*** SEFYRE POV Gumagabi na pero talaga namang napakalayo ng Villa Ifsu. Patuloy lang ako sa pagmamaneho. Gusto kong ikumpirma kung nandoon ba talaga sina Wainty sa lugar na 'yon. "Sana naman tama ang ibinigay na adress sa akin" sabi ko sa aking sarili Napadpad ako sa lugar kung saan kakonti lang yung tao. "Tama ba 'tong napuntahan ko?" Ipinarada ko muna ang aking sasakyan at bumaba para magtanong. "Tao po?" Sigaw ko sa nagiisang bahay dito sa gilid ng kalasada. May lumabas na isang matandang babae "Anong sadya mo dito? Sino ka?" Taas kilay na tanong nito, napakarude. "Itatanong ko lang po kung saan yung daan papunta sa Brgy. Kwatro?" Tanong ko "Ay, 'yon lang pala, diretso ka lang tapos kapag may madatnan kang dalawang kalsada ay magpakanan ka, diretso kalang hanggang sa makarat

