Matured Content Hindi na mabilang ang araw na binibisita ni Miggy ang puntod ni Felicity. Madalas ay natatagpuan niya ang sarili na nasa harap ng puntod nito. Paulit-ulit na nagbabalik sa isip niya ang mga pangyayari bago mawala ang dating asawa. Kahit hindi niya kasalanan ay sinisisi niya pa rin ang sarili. Alam niyang kailangan niyang magpakatatag pero nahihirapan siya. Ilang beses din kasi niyang pilit iniwasan ang pag-iisip dito pero tila kailangan niyang solusyunan ang sariling problema. Katulad ng mga nagdaang araw ay natagpuan na naman niya ang kanyang sarili sa harap ng puntod ng yumaong anak at anasawa. "Felicity, I still love you..." patuloy ang pag-agos ng luha ni Miggy habang nakaharap sa puntod ng yumaong asawa. Ang buong akala niya ay okay na siya. Akala niya ay naka-move o

