bc

LOVE CONTRACT: THE BILLIONAIRE'S WIFE

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
fated
opposites attract
powerful
boss
drama
no-couple
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

LOVE CONTRACT “Isang bouquet. Isang aksidente. Isang misteryosong billionaire. Puwede bang ang isang kontrata ang magbago ng buhay… at magpatibok ng puso mo?” Arabella “Belle” Primrose Salvatore ay simpleng babae, sanay sa hirap ng araw-araw. Isang ordinaryong delivery ng bulaklak ang magdadala sa kanya sa daan ng kayamanan, lihim, at kapangyarihan. Dito niya makikilala si Tyrone Knight Fournier—isang matikas, misteryoso, at nakaka-intimidate na CEO na hindi basta-basta mapapansin ang damdamin niya. Ngunit sa mundo ng yaman, bawat kasunduan ay may lihim. At minsan, ang puso ang talo… bago manalo.

chap-preview
Free preview
LOCKET
“Some losses are heavy, but they teach us to bloom where we are planted, finding strength and beauty even in the thorns.” Mainit ang araw at mabigat ang bayong sa balikat ni Belle habang isa-isa niyang inilalako ang mga kakanin sa kahabaan ng kalsada. Sa bawat “Kakanin po! Mainit-init pa!” na sigaw niya, parang mas bumibigat ang hangin—o baka pagod lang talaga siya. Pinunasan niya ng likod ng kamay ang pawis sa noo at lihim na sinilip ang laman ng bayong. Ilan na lang ang natitira. Konti na lang, naisip niya, konti na lang at puwede na akong umuwi. Napahinto siya sa tapat ng isang matayog na bakal na gate. Mataas ito, malamig tingnan, at tila naghihiwalay sa dalawang mundong hindi kailanman nagtatagpo. Sa likod ng bakod, may mga estudyanteng nakaayos ang uniporme, nagtatawanan, at nagmamadaling pumasok—mga batang may kinabukasang tila tiyak na ang direksiyon. Samantalang siya, nananatili sa labas, hawak ang bayong ng kakanin at pinagmamasdan ang mundong alam niyang hindi para sa katulad niya. Nabasa niya ang pangalang nakaukit sa gate—Silverstone Academy. Noon pa man ay alam na niya ang paaralang iyon. Sikat. Prestihiyoso. At para lamang sa mga may kayang mangarap nang walang iniintinding gutom o kakulangan. Bahagya siyang napangiti, isang ngiting may halong panghihinayang, bago sana niya ipagpatuloy ang paglalakad. Ngunit may pumigil sa kaniya. Isang batang lalaki ang biglang tumakbo palabas ng gate at nagtago sa lilim ng malaking puno sa gilid ng kalsada. Napakunot ang noo ni Belle at napahinto ang mga paa niya. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong humila sa kaniya palapit sa bata. Nang masilayan niya ang mukha nito, nagulat siya—umiiyak ang batang lalaki, tahimik ngunit mabigat ang bawat patak ng luha. “Uhhm… bata, may problema ka ba?” maingat niyang tanong. Walang sagot. Sa halip, may dinukot ang bata mula sa bulsa—isang maliit na locket. Nang buksan nito iyon, nasilayan ni Belle ang larawan ng isang babae. Sa isang iglap, parang may kumurot sa puso niya. “Nanay mo ba ’yan?” tanong niya muli. Tahimik pa rin ang bata. Huminga nang malalim si Belle bago nagsalita, hindi na inaasahang sasagot pa ito. “Magkamukha kayo,” marahan niyang wika. “Siguro… nami-miss mo siya.” Napayuko siya sandali bago nagpatuloy. “Ako rin, nami-miss ko rin ang nanay at tatay ko. Wala na sila, pero alam mo, iniisip ko na lang na binabantayan pa rin nila ako. Kaya huwag ka nang umiyak. Ayaw ng mga magulang natin na makita tayong malungkot.” “What do you know? You’re just a kid!” Mariing sagot ng batang lalaki. Napairap si Belle at bumuntonghininga. “Alam mo, kahit wala na ang nanay at tatay ko, natutunan kong kailangan kong maging matatag. Hindi na nila ako puwedeng protektahan, kaya ako na ang dapat mag-alaga sa sarili ko ngayon. At alam ko, kaya mo rin ‘yon. Kahit mahirap minsan, kayang-kaya natin harapin ang mundo, isa-isa lang, at kahit may takot o lungkot, puwede tayong lumakas at patuloy na ngumiti.” Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang batang lalaki at sandaling tumingin sa kaniya bago muling ibinalik ang atensyon sa locket. Napakurap si Belle. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit napatigil siya—tila isang anghel ang humarap sa kanya. Ang batang lalaki, sa kaguwapuhan at kabighaniang taglay nito, at sa mga matang bughaw nitong tila makikita ang magkahalong lungkot at pangungulila. Nakadama na lungkot si Belle para sa batang lalaki at nais niya sanang damayan ito ngunit sino ba siya para gawin iyon. Baka pandirihan lamang siya nito. Yumuko siya upang makita itong mabuti. Sa hitsura nito, hula niyang hindi purong Pilipino ang bata. At kung titingnan, hindi rin nagkakalayo ang edad nila. “Teka, bata—” Hinawakan niya ito sa balikat. Bigla nitong itinabig ang kamay niya. “Don’t touch me!” singhal nito. Napaatras si Belle, gulat at bahagyang nasaktan. “S-Sorry…” Sa palagay niya, gusto ng bata ang mapag-isa. Kaya nagpasya siyang umalis na lang. Ilang hakbang pa lamang siya nang biglang may pumutol sa kaniyang paglakad—isang sanga mula sa puno ang unti-unting bumabagsak patungo sa kinatatayuan ng batang lalaki. “Hoy! Umalis ka riyan!” sigaw ni Belle. Bitbit man ang bayong, agad siyang tumakbo at hinila ang bata palayo. Dahil sa biglaang galaw, pareho silang nawalan ng balanse at sabay na natumba sa damuhan. “Ouch! You’re too heavy! Get off me!” reklamo ng bata. “O-Okay ka lang?” tanong ni Belle habang inaayos ang sarili. Ngunit bigla silang napahinto—nanlaki ang kanilang mga mata nang aksidenteng mapatong ang kamay ni Belle sa hinaharap ng bata. “i***t! Get your hands off my jewel!” galit nitong sigaw. Agad na inalis ni Belle ang kamay niya. “P-Pasensiya na!” Nahihiya siyang tumayo at hindi makatingin sa batang lalaki. Ramdam niya ang matinding tingin na ipinukol nito sa kanya, at hindi niya mawari kung mainit lang ang panahon o dahil sa kahihiyang naramdaman niya—dahil parang nag-iinit ang kanyang mukha. “Knight.” Para silang napalingon sa direksiyon ng boses. At doon nila nakita ang isang lalaking may edad na bumaba mula sa isang magarang itim na kotse. Tila ang katabing batang lalaki ang tinatawag nito. Dahil sa magkahalong takot at kaba na hindi niya alam kung ano ang pinanggagalingan, agad na tumakbo si Belle, dala ang kanyang bayong. “Hey, you!” rinig niya ang tawag ng batang lalaki, ngunit hindi na niya ito pinansin. Lumiko siya sa isang kanto at nagtago, hapo niya ang dibdib habang habol niya ang hininga. Mula sa kanyang pinatataguan, nakita niya ang batang lalaki na sumasakay sa magarang kotse. Saka niya napansin ang isang bagay na nakasabit sa kanyang bag. Kinuha niya ito at tiningnan—nagulat siya nang makita na ito pala ang kwentas na hawak ng batang lalaki kanina. Nais sana niyang isauli ito, ngunit huli na; nakaalis na ang sasakyan. Isang kakaibang pakiramdam ang bumalot kay Belle—parang may nakatagpo siyang isang taong muli niyang makikilala, kahit hindi niya alam kung kailan o paano. Terms and Privacy Policy Copyright © JamiaGee

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Owned by My Husband's Boss

read
10.8K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
74.6K
bc

Mistletoe Miracle

read
8.0K
bc

Burning Saints Motorcycle Club Stories

read
1K
bc

The abandoned wife and her secret son

read
3.3K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
46.0K
bc

The Billionaire regret: Reclaiming his contract Bride

read
1.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook