"Don't worry dad. After Renz medication ay magpapakasal na kami. 'Di ba Summer?" Aniya sabay tingin kay Summer. "Nabigla si Summer sa ginawi ni Lawrence ngunit mas lalo siyang nabigla sa sinabi nito kaya agad siyang tumingin rito. "Ah—eh opo," nahihiyang tugon. Nagliwanag ang mukha ng tatlong naroroon. "Naku! Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo," masiglang wika ng ama ni Lawrence saka sila inakay sa mesang naroroon dahil handa na roon ang munting salo-salo na hinanda. "Hoy Carlo, sunog na ang barbeque," ani Wendy sa kasintahan ng mapansing nakatulala ito. "Ay oo nga pala," anito saka sila muling nagtawanan. "For sure Wendy. Naiinggit lang itong si Carlo. Baka gusto na ring magpakasal kasi baka maagaw ka pa ng iba," pang-ii

