"Mosh, how are you?" isang malapad na ngiti na may pag-aalala ang salubong ni Trisha sa asawa nang makadalaw ito. Ngunit nang makalapit siya rito ay napakunot lamang ang noo nito. "Okay na ba pakiramdam mo?" tanong pa rin ni Trisha. Ngunit sa halip na sumagot ito sa kanya ay nakatitig lamang ito. "Actually, pinilit ko lang sila mommy. Gustong gusto na kitang dalawin dahil alam kong miss mo na ako. Miss na Miss na rin kita." ngunit hindi pa rin natitinag ang kausap. Nakatitig pa rin ito na tila nag-iisip kung kilala ba niya ang kanyang kaharap. Paano'y ilang araw na ay hindi pa rin pinalalabas ng ospital si Trisha kahit pa maayos na siya. Halos 72 hours na siyang naghihintay na padalawin sa asawa pero palaging idinadahilan ng mga ito na nagpapahinga si Miggy. Napamaang si Miggy sa babae

