***
Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock‚ kaya bumangon na ako mula sa kinahihigaan ko para gawin ang aking morning routine nag ayos ako ng sarili at bumaba para makapag saing‚ sabi kasi ni Silver kagabi magprefer daw ako ng foods baka ngayon siya uuwi‚ ngayong umaga
Pumunta ako sa Kitchen at sinimulang magtrabaho. An hour later tapos na ako sa ginagawa ko and I made five dishes
Breakfast Burrito
Bacon and Egg
pancakes muffin syrup
Quiche
Fruit smoothie
Pagkatapos kong I prepare sa dining nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya napalingon ako sa mga ito‚ nakita ko si Cole... at si Sophia ang sweet nilang tignan nakahawak ang kamay ni silver sa bewang ni Sophia habang nag lalakad papalapit sa kinatatayuan ko‚ feeling ko unti unting napupunit ang puso ko habang papalapit sila ng papalapit sa akin, sino ba naman ang hindi masasaktan kapag nakita ang iyong minamahal na may kasamang iba? tunay nga na ang ganda ni Sophia kaya pala all these years ay siya pa rin ang laman ng puso ng asawa ko
Meron siyang matangos na ilong, makinis, sakto lng ang puti, maganda katawan, kissable lips, maganda, perfect face shape at matangkad. Almost perfect nanga eh kaya pagnagsama sila ni Silver ay makikita mong bagay talaga sila hayst nakaramdam tuloy ako ng selos at inggit. Alam kong sila naman talaga ang tunay na nagmamahalan at ako? Ako lang ang kontrabida sa kanilang buhay, ako ang humahadlang sa kanilang pag-iibigan. Hinihintay ko nalang talaga na mawala na ang aking nararamdaman kay Cole pero sa tingin ko malabong mangyari iyon. Hayst bakit ba kasi lumaki akong selfish!? sa totoo lang pati ako naiinis na sa sarili ko
“oh, you must be umm.. Aviva the pitiful?” sarcastic na tanong ni Sophia ng makalapit sila sa kinatatayuan ko‚ tumango nalang ako bilang sagot‚ tinatamad pa akong makipag away, tsaka ayokong awayin siya dahil sa huli ay alam kong, ako nanaman ang may kasalanan sa mata ng aking asawa
“handa na yung pagkain, excuse me may gagawin pa ako” sabi ko sabay talikod sa kanila‚ siguro pupunta muna ako sa aking kwarto, lilibangin ang sarili. Pfft, pathetic Avi
“I'm not done yet!” inis na sigaw nito sa akin kaya napahinto ako at humarap sa kanya, sa ngayon makikita na talaga ang inis sa mukha ni Sophia
“just let that slut go honey, she only ruining our day” sabat ng aking asawa habang walang emosyong nakatingin sa akin
“fine” pagsuko ni Sophia paalis na sana ako ng magsalita si Cole kaya napahinto nanaman ako
“hey slut! go fix Sophia's things in my room now” Tinanguan ko lang ito at hindi na ako nagcomplain pa tsaka tumungo paputa sa kwarto ni Cole. Pagbukas ko ng pinto andito na pala ang gamit in Sophia 'nakakainis bakit ba kailangan pa nilang mag share ng room eh ang dami namang bakanteng kwarto‚ parang sila tuloy ang magasawa ngayon’ sabi ko sa isip‚ napahawak ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko ay kumikirot ito, hayst pag may tumulong luha sa mga mata ko, pupunitin ko ang mga damit ng bruhang Sophia na iyon, charot.
napabuntong hininga ako at tinuloy ang pag aayos habang pinipigilang wag maiyak, dami ko ng luha sa pamamahay na ito pero kasalanan ko di lang naman
Pagkatapos kong ayusin pumunta ako sa maid’s room sa kwarto ko‚ dito ako nagkwakwarto mula pa nung dumating ako sa pamamahay ni Cole. Ok lang naman hindi masikip, hindi malawak sakto lang. Matagal na ding pinaalis ni Silver ang mga dati niyang maid dahil meron na daw ako at para may pakinabang naman daw ako dito kaylangan kong gawin ang paglilinis, paglalaba, pagluluto, at iba pa. Yung 16 rooms ay walang laman nagagamit lang ito kapag magoovernight dito ang mga kaibigan ni Cole
Haysst.. ang boring naman dito, ayoko namang lumabas dahil ayoko silang makitang naghaharutan kasi hanggang dito ay rinig na rinig ko ang tawanan at lambingan ng dalawa‚ aaminin kong nagseselos na 'ko, bakit ba kasi lumipat dito si Sophia?
Ngumiti ako ng mapait ‘Makatulog nanga, sana pagising ko wala na yung sakit, sana bukas ay naglaho na din ang pag-ibig ko kay Silver dahil ang sakit sakit na’ sabi ko sa isip then I close my eyes ramdam ko ang isang butil ng luha ang kumalas sa aking mata then everything went black.
__
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom at uhaw binuksan ko ang selpon ko para tignan kung anong oras at 3pm na pala. Inayos ko ang kama ko pati na rin ang sarili ko at nag lakad papunta sa kitchen
“bat parang walang tao?” tanong ko sa sarili‚ sabay bukas ng ref nakita ko ang pancake na niluto ko kaninang umaga hindi nagalaw psh, sinayang nila ang effort ko
Pagkatapos kong kumain pumunta ako sa library para maghanap ng pwede kong basahin para kahit ilang minuto lang ay makalimutan ko ang aking pinagdadaanan kinuha ko ang limang books na nagustuhan at pinunta sa room ko, mahal ko talaga kasi yung pagbabasa dahil maari ka nitong dalhin sa magagandang lugar
Habang nag babasa nag ring ang selpon ko, kinuha ko naman ito at sinagot ‘unknown’
“hello po, sino po to?” sagot ko‚ madalang kasing may tumawag sa selpon ko si daddy naman hindi na ito tumatawag dahil busy sa trabaho at ang alam niya ay maayos lang ako sa mansyon ni Cole
“Avivyangg..!” sigaw ng tumawag dahil sa excitement‚ bakit parang pamilyar yung tili na 'yon‚ hindi ako nagkakamaling kay Zandie 'yon eh! Waah? Totoo ba to!?
“sis ikaw ba iyan?” tanong ko “whaaaa! ikaw nga!” tumili ako dahil sa tuwa‚ nakauwi na pala siya? Kailan pa? “omg kailan kapa nakabalik?” dagdag na tanong ko dito sa kanya
“yes I am‚ I miss you so much‚ kahapon lang ako nakabalik‚ how are you sissy?” tanong niya sa kabilang linya‚ omg 'di ako makapaniwalang nagbalik na siya after 2 years my gosh gusto ko na siyang mayakap at makita‚ miss na miss ko na tong si Zan na iniwan ako
“o-ok lang, ikaw sissi kumusta na?” tanong ko “asan ka nga pala ngayon?” dagdag na tanong ko sa kanya
“I'm fine too, and I’m here at my mom's mansion” sagot niya “grabe ang init talaga dito sa pilipinas kahit may aircon naman ang init-init pa rin!” compalin nito natawa naman ako ‘hayst hindi pa din nagbabago, maarte pa din HAHAHAH’
“hahaha masanay kana‚ ganon talaga dito sa pilipinas mainit, wait sis pano mo pala nakuha number ko?" takang tanong ko, siguro ibinigay ni Josh
“oh I went in your house this morning to surprise you but unluckily your stepmom said that your not in there so I just ask your number and leave” explain nya “grabe ang taray ng stepmom mo ha sinungitan ba naman ako‚ tsk gusto ko tuloy kalbuhin kaso naisip ko wag na‚ sayang naman yung perfect manicured na nails ko!” sabi nito sa kabilang linya, natawa naman ako ng bahagyan
“HAHAHAHHA sorry ha ganon talaga si mommy pagpasensyahan mona” sabi ko dito habang tumatawa ka din ng mahina
“pagpasensyahan ayoko nga‚ 'di ako ikaw noh‚ biruin mo wala akong ginagawa tapos susungitan ako‚ syempre tinarayan ko din‚ sino ba siya” sabi nito sa kabilang linya napailing nalang ako dahil sa pagka maattitude ng kababalik lang na si Zandie
“'di ka pa din nagbabago zanzan‚ ikaw pa din yung bestfriend ko nung high school pa” sabi ko
“yeah‚ ako pa rin to yung palaban btw tell me where the f*ck are you?” patanong na bulyaw niya kaya medyo nilayo ko ng konti ang selpon mula sa tainga ko‚ mahirap na baka masira pa eardrum ko.
“ah nasa bahay ako ng asawa ko”
“whaaattt!?" Zandie yelled with a shock tone‚ siguro hindi pa rin siya updated nawalan kasi kami ng connection nung pumunta siya sa ibang bansa para sa kanyang career‚ na ngayon ay alam kong naachive niya na ngayon‚ napabuntong hininga nalang ako sana all nalang, how about me naman hanggang mamatay ata ako ay hindi ko pa nakuha ang gusto ko, walang iba kung di si Cole, okay nakuha ko naman siya ngayon, ngunit hindi ang puso niya
“nung umalis ka—
naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya sa kabilang linya
“okay para mas malinaw, we should meet and tell me what the hell is happened” sabi niya, she still shouting! "Tsaka gusto na kaya kitang makita" dagdag niya pang sabi
“ahmm hindi kasi ako pwede ngayon eh” sabi ko dahil pinagbawalan na 'ko ni Cole na lumabas ng bahay mula nong nagabihan ako, baka kasi manlalaki nanaman daw ako o di kaya ay makipagkita kay Josh, tsk sira talaga yung utak non para isiping lalakero ako “monthsary kasi naman ni Cole ngayon” I lied para hindi siya magtaka
“wait cole? ano ulit pangalan ng asawa mo?” tanong nito habang may pagtataka sa kanyang boses
“bakit” takang tanong ko
“just say it” sabi niya
“Cole” maikling sabi ko
“complete name Avivyang” sabi nito bakit niya ba gustong malaman yung pangalan ng asawa ko‚ wala naman siguro siyang balak na agawin si Cole sa akin diba? Hay nako may mind set talaga akong bulok
“Silver Cole Stanillian bakit?” takang tanong ko sa kanya
“did you mean Mr. Stanillian yung may ari ng nangungunang network dito sa buong pilipinas? omg siya ba sis ang yaman naman non tapos ang pogi kyaahh” tili nito sa kabilang linya nilayo ko nanaman ng konti yung selpon ko sa tainga ko‚ ayoko talagang mabingi
“ewan ko basta yun yung pangalan ng asawa ko” sabi ko naman diko alam kung si Cole ba yung tinutukoy ni Zanzan‚ diko kasi alam kung ano yung business niya haha parang 'di ako yung asawa
“hindi kaya nagsisinungaling ka lang? or imahinasyon mo lang sigurong asawa mo si Mr. Stanillian?” takang tanong nito “pero kilala kita at alam kong dika sinungaling pero totoo ba talaga!?” 'di makapaniwalang tanong na bulyaw niya sa kabilang linya
“oo nga‚ ang ingay ingay mo naman zanzan pagpumutok tong eardrum ko sa kabila kong tainga eh ikaw may kasalanan” sabi ko na nagpatawa sa kanya
“sorry di pa din kasi nagsisink sa utak ko yung inupdated mo ngayon eh like how? Pano yun nangyari balita ko may jowa kasi yun nung umalis ako dito sa Pilipinas‚ tapos ngayon asawa mona siya ngayon? How come?” tanong nito
“mahabang kwento sissy”
“sige pag nagkita nalang tayo tsaka mo ikwekwento gosh sis gusto na kitang makita” sabi nito ako din kaya sis “btw are you free tomorrow?” tanong nito sa kabilang linya‚ napapikit nalang ako dahil bawal talaga akong lumabas tapos malilintikan nanaman ako kapag sinuway ko si Silver, tsaka ayokong mangyari yon
‘what if magpaalam nalang kaya ako?’ tanong ko sa isip ko ‘alam mo na yung sagot diyan Avi for sure hindi ka papayagan’ sagot ko sa sarili kong tanong at bumuntong hininga
“sorry sis pero hindi eh, may aasikasuhin kasi ako bukas” pagsisisnungaling ko
“ow okay so next week nalang wala ng complacomplain ha?” sabi niya
“p-pero sis”
“bakit parang nahahalata kong ayaw mokong makita?” pagtatampo nito, naipikit ko ng mariin ang aking mga mata
“hindi naman sa ganon zanzan kaso ano kasi eh”
“ano? nawala yung pagmamahal mo sakin nung nagka asawa kana‚ wala na ba kong puwang sa puso mo kahit konti man lang” sabi niya my gosh‚ ang oa naman neto
“ok sige sis kita tayo next week haha baka mamaya nyan hindi mo 'ko papansinin forever” natatawang sabi ko
“luh sobra naman yung forever sis diko kayang dika pansinin ng ganon ka tagal noh” sabi niya haha sanaol nalang salamat dahil andito na si Zandie‚ hindi ko na mararamdamang nagiisa lang ako dito sa mundong puno ng pighati
“sanaol”
“anong sanaol‚ sige muna sis may aasikasuhin pa ako mamaya pahinga lang ako” paalam niya sa kabilang linya
“ok sis see yah bye love you” sabi ko
“sige sis love you more‚ ket nasa bahay ka magiingat ka pa din” pagkasabi niya non inend niya na yung call
Inilapag ko ang selpon sa gilid ng kama at tinuloy ang pagbabasa. Natapos ang araw na nagbasa lang ako ng libro, nagsaing na din ako kanina baka umuwi si Cole mamaya tapos walang pagkain eh pagod pa naman yun sa trabaho
"Kaumay gabi nanaman" sabi ko sa aking sarili, wala nalang talaga akong ibang makakausap dito kundi ang sarili ko.
Nag echo sa buong mansyon ang pagbukas ng pinto kaya lumabas ako sa aking silid dahil baka si Silver na iyon. Nakauwi na ang aking asawa, mabuti naman at diretso siyang umuwi ngayon, nung nakaraang araw kasi madalang lang siya andito sa bahay
Nakita ko siyang isinara ang pinto ng main door, bakit hindi niya kasama si Sophia ngayon? Pero mas mabuti pa iyon kaysa makita nanaman silang magkasama tapos ayokong makita si Sophia na nakakapit nanaman sa braso ng asawa ko na parang linta, sarap buhusan ng asin!
"H-hi, good evening" bati ko sa kanya ih nahihiya ako, hindi kasi kami close, oo all these year hindi pa kami close ng asawa ko sa papel
Malamig niya lang akong tinignan at linagpasan "teka" sabi ko na nagpahinto sa kanya
"What?" medyo mariin niyang tanong, gosh yung boses niya na yon nakakatindig balahibo, ano bang sasabihin ko?
w-wala" sabi ko dahil nasasabog nanaman ako, gusto ko lang naman siyang kausapin kaso wala akong alam na topic, tsaka gusto ko lang na marinig ang kanyang boses, yung boses niya na nagpapabaliw sa akin?
"What a foolish" rinig kong sabi niya at umakyat sa hagdan "go prepare for food stupid" sabi niya at tuluyan ng naglakad paakyat, tapos na kaya ako sa pagluluto
Pumunta nalang ako sa sa kusina at pinainit yung ulam na linuto ko kanina na adobong karne, tsaka yung tinola, prinepare ko na sa dinning table pagkatapos non ay napagdesisyunan ko ng tawagan si Silver
Aakyat na sana ako kaso may biglang may nag doorbell, sino naman kaya yon, gabi na ah, nag iba ako ng direksyon at nagtungo sa labas, habang naglalakad ako palapit sa gate ay may namataan akong babae na nakatayo don sa likod nito ay ang kanyang kotse, hindi siya pamilyar sa akin, maganda siya, sexy at anong ginagawa niya dito sa dis oras ng gabi?
"Bilisan mo ngang yaya, buksan mo ito!" sigaw niya, what did she call me? yaya? p*tang ina ba siya?
"sino ka? anong ginagawa mo dito?" taas kilay kong tanong, inis siyang tumingin sa akin, hindi ko pa kasi binubuksan yung gate
"I'm your boss girlfriend kaya kung ako sa papasukin mo na ako, kung ayaw mong isumbong kita sa amo" masungit na sabi niya, well girlfriend ka lang, asawa niya ako, pfft. asawang ikinakahiya niya
"pasensya na po, sabi ni Sir sa akin kanina huwag daw akong magpapasok ng kahit sino, nagpapahinga kasi siya ngayon" pagsisinungaling ko at iniwan siya
"hey you nanny, come back here, buksan mo ito!" inis na sigaw ng babae sa akin ngunit hindi ko ito pinansin at tuloy na naglakad hanggang sa makarating ako sa harap ng main door, binuksan ko ito at bumungad sa akong ang malamig na tingin ng aking asawa
. . . itutuloy