, wala din akong ideya kung bakit sobrang tamad ko these past few weeks "hallo sissy! kumusta? Napatawag ka?" tanong niya sa kabilang linya "Zan pwede kabang pumunta dito, kuha ka ng ice cream at mangga with aramang" sabi ko dahil kagabi ko pa ako natatakam sa mga yun‚ ewan ko ba kung bakit biglaan‚ wala talaga akong ideya. "teka sis, bakit parang ang tamlay mo ata?" may pag aalala na tanong nito sa kabilang linya "masakit ulo ko sis" maikling sabi ko‚ ewan ko nga din kung bakit biglaan akong nagkasakit eh andito lang naman ako sa bahay‚ hindi naman ako naarawan‚ hindi din naulanan hindi rin sobrang napapagod "sige Avivyang hintayin mo ako daan muna ako sa palengke bago pumunta diyan" sabi niya sa kabilang linya‚ yes buti nalang hindi siya busy buti nalang pumayag siya! "sige maraming salamat Zanzab huh, lagi kang magiingat, byee" sabi ko buti nalang lagi siyang nandyan‚ kung si Cole ang pabibilihin ko nun ay baka masampal niya pa ako dahil sa pag-uutos ko sa kanya sabay sabing 'how dare you to command me' tsk sobrang mainitin talaga ang ulo nun kala mo naman araw araw may regla "yeah right btw bakit parang biglaan ka namang nag cracrave sa mga yon? Hindi ka ba buntis?" takang tanong nito‚ ha? hindi naman ata‚ gusto lang kumain ng mangga buntis na agad? Tumawa ako "haha hindi ako buntis sis‚ ano ka ba‚ sige na muna matulog na muna ako‚ salamat ulit" sabi ko at inend ang call dahil tinatamad talaga ako ngayon Maya maya mukhang nawala ang mabahong amoy kanina kaya napag pasyahan kong lumabas sa aking kwarto dahil nakaramdam ako ng uhaw Binuksan ko ang ref at nakitang isang mineral lang ang natira akmang aabutin ko ito ng may kumuha dito "nauna ako, akin yan" naiinis na sabi ko‚ hay ano ba naman kahit saan nalang ako pumunta laging andyan si Sophia . . .itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD