***
“Sorry sis sana maintindihan mo ako” bulong ko cause I made up my mind
It's already 7:00pm kaya nagpagdesisyonan kong tawagan si Mr. Stanillian, 2 hours pa bago malagpasan ang 5 hours na sinasabi niya, hayst iba talaga kapag madaming pera noh, lahat ng gusto ay makukuha
"Hello, nakapag desisyon na ako"
"Great, now where?" tanong niya sa kabilang linya na parang alam niya na ang aking desisyon
"S-sa Australia siya pumunta" sabi ko‚ bumuntong hininga ako, I'm very sorry talaga kay Avi pero siguro naman ay maiintindihan niya
"Where in Australia she is?" Tanong niya ulit, sa totoo lang hindi ko alam kasi hindi niya pa nababanggit
"I don't know" maikling sabi ko
"That's Impossible Ms. Williams, reveal it, sabihin mo lahat ng nalalaman mo, I'm commanding you" malamig na sabi nito sa kabilang linya
Bumuntong hininga ako "I witness she's in the center city of Australia, in Canberra" sagot ko
“tsk‚ sasabihin naman pala dami pang arte” sabi nito sa kabilang linya at pinatay yung tawag
AVIVA SEPHERD POV
Nakakapagod palang maghanap ng trabaho dito. Kung saan saan na ako nag aapply pero wala paring nag hihire sa'kin huhunes talaga oh
Humiga ako sa aking kama at kinuha ang selpon ko at nag-online para kumustahin si Zan Hayst.. Miss na miss ko na siya clinick ko yung messenger para ivc sana siya ng mabasa ko ang chat ni daddy “nasaan ka anak hinahanap ka ng asawa mo” sabi nito‚ napangiti ako siguro hinahanap niya ako dahil sa malaking perang kinuha ko sa kanya haha
“wala na akong asawa daddy nag file ako ng divorce sa kanya last 4 days ago” reply ko
"mas mabuting umuwi kana anak hinahanap ka niya kung saan saan" replay niya ‘hayst.. Kung alam mo lang ang ginawa sa'kin ng Silver na 'yon’
Seenin ko nalang ang chat ni dad at nag log out. Mas mabuting umalis na ako sa kinaroroonan ko ngayon mahirap na baka matunton ako‚ alam pa naman nina Zanzan kung nasaan ako baka pilitin siyang pagsalitain ni Silver. At kilala ko si Cole gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya. Maganda na ang buhay ko ngayon hindi ako papayag na magulo o maging miserable nanaman ito, ayoko na ng ganong buhay. Siguro pupunta nalang ako sa ibang lugar kung saan walang nakakaalam kung nasan ako.
Bukas na bukas kukuha ako ng passport, tsaka aasikasuhin lahat ng papeles na required para makaflight ako paputang U.S napabuntong hininga ako dahil it take's a week pa bago maayos ang laha. Pero hindi naman nila ako mahahanap agad eh sa laki ba naman ng Australia‚ ako nga hindi ko alam kung saang parte ng Australia ako ngayon eh. Ni si Zan hindi din alam kung nasan ako.
Tsaka isa pa huhunez talaga paano ako makakakuha ng passport eh hindi ko alam ang pasikot sikot dito!? Baka maligaw pa ako eh. Siguro mag tatanong nalang ako
Charot basta ang alam ko lang ay nasa Canberra ako which is center city daw ito ng Australia sabi naman ng neighbor ko na napagtanongan ko kahapon.
Pinikit ko nalang ang aking mga mata at natulog ulit. Wala kasi akong trabaho eh
Matutulog na sana ako ng may biglang may nag door bell kaya pumunta ako sa harap ng pinto at sinilip kung sino ito sa pamamagitan ng peephole. Nakita ko don ang isang delivery guy na may hawak hawak na box
Nakalimutan ko may inorder pala akong pizza. Binuksan ko ang pinto “here is your order ma'am” sabi nito at nilahad sa'kin ang pizza, bigla naman akong natakam haha like omg hawaiian paburito kong flavor!
Ngumiti ako “thanks” maikling
sabi ko
“you're welcome‚ hope you enjoy your snack” sabi nito at naglakad paalis
Sinara ko nalang ang pinto tsaka nagpunta sa kitchen‚ binuksan kona ito at kumain. Hayst ang boring namang magisa, paano na kapag may multo dito? De joke wala naman siguro "ayos Avi tinatakot mo lang ang sarili mo" sabi ko sa aking sarili tsaka kumagat ng isang slice na pizza
Habang kumakain may biglang tumawag‚ kaya sinagot ko ito “hello?” tanong ko
“Is this ms. Aviva Cratus?” tanong nito‚ ang formal naman
“yes”
“congrats you are now hired as a waitress here in Jbb Restaurant” sabi nito‚ what? Omg! May trabaho na'ko! Keri na kahit waitress ang importante may trabaho!
“thank youu ma'am!” sabi ko
“you're welcome ms.” sabi nito “I will just sent you the details‚ when, where you going to start‚ what to wear and etc.” dagdag na sabi nito
“okay” sabi ko nalang bago niya patayin ang tawag, omg puro sila english hindi pa naman ako fluent nun
Tapos na'ko sa aking meryenda kaya nagtungo nako sa aking kwarto para matulog nanaman, wala akong magawa eh, mainis na kasi yung bahay tapos yung lababo naman ayun kumikinang na hahha araw araw kasi akong naglilinis tapos kakatapos ko lang maglinis kanina bago humilata dito sa kama
Tumunog ang selpon ko at nakita ang text ng babae na tumawag sa akin kanina. Binasa ko ito at sabi niya‚ bukas na daw akong magstart‚ wear some decent t-shirt daw tapos bawal daw ang mini skirt. Mapapatanong nalang ako na diba dapat provide na nila ang susuotin??
Pagkabasa ko non pinikit kona ang aking mga mata.
__
Kinabukasan bumangon ako ng maaga dahil ayon sa text niya 6:00Am daw ang pasok. Naligo ako atsaka napalit ng damit‚ nagsuot ako ng plane white shirt at tsaka nag jeans‚ sinuot ko ang aking sapatos at lumabas sa aking unit
Nagcommute ako papunta sa Restaurant na 'yon‚ alam ko naman kung saan yon dahil malapit lang sa appartment na tinitirahan ko doon
Pagkarating ko d'on tinulak ko ang pinto na gawa sa glass “hi you must be Avi?” salubong sa'kin ng isang babae‚ ang formal ng suot nito mukhang ito yung manager
“ahm yes‚ good morning” sabi ko, sh*t talaga pano ba magsalita ng english fluently, hays ok lang yan Avi masasanay ka din
“oh I see‚ you look kind” sabi niya na ikinangiti ko nalang ‘I'm not kind po I'm just only bait baitan’ sabi ko sa utak
“thank you” turan ko
“Bea?” sigaw na tanong niya sa kung sinong andito‚ well wala pa namang tao dito, wala pa silang costumer tanging mga cook at ibang waitress ang nakikita ko
“yes ma'am” sabi ng isang matangkad na babae habang palapit sa'min
“kindly assist her‚ teach her what she must do” sabi nito
Ngumiti ang babae “count on me madam” sabi nito na nagpangiti sa manager‚ bumaling siya sa'kin “lets go?” sabi niya tumango nalang ako at sumama sa kanya, nakarating kami sa kusina.
“oh! you must wear this to save your shirt from stains” sabi niya at kinuha yung apron na nakasabit at nilahad nito sa'kin kaya kinuha ko ito, nakakapanibago lang talaga kasi 'di ako sanay sa mga ganto, new experience na din sa akin ang pagiging waitress, palagi kasi akong palamunin noon
“thanks”
Linibot namin ang buong resto at tinuro niya sa'kin kung nasaan ang cr ewan ko yung iba nakalimutan ko eh‚ tinuro niya din sa'kin kung paano magentertain ng costumers.
Mga 8:00 na ng magsidatingan ang mga costumers “good morning ma'am‚ can I get your order(s)?” sabi ko sa babaeng kanina pa tumitungin sa menu
“sure‚ can I have this?” tanong nito at tinutoro yung Hamburger with beetroot “and this” sabi ulit niya at tinuro sa'kin ang isang shake.
Isinulat kona yon sa maliit na papel "kindly wait your order ma'am" sabi ko bago umalis sa kanyang harapan
__
It's already 5:00pm kaya uwian na “hay nakakapagod” sabi ko at sinandal ang likod ko dito sa upuan
“what?” tanong sa'kin ni Ica‚ siya yung nagassist sa'kin kanina
“this day is tiring” sabi ko‚ tumawa siya ng mahina
“well get used to it‚ this is now your new job” sabi niya na ikinangiti ko‚ nakakaumay namang mag english. Nakalimutan ko pala yung passport na ilalakad ko sana aist
“can I ask?” tanong ko sa kanya
“yeah sure”
“do you know where to get a Visa‚ passport?” tanong ko
“yeess? why?” takang tanong nito
“I just need it” maikling sabi ko
Sinabi niya sa'kin kung san ang lugar na pagkukunin nun pero kalaunan‚ sabi niya samahan nalang daw niya ako kasi hindi ko pa daw alam baka maligaw daw ako. So pumayag naman ako. Mapapasabi nalang ako ng ang bait naman niya.
Ayos 'di ba? May kaibigan na ako agad dito sa restaurant na 'to.
"Thank you for your kindness and being my friend Ms. Ica, for now I think I should go, it's already dark outside" pagpapaalam ko sa kanya
"Your Welcome, be at home safetly" sagot niya naman, kumaway nalang ako bago lumabas sa restaurant na 'yon, stay in kasi siya kaya doon siya matutulog, meron daw kasi kwarto sa likod ng restaurant at doon siya naninirahan
__
It's been a week nung nagsimula akong magtrabaho sa isang restaurant at dahil tinulungan ako ni Ica na makuha ang passport at visa ko papunta sa U.S ay thanks to her dahil nakuha kona ang mga ito ngayon. Isa nalang ang hindi nakukuha 'yon ay ang PDOS
Day off ko ngayon kaya eto ako ngayon nagiisa habang nakatunganga sa pinto dito sa kusina. Hayst napakaboring naman.
Tumayo ako at agad nagbihis dahil naisipan kong gumala, nakakaumay dito sa unit tsaka nakakaumay ding gumala mag-isa, actually hanggang ngayon ay hinihintay ko si Zan na pumunta dito sa kinaroroonan ko ngunit hanggang ngayon ay wala siya, bumuntong hininga ako at isinuot ang aking crocs bago lumabas
Tamad akong naglalakad sa hallway nitong building na 'to hanggang sa wakas ay nakalabas ako, agad naman akong pumara ng taxi at nagbyahe papunta sa mall dito sa Canberra
Andito ako ngayon sa isang mall para bumili ng mga kailangan ko.
“how much is this?” tanong ko sa isang sales lady dito sa damitan habang hawak hawak yung napili kong damit
“50 dollar's ma'am” sabi nito na nagpalaki ng mata ko what!? 50 dollar's equals 2‚500 php na kaya.
Ang mahal naman nito eh masisira lang din naman
Iniwan ko nalang ito atsaka pumunta sa isang damitan at namili ulit hehe kailangan ko kasing magtipid what if pagpunta ko sa U.S ay matagal pa bago ako mahired sa isang trabaho, edi mauubusan ako ng panggastos araw-araw
“how much is that?” tanong ko sa nagbebenta dito habang turo turo ang isang plane white na over sized t-shirt
“5 dollars” sabi niya, atleast
“I'll take it” sabi ko kaya kinuha niya na ito at inilagay sa isang shopping bag‚ at inilahad sa'kin‚ binayaran kona ito
“thank you” sabi ko
“you're welcome ma'am” sabi niya kaya lumabas na ako‚ yes may bago na'kong damit haha
Habang naglalakad sa hallway nitong mall ay may natanaw ako pamilyar na tao‚ nakatalikod ito sa'kin, may kasama itong babae at dalawang lalake, nakapang office attire ang mga ito at hindi ko alam kung sino sila, siguro mga kasama niya lang ang mga 'yon sa business “si Xedrick ba talaga 'yon?” mahinang tanong ko sa sarili at lumapit pa lalo. Nanlaki ang mga mata ko ng maconfirm na siya nga. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya andito? Naalala ko ang sabi ni dad na pinaghahanap daw ako ni Cole hanggang dito ba naman??
Bago pa man siya makalingon sa gawi ko ay agad akong pumasok sa isang damitan dito. Pumunta ako sa dulo ng tindahan na ito at kunyare ay pumipili ng damit.
Maya maya ay lumabas ako narinig ko rin ang pagkairita ng tindera sabi niya ang tagal ko daw namili pero hindi naman pala ako bibili‚ hindi ko nalang ito pinansin at lumabas‚ nagmadali akong naglakad habang nakayuko hanggang sa makalabas na akong tuluyan sa mall
Napabuntong hininga ako “hays mabuti naman at hindi niya ako nakita” sabi ko sa aking sarili
"Avi?" Tanong ng kung sino sa likod ko kaya liningon ko para kumpirmahin kung sino 'to, nanlaki ang mga mata ko ng makitang 'to si Xedrick!
"X-Xedrick? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya na medyo kinakabahan pa
"To get you" sagot niya at naramdaman ko nalang na may humawak sa magkabilang braso ko, ito ang dalawang lalake na nakita ko kanina na kasama ni Xedrick
"No ayokong sumama sa inyo!" Sigaw ko sa kanya pero nanatili lang siya kalmado habang nakatingin sa akin, wala siyang pake
"Weather you like it or not you're comming with us, this is Silver's order, your husband" sagot niya, umiling ako
"He's not my husband, just like I said hindi ako sasama sa inyo!" Sabi ko
"Bring her to the car" utos nito sa lalaking nakahawak sa akin
"Noo!" Sigaw ko ulit, sa pagkakataong 'to ay may dalawang guard na lumapit sa amin pero kinausap sila ni Xed, habang naguusap sila ng mga guard ay hindi na ako nagsayang pa ng oras, sinipa ko ang p*nis ng isang lalaking nakahawak sa left na braso ko at sinuntok naman sa mukha ang isa tsaka agad kumaripas ng takbo
"D*mn it! Get her Id*ots!"
Takbo lang ako ng takbo dahil alam kong hinahabol na ako ng mga 'yon, pumasok ako sa masikip na daan, pinapagitnaan ito ng dalawang matataas na building
Pagod na ako pero alam kong hinahabol pa din nila ako, lumiko ako sa isang hindi pamilyar na daan pero masikip pa din ang isang daan na 'to.
Isa 'di kalayuan ay may nakita akong basurahan malaki ito at kasya ang isang tao, bahala na, tumakbo ako doon at pumasok sa loob
Ngayon parang naduduwal ako dahil sobrang baho dito "asan na 'yon? Bilisan mo ngang hayop ka, malalagot tayo kay boss kapag hindi natin 'yon nahabol" rinig kong sabi ng isang lalaki, for sure sila ang humahabol sa akin malamang
"Teka lang, ang sakit sakit ng t*te ko shet" sabi ng isa, nakarinig ako ng patakbong yapak hanggang sa wala na akong maramdamang tao sa labas, kaya maingat akong lumabas sa pinagtataguan ko
May tae atang binasura doon, braak, nasusuka ako, wala na man ng tao dito kaya nagpalit muna ako ng damit dahil sobrang baho kona talaga, pinalit ko yung binili ko kanina at nagmadaling linisan ang lugar na 'yon.
Naglakad ako hanggang sa pumara ako ng taxi, ipinarada naman nito sa harap ng hotel na tinitirhan ko, akmang lalabas ako ng makita ko ang isang babae na kasama nina Xedrick kanina, shocks bakit nila alam kung nasaan ako nakatira?
"Umh sir can we just straight to RSJ restaurant?"
"Sure"
Ng makarating kami sa restaurant kung nasaan si Ica ay pumasok ako sa loob, colse ito pero hindi nakalock ang glass door
Pumunta ako sa likod ng building na ito at kumatok sa kwarto ni Ica "just a minute" sigaw niya sa loob
Maya maya ay bumukas ang pinto "Avi? Why are you here?" Bungad na tanong niya sa akin
"Can I stay here? Uhmm for just this night?" Tanong ko sa kanya
"Why?" Takang tanong niya "but yeah, come inside" dagdag niyang sabi kaya pumasok na ako
"Thank you Ica" sabi ko sa kanya, ngayon ay nakaupo ako sa upuan malapit sa kanyang kama, isang kwarto lang kasi ito, kaya katabi ng kama ang hapagkainan
"So why are you here? I mean why do you want to stay here for a while just in a sudden?" Tanong niya
. . .itutuloy