IILING-ILING si Vladimir sa kanyang nakikita. Nasa loob siya ng pamamahay ng isang babaeng nagngangalang “Carla Aragon.” Ito ang pangalang lumutang sa pag-iimbestiga ng mga tauhan ni Ezekiel tungkol sa fund transfer at deposits sa bank accounts ng killer. Pinuntahan agad niya ang bahay ng babae para mangalap ng karagdagang ebidensiya. Nakapasok siya roon nang walang nakakakita. Ni wala itong guwardiya o katulong. Magulo ang bahay. Nakakita naman siya roon ng ebidensiya. Nagkalat sa silid ng babae ang mga litrato ni Ezekiel, habang ang mga larawan ni Bainisah ay may pulang ekis. Mukhang obsessed fan ito ni Ezekiel na naniniwala ring may relasyon ang magpinsan. Ayon din sa nakalap niyang impormasyon, minsan nang napasok sa isang mental asylum ang babae. Mula ito sa isang may-kayang pamilya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


