Natulos si Summer sa ginawang pag-akap sa kaniya ng lalaki. Mas lalo pa siyang natigilan ng maramdaman niya ang paghalik nito sa kaniyang leeg. Nang akmang hahalikan ulit siya nito ay medyo umiwas siya. Hindi dahil ayaw niya kundi dahil iba na ang epekto niyon sa kaniya. Sa simpleng hawak o halik lamang ng lalaki ay tila umiinit ang buong kapaligiran niya. Bago pa kung saan mapunta ay iiwas na siya. Maging si Lawrence ay medyo nabuhayan ng dugo ngunit hindi niya pwedeng kanselahin ang meeting niya sa kaniyang gagamiting props sa gagawing surpresa kay Summer. Ramdam man ang pag-init ng katawan ay kinailangan niyang supilin. Iyon lang ang pagkakataon niya upang makausap ang mga taong makakatulong sa kaniya. Maging si Winter ay kasangkapan niya sa gagawing

