School
Hanna POV
Kriiiing kringgg
Yes lunch time ma ibibigay ko na rin Kay Calix ang niluto ko para sa kanya kanina ko pa dapat nabigay kaso wala sya sa canteen. Himala nga na hindi sya mag breakfast sa canteen eh
Pagbukas ko ng pinto nang canteen nakita ko agad si Calix sa pwesto nila at May katabi syang magandang babae. Wag mong sabihin na nangangaliwa sya sakin?
“Oh nandito na pala si Hanna eh” sigaw ni Joshua
“Hi Calix my love” hinalikan ko sya sa pisngi para naman malaman nang katabi nya na akin na sya.
“My Love?” Tanong ni babae
“Oo bakit May problema ka ba?”
“He’s my boyfriend aren’t you informed that he is already in relationship?”
“Alam ko pero girlfriend ka pa Lang naman nya hindi ba? Kaya pwede ko pa syang maagaw”
“Ang lakas naman ng loob mo sa mukha mo na yan? Sinong siraulo ang papatol sa iyo?”
Aba’t bangasan ko kaya ang mukha nya
“Babe that’s enough” sabi ni Calix sa babae
Babe pinasosyal pa ni Calix ang pag tawag sa babaeng yan bakit hindi baboy na lang ang tinawag nya.tsk....
Tinignan naman ako ng babae na parang pinapakita sakin na panalo sya. Akala pa naman nya nanalo na sya Kaya ningisihan ko sya na parang naghahamon kaya na wala ang ngisi sa labi nya at tinignan ako ng masama.
“Calix my love pinagluto kita”
Sasagot na sana sya sakin kaso nilagyan ko na ang Pinggan nya para hindi na maka angal mwahahhaha
Lanna POV
Bwis** na babae to sa harapan ko pa Mismo nilandi ang boyfriend ko hindi na nahiya.
Kaya sa sobrang galit ko tinapon ko sa kanya ang lahat ng pagkain na nilagay nya sa pinggan ng Calix ko.
“Malandi ka nasa harap mo na ko nilalandi mo pa ang boyfriend ko” sigaw ko sa kanya. Susugod na sana ako ng pigilan ako ni Calix
“Babe enough”
“Ako ang mate nya kaya May karapatan ako na landiin sya”
Nagulat ako sa sinabi ng babaeng ito at tinignan ko si Calix pero Iniwas nya Lang ang tingin nya.
“Ikaw ang malandi alam mo naman na hindi ka niya mate pero nilandi mo pa rin sya para markahan ka niya”
“HANNA TAMA NA PWEDE BANG WAG MO NANG PALAKIHIN ANG GULO”
“Pero Calix sya ang mag umpisa”
“SHUT UP WALA KA NAMANG HALAGA SAKIN EH SI LANNA ANG MAHAL KO AT SI LANNA ANG MATE KAYA PWEDE BANG TANTANAN MO NA KO AT PLEASE NAKIKIUSAP AKO WAG MONG SIRAIN ANG RELASYON NAMIN NI LANNA.”
Napangisi ako sa sinabi ni Calix pero biglang nawala iyon dahil sa sinabi ng hanna na yun
“No ako ang mate mo at kahit itulak mo ko nang palayo alam ko sakin pa rin ang bagsak mo at sigurado ako dun. Ikaw babae hindi ko hahayaan na mapunta sayo ang mate ko”
Kumulo ang dugo ko at nakaramdam ng takot dahil sa sinabi nya. Hindi pwede, hindi ako papayag akin si Calix akin Lang hindi ko hahayaan na makuha sya. Papatayin ko ang babaeng yun papatayin ko.