"Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit pati ang patay ay pinagseselosan ko. Mali ba? Mali ba na pagselosan ko ang patay?" saad ni Trisha sa sarili. Alam niya namang mali lalo pa at wala namang magagawa ang patay sa kanila pero alam niya na hanggat hindi buo ang puso ni Miggy ay hindi rin magiging buo ang pagmamahal nito sa kanya. "Mosh, wake up. Tara sa beach?" aya ni Miggy sa kasintahan. Matapos nilang maglakad-lakad kagabi at mag-dinner ay nakatulog sila kaagad nang dahil sa kapaguran. "Hmm?" tipid na saad niya na kunwa'y kagigising niya lang. Pikit ang matang sinilip nang bahagya ang binata. Nag-inat pa nang kaunti pero ang totoo ay hindi pa siya nakakatulog. Magmula nang mag-confess si Miggy sa kanya kagabi ay hindi na napakali ang isipan niya. Pinilit nam

