Kasalukuyang nagpapagaling si Trisha pati na rin ang driver na minor lang ang sugat na natamo mula sa aksidente. Hindi naman din matindi ang inabot ni Trisha. Ngunit may nararamdaman na p*******t pa rin ng ulo at katawan ang dalaga. Nang magising ito sa panaginip ay mahigpit na niyakap niya ang kanyang Ina. Pakiramdam niya ay totoo ang mga napanaginipan niya. Para bang nanlulumo siya sa isiping hindi siya maaalala ng asawa matapos ang aksidente. Tila ba isang babala ng maaaring mangyari. "Mom... Si Miggy. What happened to him? I want to see him. Please let me see him." habang patuloy na humahagulgol sa Ina. "Hija, makakasama sa iyo ang pagkilos at pag-iyak. Kailangan mong magpahinga para makarecover ka kaagad." sa halip na sagutin ang tanong ng dalaga ay iyan lamang ang sinabi ng Ina ni

