Chapter 46 - Honeymoon

1271 Words

"Mosh, huwag na kaya tayo tumuloy?" hindi malaman ni Trish kung bakit bigla na lamang siyang kinabahan. Halos nangangalahati na sila ng daan na tinatahak papuntang resort nang biglang dumilim ang langit. Wari mo'y may paparating na delubyo. "Is it okay with you?" may pag-aalalang tanong ni Miggy. Halos nanlalamig na rin ang palad ng asawa nang hawakan niya ito. Siya man ay kinakabahan sa biglang pagbabago ng panahon. "Yes. It's fine with me. Sa hotel na lang tayo tumuloy. Puwede rin namang umuwi na tayo." suhestiyon nito. Hindi naman si Miggy nag-atubiling sundin ang sinabi ng asawa nito. Agad niyang pina U-turn ang driver nila pauwi. Halos isang oras na rin ang nakalipas nang tinahak nila ang daan patungo sa resort at ngayo'y isang oras na naman ang gugugulin nila sa kalsada pabalik.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD