"Besh, you have a visitor." seryosong sabi ni Sophia kay Trisha na kasalukuyang nagche-check ng data sa computer. Agad naman niyang tiningnan ang nakadungaw sa pinto na kaibigan. Ang kaninang seryosong mukha nito ay napalitan ng malapad na ngiting tila nai-glue na yata sa pisngi nito. "Visitor? Sino? I don't recall any meeting with a client today." kunot-noong saad niya habang nakapangalumbaba ang isang kamay at nakatukod ang siko sa mesa. "And why are you staring at me like that? Sino ba ya--?" hindi pa man tapos magsalita ang dalaga ay agad na iniluwal ng pinto ang bisita. Napaawang ang labi ng dalaga na tila ngayon lang nakakita ng ganoong bulto sa harapan niya. Isang matipunong binata na pink na long sleeve ang suot. Hindi alam ni Trisha sa sarili niya pero attracted siya sa lalakin

