Rose POV
(Mommy Calix)
Hawak ko ngayon ang pusa ni Calix. It’s so cute. Mabuti na lang Wala dito ang asawa ko ngayon kung makita nya na niyayakap ko ang Pusang baka mapatay pa nya ito knowing him masyadong seloso pa naman yun konting bagay lang pinagseselosan na.
“Ma I’m going”
“Ok”
Nagulat ako kanina ng umuwi ito na naka anyong lobo tapos May kagat kagat pang pusa akala ko nga patay na ang pusa eh mabuti na lang buhay ito. Usually kasi kapag nasa anyong lobo ito pinapatay niya at kinakain o pinaglalaruan. Maybe this cat is very special na hindi nya pinatay at kung bitbitin pa niya parang ayaw nyang masaktan ito.
Sino kaya ang nag bigay nito sa kanya??
Impossible naman na si Joshua o iba nyang kaibigan kasi alam naman nila na kahit kailan hindi Kami nag alaga ng pusa.
“Meow meow”
“Oh gutom kana? Anong pangalan mo?”
“Meow”
Hehhehe ang cute nya talaga.
Hanna POV
Ang saya saya ko talaga ngayon dahil tinanggap ni Calix my love si white yieee my baby na kami. Pumunta kaya ako sa Dark Knight Pack at ligawan ang pamilya nya para naman kapag naging legal madness Kami hindi na kami mahihirapan.
Tama kung gusto kong maging akin si Calix kailangan na ligawan ko ang pamilya nya ay ang pack nya para naman makilala nila ko mwahahahha ang talino ko talaga.
Pagkatapos ng klase namin pumunta agad ako sa Dark Knight Pack para tignan kung Gani sila karami para maipagluto ko sila na pwede kong dalhin bukas dahil Wala namang pasok. Hindi kinalimutan ang pabango na binigay ng kaibigan ko para hindi nila ako maamoy.
Nang makarating ako sa boarder ng pack nakita ko agad ang mga nagbabantay sa pack. At ngayon ko Lang na realize malaki pala ang kanilang populasyon. Alam ko na mararamdaman nila ako Kaya tinago ko ang presensya ko para hindi nila malaman na nandito Lang ako ta Dali Dali akong pumunta sa kanilang pack house and I’m amazed it’s so big na parang mansyon hindi palasyo yata to.
May nakita akong bukas na bintana sa Itaas kaya inakyat ko ito at nakita ko si Calix na kausap si white na parang nagkakaintindihan silang dalawa hehhehe
“Pusa bakit ka kaya binigay sakin ng panget na yon”
“Meow”
“Siguro Tama ka”
“Meow”
Hindi ko alam na naiintidihan pala ng mga werewolf ang mga pusa? Hmmm
CALIX POV
nandito ako ngayon sa kwarto ko at kausap ko ang wlang kwentang pusa na ito
Habang tinitignan ko ito hindi ko malimutan ang ka cutetan ni Hanna habang bibibigay sakin to a hahhahaha
“Meow”
“Oh anong kailangan mo pusa?”
“Meow”
“Wala ka bang ibang alam na salita kundi meow Lang Ha “
“Hoy Tao pusa yan alangan naman na magsalita yan na parang Tao” sabi ng lobo ko
“Ikaw nga eh nagsasalita kahit aso ka”
“Ga** lobo ako lobo iba ako sa aso kaya wag mo Kong ipagkumpara sa kanila”
Pikon mabuti na lang gwapo ako
(Anong connect)
Walang pakielamanan basta gwapo ako
(Edi wow)