"No. Hindi patay si Felicity. No, Mom! No!" halos pagsakluban ng langit at lupa si Miggy sa nalaman. Kahit na sinabi pa nitong matagal na ang mga pangyayari ay parang kahapon lang. Pakiramdam niya ay parang kailan lang sila kinasal pagkatapos ay wala ito kaagad. "Hijo, that happened few years ago. Matagal nang wala si Felicity at ang baby niyo sa sinapupunan niya. And you're now married to Trisha." nailing lang si Miggy. Gusto niyang sumigaw pero tila walang boses na lumalabas sa bibig niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang Ina. Kaya pala hindi siya nito dinadalaw sa ospital. Kaya pala iba ang babaeng dumadalaw sa kanya. "Pero bakit hindi ko siya maalala?" inis na bulong niya sa sarili. Ilang linggo na rin niya itinataboy ang babaeng hindi naman niya kilala. Sa tuwing dadalaw

