Chapter 3

4054 Words
Hayrin POV Lumipas ang ilang araw at gano'n parin, matumal parin ang pasada. Tuwing pagsapit naman ng gabi idinadaan ni Zealum ang jeep sa isang street food. Medyo tahimik din s'ya nitong nagdaang araw. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagtahimik niya. Ngayon ay sabado at naisipan kong magpaiwan nalang sa bahay. Hindi naman tumutol si Zealum dahil idinahilan ko na magbuburda ako. Pero ang totoo nagpasama ako kay Trixia sa isang bar. No'ng una nagtaka siya bakit pupunta ako sa ganoong lugar pero ng naipaliwanag ko naman kung bakit hindi naman siya kumontra pa. "Bakit nakaitim ka?" Hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Trixia. Pinuna ko rin ang suot ko na halos itim. Kulang nalang isipin n'yang hindi sa bar ang punta namin kundi libing. Nagkibit-balikat nalang ako saka sabing, "Bagay ko naman ah." Ngumuwi siya saka umiling na lumabas ng bahay. Sinundan ko nalang siya dahil baka matagalan pa kami ng balik. "R-Rin, akala ko ba trycicle lang tayo?" Aburidong aniya. Bakas ang pagkalito kung bakit hindi trycicle ang gamit namin. "Sasakyan pa rin naman 'yan. Tara na." Pero umiling lang siya at bahagya pang napaatras. "Hindi naman ako kasi aware na nagmamaneho ka." aniya. "Sagot kita. Tara na kasi!" Inip kong sabi. Hindi pwedeng malate ako ng uwi mamaya. "Okay lang naman e kahit lakarin na natin!" Hindi maipinta ang mukha niya. Talagang alanganin s'ya na sumakay. "Hindi tayo makakapunta sa pupuntahan natin kung maglalakad lang. Kaya tara na. Sige, pwede naman kahit ako nalang mag-isa." Kita ko ang panlulumo n'ya sa huling katagang sinabi ko. "Basta wala kang sasabihin kay Zealum?" Dagdag ko pa dahilan para padabog siyang umangkas sa likuran ko. "Kainis ka! Kapag talaga nabagok ka ulit sige bahala ka! Talagang wala ka ng maaalala." Daldal niya mula sa likuran ko. Napatawa nalang ako dahil sa kaduwagan niya. Kung sa ibang tao ang tapang pero tiklop naman 'to sa'kin. "Kapit." aniko. Dinig ko ang pangaral n'ya. Buti nalang at hindi nagtagal natahimik siya hanggang makarating kami ng bar, sa lurkinghelios. "Sisipot kaya 'yon?" tanong niya matapos alisin ang helmet na suot niya. Tumango ako dahil ang tulad ng taong pinunta namin ay kilala ako. Malas lang niya dahil hindi ko siya kilala. "Pupunta 'yon." sagot ko habang inililibot ang tingin sa lugar. Tama lamang ang liwanag at dilim sa lugar. Ang karamihan sa nadaanan namin na mga tao ay may kanya-kanyang samahan. Tama lang din ang usapan nila, sapat lang para hindi makaabala sa iba. "Dapat lang. Sayang naman ang effort ko na naglayas at umangkas." Hasik niya. Pareho kaming nasa counter bar dahil dito ang diretso ng mga pumapasok lalo na kapag walang reservation kaya kailangan talagang diretso ng counter. "Mga Ma'am anong order n'yo?" tanong sa'min ng babaing bartender. Hindi ko mawari kung galit or nagtatanong lang? Pati si Trixia napatayo na wala sa oras saka lumapit sa'kin para bumulong. "Brusko ang isang 'to." Bulong niya. Biglang may sumulpot na isa pang bartender na babae. Hindi man kita na nakangiti ito dahil sa mask pero sa mata niya makikita na walang dapat ikatakot. Hindi tulad nung isa, parang naghahamon ng away. "Good evening mga Ma'am. Ano pong order n'yo?" Banayad n'yang tanong. "Hindi kami iinom." Ngiting tugon ko. Napatango nalang siya. "Baka want you po ng kape or juice?" anito dahilan para nagkatinginan kami ni Trixia. Meron gano'n? Bar 'to huh? Bakit may kape at juice sila? "Juice sa'kin." Agaran sabi ni Trixia. "Baka manerbiyos ako na wala sa time hehe." Ilang na usal niya. "How about you Ma'am?" Baling naman niya sa'kin. "Same with her." sabi ko nalang. Ilang minuto ang nakalipas at may naupo sa tabi ko. Nang lingunin ko kung sino, bahagyang tumagilid ang ulo ko para mamukhaan ito. "Ghost! You scare me." Gulantang aniya ng nabaling sa'kin ang tingin niya. "Pardon me." aniko. Tumango nalang siya saka ibinalik ang tingin sa harapan. "Lacks, tubig na malamig nga." Utos niyang sabi do'n sa bruskong bartender. "Why do you want me to see?" Walang paligoy-ligoy kong tanong dito. Humarap siya sa'kin na may seryosong mukha. "About what happen when the last you meet up with me." aniya saka bumuntong hininga. Siya pala ang huling na kasama ko bago mangyari ang aksidente? Pero wala akong maramdaman na weird feeling na may kinalaman siya. "She's one who did that to you. 'Cause of jealous, right?" Patuloy niyang sabi. "Sana pala hindi nalang kita hinayaan na magmaneho. Medyo kaskasera ka pa naman. Hayst! Kainis din 'yong babaing 'yon. Dinamay pa pati 'yong favorite kong jacket!" Jacket? Sa'kin ba siya concern? Nakakalito naman ang isang 'to. "Sinong s'ya ba ang tinutukoy mo?" Mahilig talaga ang tao na magpaliguy-ligoy. Dapat diretsahan ng hindi na ako pinapahirapan na alamin at isipin ang hindi ko kilala o naaalala. Mukhang hindi aware ang isang 'to na may amnesia ako. "Yong bestfriend mo." Diretsahang sagot niya. Friend? May kaibigan pa ako? Hinanda ko ang sarili ko sa mga posibleng mangyari. Basta disidido na ako. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng lugar. Wala ito sa naisip ko. Masyado kasi itong nakakamangha. Pakiramdam ko tuloy para akong nasa isang movie. "M-Ma'am?" Hindi makapaniwalang na-ibigkas ng isang guard ng makita ako sa labas ng gate. Sa reaction niya mukhang kilala niya ako pero hindi ko naman kilala. "Kilala niyo po pala ako." Ngiting ani ko na siyang ikinatango niya habang hindi nawala sa mukha niya ang pagkabigla. "Bahay po ba ito ng mga, Cosci?" Paninigurado ko. Tumingin muna siya sa paligid saka lumapit ng kaunti. Tanging itong gate ang siyang pagitan namin. "Madam Rin, dapat hindi ka na po bumalik dito. Madam umuwi na kayo kay sir Lum panigurado nag-aalala na 'yon sa'yo. Mas mabuting manatili nalang kayo sa asawa niyo. Para rin po sa ikakabuti niyo. Sige na po, baka maabutan ka po nila rito." Diretsahang aniya. Halata sa mukha ni'to ang pag-aalala at takot. Tumango nalang ako at nagpaalam. Isang araw, isang araw na akong hindi umuuwi sa amin. Matapos namin pumunta ni Trixia sa bar hinatid ko siya sa kanila at sinabing uuwi na ako. Pero ang totoo bumalik ako sa bar para kausapin ng masinsinan ang Ceo ng Lurkinghelios na si Helios. Alam ko na kaunti ang impormasyon na sinabi niya sa takot na may ibang makaalam ng ibang detalye na alam niya. Binagtas ko ang bahay ni Helios kung saan ako permanenteng nakikituloy. Sa pananatili ko sa kanya pansin ko na kilala niya ako dahil ang dami niyang alam, tulad ng gusto at ayaw ko. "Patay ka Mareng Rin. 'Yong asawa mo pinaghahanap ka." Bungad sa akin ni Helios. Dumeretso ako sa kitchen niya para uminom. Sa sinabi ni Helios bigla nalang akong ginapangan ng takot. Panigurado matindi ang galit no'n sa akin kaya hindi na ako mabibigla kung magkita kami ay bigla nalang niya akong sigawan. Mukhang kumukuta na ako sa asawa ko. "Pinuntahan ka pa nga sa Lurkinghelios. Alam mo pinagbantaang akong ipapasara ang bar kapag hindi ka raw niya nahanap. Malakas ang duda ng asawa mo kaya hanggang ngayon nando'n parin." Pagpapatuloy niyang sabi habang ipinapakita ang cellphone. "Kitam? Nando'n pa." Nanlumo nalang ako ng makita sa picture pati si Sabrina. Ipinilig ko nalang ang ulo ko para iwaksi ang namumuong isipin. Saka nalang ako magpapakita sa kanya kapag nakita ko na 'yong dahilan kaya nawala ang alaala ko. Sa ngayon wala akong lakas ng loob para harapin siya at hindi ko rin kayang harapin ang malaking galit niya sa akin. Tinipon ko ang ilang larawan sa mesa na album ni Helios. Pero natigil ako sa pagliligpit ng mahagip ng mata ko ang isang larawan. Dinampot ko ito saka pinakatitigan ng maigi. Ilan segundo ko itong isinaulo bago ibalik sa lalagyan ang mga picture. Bumungad naman si Helios na tawang tawa habang hawak ang selpon niya. "Kumare ito 'yong kasama ng asawa mo." Humalakhak siya saka muling nagpakita ng picture. Bigla nalang akong nainis ng makita sa selpon ang mukha ni Sabrina. Malayo siya kay Zealum pero hindi ko maiwasan magduda at masaktan. "Kita mo nga naman sinabihan akong huwag ko raw sabihin sa asawa mo kung na saan ka. Like what Mareng Rin. Ako mauuto ng gano'n gano'n lang? Akala niya siguro kasingkitid ng utak niya ang utak ko. No way!" Tumingin siya sa akin ng may mapanuring tingin tapos bigla nalang tumawa na parang may nakakatawa. Tinapunan ko nalang siya ng bored na tingin. Inaano ko ba ang isang 'to e ang tahimik ko naman. "What?!" Hindi ko na matiis ang tawa niya. Nakakapikon lang kasi natatawa e wala naman dapat ikatawa. Halatang nan-t-trip. "You have an epic face, Mars. That face," Turo niya sa mukha ko. "Alam na. Miss mo na si Mister mo no? Naks, uwi kana nga. Total hindi niyo matiis ang isa't isa." Bigla siyang buwelo ng tawa habang napapailing. Isinandal ko ang likuran ko sa sofa saka siya ininterview kung saan ko pa pwedeng makita 'yong kesyo friend ko raw. Matapos kong malaman ang lahat kung bakit niya nagawa 'yon sa akin, uuwi rin ako kay Zealum. But right now I need to know more about behind the accident. Hindi naman gano'n kalinaw sa akin ang motibo niya, gusto kong malaman ang pinakaugat at nakaya niyang ipahamak ako. Kaibigan ko raw then why she's the main reason of the end of my life? Jealous? Hindi ako kumbinsido roon. "Ay shocks?!" Naalimpungatan ako dahil sa ingay ni Helios. Kahi't tinatamad akong bumangon sinikap kong alamin kung anong dahilan bakit ang ingay niya. "Bakit? May nangyari ba?" Sumandal ako sa sofa at pinilit na makinig sa sasabihin niya kahi't tinatangay ako ng antok. "Ganito lang naman---si Mister mo nagpadala ng bantay para alamin kung nandito ka ba. Ang galing no? No'ng nakaraan dalawang tao lang ang umaaaligid sa bahay ngayon walong kotse na. Partida talagang ayaw kang mawala sa paningin niya." Sa totoo lang wala akong naintindihan dahil bumigay ang talukap ng mata ko. Hindi ko nasundan ang pinagsasabi niya dahil na rin sa pagod. Nagising nalang ako ng dahil sa tahimik ng paligid. Pagkabangon ko nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na wala ako sa sofa kahi't sa bawat parte ng bahay hindi ako familiar. Paiyak na sana ako dahil pakiramdam ko binabangungot na naman ako. Ilan beses na rin akong binabangungot at kapag nangyayari 'yon nagigisingan ko si Lum na alalang alala. Bumungad sa akin ang mukha niyang walang bahid na kahit anong emosyon na siyang dahilan para balutin ako ng takot. Siya ba talaga itong nasa harap? Kahi't may takot sa akin inabot ko ang mukha niya para suriin na totoo nga siya. Pinakatitigan ko siyang maigi habang hindi inaalis ang kamay ko sa mukha niya. Nang masigurado ko nga napaatras ako 'di oras. Lagot na ako! Hindi ako umimik at yumuko nalang sa takot dahil sa nagawa ko ng umalis ng hindi nagpapaalam. Hinintay kong iparamdam niya ang hinanakit niya na sigawan at ipamukha sa akin ang kamalian ko. At the end he hug me tight like always he doing. Ngayon muli ko na naman natagpuan ang sarili na umiiyak sa bisig niya. Sa laging mali ko uunahan niya ako ng yakap bago pagalitan at kapag umiyak ako dahil pinagalitan niya ako yayakapin niya ulit ako. Kahi't may mali ako siya pa itong hihingi ng tawad sa'min dalawa. Hindi niya ako matiis pero he'to ako, laging pinapahirapan siya at sinasaktan. "I-I hate y-you." Nabasag ang boses ko nang sabihin 'yon. "Why are you like this? I h-hate... you. Bakit hindi mo nalang ako iwan huh?! Sino ba ako? Bakit pinapahirapan mo pa sarili mo para sa akin? I hate you... naiinis ako sa'yo." Hinayaan niya ako magpaliwanag sa nagawa ko. Pero sa likod no'n nasasaktan siya at gustong ibuhos ang hinanakit kaso inuunahan siya ng pagka-sensitive pagdating sa'kin. Alam kasi niyang iyakin ako lalo na sa kanya. Hindi naman niya kayang umiiyak ako sa harap niya dahil lalo lang siyang nahihirapan at nasasaktan. "Huwag mo ng ulitin. Baka 'di oras magpagawa ako ng mataas na tore para lang hindi ka mawala sa akin." Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Para bang ayaw niyang naisin na pakawalan ako. Tinapik ko ang balikat ni Zealum para makuha ang atensyon niya. "May tao." Pero nabingi ata sa takot na mawala ako sa paningin niya. "Ehem... Ehem! Nauubo na ako." Pagpaparinig ni Celaum na nasa loob na ng bahay. "Dirty. Yuck!" Biglang sulpot naman ang babae sa likuran ni Cealum. Sa porma ang simple-simple pero sa hitsura sumisigaw ang pagiging mayaman. Nagbago ang hitsura ni Zealum ng tinapunan ng iritableng tingin ang dalawa. Mukhang hindi niya gusto ang pagdating nila. Naupo sila sa tapat namin ng may dala-dalang kung ano-ano. "Ay, may tanong ako." Mayamaya ay nagtaas ng kamay ang katabi ni Cealum. "About what?" Si Zealum ang nagsalita pero halatang walang gana. "Do you know the... 'yong tawag sa ano. 'Yong about sa weak? Ano sa tagalog no'n?" Kunot noong aniya. "Mangmang. Ikaw 'yon bakit?" Pang-aasar ni Cealum sa katabi. Pikon ang katabi niya kaya nakatanggap siya ng batok. "Ignorant 'yan hoy?! Magkaiba naman 'yon boy!" Singhal ni'to kay Cealum. "It's mahina. That's it!" Muling sagot ni Cealum. "Teka, anong hoy at boy?! Kuya mo ako! Panganay pa ako sa'yo. Respeto naman!" Biglang nag-iba ang timpla ni'to 'di kalaunan. Napatakip naman ng bibig ang babae. "Ay, nakalimutan ko. Kuya hehe. Oo nga pala, Kuya kita." aniya sa mababang boses at nagpeace sign ito para humingi ng paumanhin. Mukhang nakalimutan niyang Kuya niya ang kausap niya kaya gano'n nalang ang nasabi niya. "Your right but not that what I'm talking about. Other similar on word weak kasi." Sabay irap niya sa kanyang Kuya. "Weak? You mean marupok?" sagot ni Zealum na siya naman ikinatawa ang babae habang nakaturo kay Zealum. Kaming tatlo naman ay nagtatakang nakatingin sa babae dahil hindi namin makuha ang pagtawa niya. "You got it! Kuya ikaw 'yon. Ang rupok mo para kang hindi Villanueva." Saka ito muling tumawa na halos ika-iyak niya. "Oo nga no. Tsk, tsk. Ang rupok mo Bro. Little Sis is right." Segunda naman ni Cealum. Hindi naman tumutol si Zealum sa pang-aasar sa kanya ng kanyang kapatid. Wala talaga siya sa mood. Nagkaroon na ako ng hint sinabi ni Cealum, so itong tatlong kasama ko ay magkapatid nga. Pareho-parehong pikon at palainis. Hindi na nagkakalayo at kataka-taka. "Anyway mga Kuya. May business na ako at for sure kakaiba ito sa lahat ng business. Ako at ako lang ang unang magtatag ni'to sa buong mundo. Imagine sa lahi pa ng Villanueva ang prime na pagmumulan ng business ni'to. For sure tatangkilikin ito ng marami." Nababakas ang kumpiyansa niya na sinabayan pa niya ng pagpalakpak. Pero ano naman kayang business? Karamihan naman kasi sa business pare-pareho o kaya madalas may kunting twist lang pero halatang pareho lang din. Naiiba lang sa kulay, size at tatak ni'to pero parehong product na makikita kahi't saan. Tulad ng bag, maraming klase ni'to pero iba lang ang disenyo pero bag parin, walang pinagkaiba. Mga pagkain gano'n din. Medyo may twist lang para kahi't paano may level up or transformation, gano'n ba. "Nailunch na or on going palang?" Seryosong tanong ni Cealum. Mukhang seryoso na ito this time. "On going palang." tugon naman ng kapatid niya. "What kind of business?" Pakikisali naman ni Zealum. Mukhang pati siya ay nakuha sa sinabi ng kapatid niya. Pansin ko pagdating sa trabaho itong tatlo walang biro-biro talagang siniseryoso nila. "Kind siya ng couples or partner like that." Mula sa bag naghalungkat siya sa bag niya. "I have a sample here at baka want you rin. With discount na hati kayo mga Kuya. Kayo nalang magpartner." Mayamaya inabot niya ang dalawang flyers sa dalawang Kuya niya. Nakitingin nalang ako kay Zealum total katabi ko naman at siya ang pinagbigyan ng flyer. Natawa nalang ako 'di kalaunan ng makita kung anong sinabi niyang business niya. Sinamaan ng dalawa ang kapatid nila ng makita kung anong business ang tinutukoy ng kanilang kapatid. Inis na nilapag ng dalawa ang flyers sa mesa. "Business mo 'to Iealum?! Business tapos ito? Are you kidding us?! Walang gugusto ng ganito. Umuwi kang mag-isa mo mamaya!" Busangot nasabi ni Cealum halatang hindi nagustuhan ang business ng kapatid at sila pa ang unang inalok. Nagsalubong ang kilay ni Iealum sa sinabi ng kuya niya. "What?! Pustahan kahit hindi nila gusto e bibili rin sila ni'to. Tsaka panigurado sisikat ito. Tapos kita niyo wala, wala pang nakaisip ni'to ako lang. Saka ito ang tinatawag na business. Business is a business. Alam niyo 'yan dahil mula tayo sa pamilya ng mga negosyante." Depensa niya. Pero actually may point siya. Kahit ayaw ng lahat bibilhin parin nila ang kabaong. Yap, it's coffin kaya badtrip ang dalawa. Kayo ba naman alukin ng couple or partner coffin e buhay pa kayo. "Are you out of your mind?! Then kami pa itong unang inalok mo ng ganyang product mo?! Seriously? Pangcouples tapos ito? As in kabaong? Ipinagmamalaki mo pa e funeraria lang pala." Kontra bersyo naman ni Cealum sa business kuno ng kapatid niyang si Iealum. "Hello, lahat bibili n'yan sinasabi ko sa inyo pati mahirap makakabili or mapapabili ng ganyang product ko. Tapos hindi naman ako lugi kasi every time may susulpot na client ko para lang d'yan. Don't understatement my business because every time rin maraming mangangailangan ng product ko. Syempre mas maganda kung mas maagang pinaghahandaan ang future 'di ba? Kaya isecure niyong dalawa ang future niyo. Kaya ano pang hinihintay niyo bili na." Kumindat siya sa kuya niya Cealum para lalo pang asarin ito. "We can be a business partner, if you want." sabi ko na siyang ikinatili niya ng sobra. "Naman! Syempre sure na sure akong I want you as my business partner." Magiliw ni'tong sabi habang napapahamak siya ng mahigpit sa braso ni Cealum para ibuhos ang saya at para maiwasan na tumili ulit. Paano kanina kasi sumama ang mukha ng dalawa dahil sa lakas ng tili ni Iealum. "Don't you say na kape, tinapay at candy naman ang business mo?" Baling naman sa akin ni Cealum. Umiling lang ako bilang sabi na hindi. "It's very common, so roon tayo sa mas advance. For the future kung tawagin." saad ko. "You meant may have more advance on advance?" Confused nasabi ni Zealum. Halatang naguguluhan at walang idea. Tumango ako, "I would like to introduce to you my product, to sale an mini house." Mas lalo silang naguluhan. "I decided to connect to her couples coffin my ideas. That's why I would like to sale a mini house." "Ah... It's mini house. I got it. Nga naman if you want more on advance of course buy first house or lot first. Compatible talaga tayo no?" Tumango nalang ako sa kanya. "Mga kinulang sa aruga." Pagpaparinig ni Cealum na hindi naman nakaligtas sa pandinig namin. "Hoy, Kuya! I'm independent woman kaya, anong kinulang sa aruga ka d'yan?!" Agaran depensa ni Iealum na pinagtaasan pa ng boses ang Kuya niya. "Are you referred to yourself?" Malakas na pang-asar ni Zealum. Sa hindi ko inaasahan inakbayan niya ako. "Hindi ako nagkulang sa pag-aaruga rito sa Missis ko." Mahihigan ang pagyayabang niya. "Kaya pala, she skip again to you? Hindi ka nga nagkulang." Tatangu-tangong pang-aasar naman na balik ni Cealum. Sumama tuloy ang awra ni'tong katabi ko mukhang napikon na. Wala talagang matinong ganap kapag nagsama ang magkakapatid tulad ng sabi ni tito Frank. May malakas mang-asar may malakas din maasar at may pikon talo pa. "Kaya nga naglayas at tumakas kasi nasakal ata sa pag-aaruga ko." Mahihimigan ang tono ng boses niya. Tawang tawa naman si Iealum at inasar ang dalawa niyang Kuya at ayon na uwi sila sa gala planning daw kung hindi na raw busy ang lahat. Bago pa man ako sumunod palabas ng bahay para ihatid ang dalawa ng biglang may kamay na pumigil sa akin. Taka kong binalingan ng tingin si Iealum, siya kasi ang humarang sa akin. Sa hitsura niya makikita na ang pagiging seryoso ibang iba sa kanina na ang ingay at nang-aasar. Pero sa ngayon parang bula na wala ang side niyang 'yon. "Don't do it again what you do." Ano? Don't do it? Again? Ano bang sinabi niya? Bumuntong hininga ito bago nagpatuloy. "He's territorial, it can't i-deny that. He's possessive? Yes, he is. He's obsess? Yes, that's him." Huminto sandali at hinawakan ang dalawang palad ko. "Why he like that when it come's to you? Ofcourse, he really love you! He did. Please, don't left, mahal ka ni Kuya. Everything kaya niyang iwala huwag ka lang. At lahat kaya niyang iwala ng walang pagdadalawang isip. Ganyan ka niya ka mahal ng Kuya ko." She wipes her tears then smile on me. In the start I know, Zealum really care to me ofcourse not only that. Also an materials husband of mine. Paano kaya kami kung hindi ako nawalan ng alaala? Hanggang tanong nalang ng paano. Matapos namin ihatid sa labas ang dalawa bigla naman sumulpot si Trixia. Laking pagtataka ko dahil may kasama ito, na bata. "Hadlang muna kami for today ni Tisay." Tukoy niya sa batang kasama niya, tumango nalang ako kaysa ipagtabuyan sila. Wala naman din namang problema roon. "Oh. Tisay, 'yan si Ate Rin, dito muna tayo sa bahay nila okay? Behave ka." Bilin pa niya bago inakay ang bata papasok ng bahay. Sumunod ako sa kanila para mapaghandaan manlang ng meryenda total nasa labas pa si Zealum dahil biglang napadaan ang Kapitan ng aming lugar. Pagkalapag ko ng meryenda sa mesa naupo ako para pagmasdan ang dalawa. Nagtuturo si Trixia, sa madaling salita tutor at 'yon ang ginagawa niya ngayon. "The rat eat the cheese in the plate. In other day the rat came to vi----" Napaangat ng tingin si Trixia ng huminto sa pagbabasa ang bata. "Why did you stop? Hindi mo ba alam 'yan? Ang basa d'yan ay visit, VI–SIT---" Pagpapaliwanag ni Trixia. "Ate that's bad. Why are you saying a bad word? Bad 'yan e!" Katuwiran ng bata na halatang iniiwasan bigkasin ang katunog ng mura. Napatampal sa sariling noo si Trixia ng magets niya ang dahilan. Alam basahin ng bata pero ayaw niyang bigkasin kasi akala niya bad words 'yon. Natatawa akong umalis para tignan si Zealum dahil ang tagal niya sa labas. Laking pagtataka ko ng hindi ko matanaw si Zealum. Wala siya, kahit 'yong kumausap sa kanina wala rin. Bumagsak ang balikat ko. Hindi naman kasi niya gawain na umalis ng hindi nagsasabi sa akin kahit pa emergency pa 'yan. Hindi ko tuloy maiwasan mag-isip at masaktan sa ginawa niya. Minabuti ko nalang bumalik sa loob at tignan ang dalawa. "Tumawag sa'kin si Kapitan isinama raw ang asawa mo sa ACC para magmonitor para sa parating na fiesta. Alam mong 'yong asawang mong 'yon ang maasahan ni Kap para sa mga ganyan." aniya, tumango nalang din ako. Pero sa totoo lang naiinis pa rin ako dahil niya lang nagawang magpaalam sa'kin. Hindi naman emergency kaya may time siyang magsabi pero hindi niya ginawa. Ngayon masasabi kong may tampo ako na hindi ko alam pero parang gumaganti sa ginawa ko. "Sabihin mo huwag muna siyang umuwi mamaya hanggat hindi humuhupa ang inis ko!" Hindi ko mapigilan nasabihin dahil sa bugso ng damdamin. Taka naman akong binalingan ni Trixia at mayamaya ay nagtanong na. "Napano ka naman? Nag-away kayo?" Umiling ako. "Inaway ka?" Muli ni'tong tanong na siyang kinailing ko. "Impossible naman na awayin ka no'n." Sabi niya at tumango sa sariling sinabi. "Anong pinuputok ng butse mo?" Sumimangot nalang ako dahil hindi ko rin malaman kung anong dahilan. I mean alam ko, ang kaso kung titignan ang babaw ng dahilan ng pagkainis ko sa kanya. "E aminado naman na hindi ka matiis ng asawa mo na may galit ka sa kanya. Mas gugustuhin nga no'n na ikaw ang galit kasya siya ang galit. Mas siya pa nga itong magpapakumbaba at handang sumalo ng galit dahil sa takot na mawala ka." Napasandal nalang ako at natahimik sa sinabi niya. "Hasyt, nawa'y lahat nasa tamang tao." Dagdag pa ni'to. Ako, ako na naman ang mali. Madalas sa'kin nagmamumula ang problema. At lagi rin akong napapatanong at paanong nakakaya niyang kasama ako? Hindi ba siya napapagod? E paulit-ulit ko lang siyang sinasaktan, binibigyan ng problema, iniiwan pa. Hindi ba sapat na dahilan 'yon para iwan at maghanap siya ng iba? Ewan ko! Doble ang inis ko tuloy sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD