Chapter 11

575 Words
Calix POV May nararamdaman ako na para bang May humahalik sakin at naamoy ko rin ang si Lanna pero impossible dahil next month pa ang balik nya sa pack. “Babe wake up”  Pagkasalita nya alam ko nang nandito sya pero parang May nagbago hindi ko na maramdaman ang pagka excite tulad ng dati ka da bumabalik sya. Tinitigan ko sya na parang hindi makapaniwala “Hindi mo ba ko yayakapin?” Hindi ko alam pero nakakaramdam ako na  parang nagchecheat ako Kay Hanna. Winaksi ko yun sa isip ko dahil hindi iyon Tama si Lanna ang girlfriend ko sya Lang dapat ang Iniisip ko at hindi ang iba. Kaya niyakap ko si Lanna. “Bakit bumalik kana?” “Bakit parang hindi ka masaya na nandito na ko?” “Hindi naman sa Ganun nagulat Lang ako dahil sa pagkakaalam ko next month pa ang dating mo” “Mabilis kong Tinapos lahat ng schedule ko para makasama ka dahil nalalapit na ang mating season” Nakaramdam ako ng lungkot dahil oras na matapos na namin ni Lanna ang mating process Wala nang atrasan ito. “Babe hindi ka ba masaya?” “Masaya syempre dahil finally magiging akin ka na talaga” at hinalikan ko si Lanna . Kailangan ko nang iwasan at Kalimutan si Hanna dahil hindi sya makakabuti para sa relasyon namin ni Lanna. “Oh maligo ka na may pasok pa tayo” “Ha?” “Babe papasok na ko” “Paano ang pag momodelo mo?” “Sabi ng manager ko tatawagan na lang nya ko kapag May bago namang project” “Ah Ganun ba” Umalis na ko at pumasok na sa banyo. Lanna POV  Alam ko na May nag bago hindi ko man alam kung ano yun pero Ramdam ko na hindi na sya tulad ng Dati na Tuwing Babalik ako hindi sya pumapasok para lamang makasama ako ng buong Gabi. Siguro May iba na sya pero hindi ako papayag dun matagal akong naghintay para mapasakin si Calix at para maging luna ng pack na to at hindi ako papayag na mawala lahat ng pinaghirapan ko. “Babe pagkatapos mo dyan bumaba ka na ha at Sama na lang tayo kumain ng agahan” “Ok babe” Bago ako umalis inayos ko muna ang damit na susuotin nya at bumaba na agad . Pag kababa ko nakita ko ang mga Walang kwentang omega tsk. “Ayusin nyo nga ang ginagawa nyo. Tignan nyo nga ito May mga kalat pa mga wala talaga kayong kwenta” “Opo Lanna” “Luna. I’m going to be your luna Kaya umpisahan nyo nang tawagin ako ng ganyan.” “Mawalang galang na Lanna pero sa tingin ko hindi ka nararapat na maging luna” Aba’t ang Walang kwentang omega na to. Anong karapatan nyang sabihin yan kaya sinabunutan ko sya “Kahit anong mangyari ako Lang ang magiging luna nyo naiintindihan mo ?” “Ahh masakit” “Talagang masasaktan ka kapag Inulit mo pa ang sinabi mo” sabi ko bago ko siya itinulak  “Kayong mga omega matuto Kayong rumespeto sa mas nakatataas sa Inyo” Tsk. Mahihina na nga sila, mga Bobo pa  Lalabas na sana ako ng makita ko si tita rose at May bitbit na pusa “Hi tita” “ oh hi hija mabuti naman at nakabalik ka na” “Oo nga tita eh masyado ko na kasing namimiss si Calix kaya tinapos ko agad” “Kailan pala kayo mag mamate” “Sa mating season tita. By the way ang cute naman ng pusang hawak nyo daan nyo na pulot yan?” “Ah ito ba bigay raw ito ng kaibigan ni Calix sa kanya” “Babae po ba?” “Hindi ko alam hija eh hindi naman na banggit ng anak ko.” “Ganun po ba?” Kapag nalaman ko na babae ang nagbigay nyan Kay Calix at May gusto pa sya sa mahal ko sisiguruhin ko napapatayin ko sya kasi baka siya pa ang maging sagabal sa lahat ng plano ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD