bc

Story Of Us Trilogy Book 1: A Love To Cherish (Completed)

book_age0+
4.0K
FOLLOW
30.3K
READ
kidnap
arrogant
warrior
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Sa trabaho lang ni Bainisah bilang newscaster nakasentro ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay lumitas ang kanyang knight in shining armor sa katauhan ng guwapong sundalo na si Vladimir Mondragon. Iniligtas siya mula sa nagtangka sa buhay niya. He evoked strange but powerful emotions she ahd never felt before. Napakahirap balewalain ang damdaming iyon. Daig pa nila ang apoy na naglalagablab kapag nagkakalapit sila.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“GRRR!” Inis na ibinalibag ni Bainisah ang sangkaterbang diyaryo na ginagamit niya sa kanyang job hunting. Halos iyon pa rin ang mga job advertisement na nakalagay roon.  Napuntahan na niyang lahat iyon at napasahan na ng resume. She was Bainisah Gandamato or “Bai” to her friends and family. Tubong-Mindanao ang kanyang ina pero dahil sa kaguluhan doon ay napilitan silang manirahan sa Bohol kung saan siya isinilang at lumaki. Hindi niya alam kung sino ang kanyang ama. “Putok sa buho” ang tukso sa kanya ng mga kalaro niya noong maliit pa siya lalo pa at apelyido ng kanyang ina ang gamit niya. Nang lumaki siya, noon niya nalaman mula sa kanyang ina na biktima ito ng panghahalay at siya ang bunga. Kaya raw huwag na niyang tangkaing kilalanin pa ang kanyang ama. Mula pagkabata ay pinangarap na ni Bainisah na maging isang sikat na newscaster kaya ginawa niya ang lahat para makapagtapos sa kursong Mass Communication sa San Marcelino College—isang maliit na kolehiyo sa Bohol—sa kabila ng kanilang kahirapan. Sobrang saya niya noong magtapos na siya. Punong-puno siya ng pag-asa na makakamit niya ang pangarap niya. Niyaya agad niya ang kanyang ina na lumuwas ng Maynila dahil mas maraming oportunidad doon para sa kursong tinapos niya. Suportado nito ang pangarap niya. Ibinenta nila ang maliit nilang lupa sa Bohol at iyon ang ginamit nila sa pagluwas sa Maynila. Umupa sila ng maliit na paupahang bahay sa Paranaque. Subalit dumating ang malaking dagok sa buhay niya. Isang gabing umuwi ito ay h-in-old up ito. Nanlaban ito kaya sinaksak ito ng walang pusong holdupper. Mabilis namang nahuli ang maysala subalit malamig na bangkay na ng kanyang ina ang nadatnan niya sa ospital kung saan ito isinugod ng mga taong sumaklolo rito. Halos magdilim ang buong mundo niya dahil ito lang ang mayroon siya. She cried day and night. Nagluluksa man ay batid niyang kailangan niyang magpatuloy sa buhay. Ilang buwan pagkatapos ilibing ang kanyang ina ay ipinagpatuloy na niya ang paghahanap ng trabaho. Alam niya na iyon din ang gugustuhin nito saan man ito naroroon. Pero hindi naging madali ang lahat. Hindi kasi niya inakala na malaking factor pala ang eskuwelahang pinanggalingan ng isang aplikante. Ilang beses niyang naranasan ang diskriminasyon pero hindi pa rin siya sumuko at itinuloy pa rin niya ang pag-abot sa kanyang pangarap. May mga istasyon naman ng telebisyon na walang diskriminasyon pagdating sa eskuwelahan. Iyon nga lang, iisang sagot din lang ang natatanggap niya at iyon ay tatawagan na lang daw siya. Subalit sa ilang linggong paghihintay niya ay walang dumating ni isang tawag kaya pinanghihinaan na talaga siya ng loob. Ayaw naman niyang subukan ang mga lokal na diyaryo dahil telebisyon nga ang puntirya niya. Pero mukhang maisasantabi na niya ang pangarap dahil nauubusan na siya ng pera. Atrasado na nga siya sa upa sa bahay. Mabuti na lang at kaibigan niya si Valerie, ang anak ng may-ari ng paupahang bahay. Pero kailangan niyang makahanap na ng kahit anong trabaho sa lalong madaling panahon. Isang araw ay binulabog ang pagmumuni-muni ni Bainisah ng katok sa pinto. Hindi na niya pinagkaabalahang ayusin ang hitsura niya sa pag-aakalang si Valerie lang iyon. Ang telephone number kasi nina Valerie ang inilagay niya sa kanyang resume. Nakiusap siya rito na agad iparating sa kanya sa sandaling may tawag na para sa kanya. Agad na binuksan niya iyon upang manlaki lang ang kanyang mga mata sa lalaking napagbuksan niya. Ito ay walang iba kundi si Ezekiel Moreno, ang CEO at chairman ng Moreno Brodcasting Network na isa sa pinag-apply-an niya. Sa pagkataranta niya ay bigla na lang niyang isinara ang pinto at sumandal sa likod niyon. Ano ang ginagawa ng isa sa pinakakilalang tao sa bansa sa hamak na bahay nila? Huminga siya nang malalim para payapain ang sarili. Kinakabahan siya dahil hindi siya sanay humarap sa ganito kalaking pangalan. Noon lang nangyari na may prominenteng tao na naligaw sa lugar nila. Nang makabawi sa pagkabigla ay dali-dali niyang itinali ng goma ang magulong buhok. Wala na siyang magagawa pa sa suot niyang pambahay dahil baka mainip na si Mr. Moreno sa labas ng pinto nila. Wala siyang maisip na konkretong dahilan para pumunta ito roon gayong hindi niya ito personal na kilala. Sa magazines at telebisyon lang niya ito nakikita. Ilang beses na tumikhim muna siya bago nanginginig ang kamay na binuksan ang pinto. Nahigit niya ang hininga nang muli niyang masilayan ang guwapong mukha nito. Mas guwapo pala ito at mas matindi ang karismang taglay nito sa personal. Bukod doon, tila ang gaan aagd ng loob niya rito. Nakangiti ang mga mata nito at parang napaka-welcoming ng dating. It was definitely a contradiction of what the public had seen. Lagi kasing seryoso ito at tila hindi marunong ngumiti kapag nakikita sa publiko. “Hi,” bati nito. “H-hello, Sir,” kiming tugon niya. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito, pero atas ng kagandahang-asal ay pinapasok niya ito sa hamak niyang tahanan at pinaupo sa upuang yari sa kahoy. Wala naman siguro itong masamang balak sa kanya dahil ano naman ang mapapala nito sa kanya o sa bahay nila? Nagpasalamat ito bago naupo. Lihim na tumaas ang isang kilay niya dahil tila wala itong pakialam sa masikip na bahay niya. Maging ang isinilbi niyang juice dito na kinanaw lang mula sa concentrated powder juice ay maayos din nitong tinanggap gayong pupusta siya na laging freshly squeezed fruit juice ang iniinom nito. Tumikhim muna ito bago nagsalita. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang pakay ko, Bainisah…” wika ni Zeke na nakangiti bagaman makikita sa mukha ang bahagyang nerbiyos. “S-Sir…?” tanging nasabi niya. “Honestly, I don’t know how to start. Pero mas makabubuti siguro na deretsahin na kita.” Huminga ito nang malalim. “We’re cousins. Magkapatid ang daddy ko at ang daddy mo.” Umawang ang mga labi niya sa sobrang pagkabigla. Tama ba ang narinig niya? Magpinsan sila ni Ezekiel Moreno? “P-pakiulit nga…” “Magpinsan tayo, Bainisah. Magkapatid ang ama ko at ama mo,” ulit nito. Tila umalingawngaw ang mga salitang iyon sa kanyang pandinig. Pagkatapos ng ilang sandali, tumalim ang kanyang mga mata. “Nagbibiro ka ba?” tanong niya, nagtitimpi ng galit. Wala na siyang pakialam kung sino ang kaharap niya dahil tila sasabog ang dibdib niya sa galit. Kung nagsasabi ng totoo si Ezekiel, ibig sabihin lang niyon ay ang tiyuhin nito ang nang-rape sa kanyang ina. “Ang mga ganitong bagay ay hindi dapat ginagawang biro, Bainisah…” “Kung ganoon, ang tiyuhin mo ang nagkasala sa nanay ko!” Hindi niya napigilang magtaas ng boses. “Perhaps, in so many ways…” tumatango-tangong sabi nito. “Pero sa maniwala ka at sa hindi, minahal ni Tito Andrew ang nanay mo.” Pagak na tumawa siya. “Minahal? Pagmamahal ba ang tawag sa panghahalay? At bakit niya ako tinalikuran na anak niya?” Kumunot ang noo nito. “I’m sorry, pero sinasabi mo ba na ni-rape ng tito ko ang nanay mo? Bainisah, we have inconsistent stories here. Sa pagkakaalam ko, nagkaroon ng relasyon ang dalawa. Right love at the wrong time, maybe. Dahil nang makilala ni Tito Andrew ang nanay mo ay kasal na siya sa iba. Nalaman ni Tita Helena—ang asawa ni Tito Andrew—ang bagay na iyon. At katulad ng mga Moreno ay makapangyarihan din sa Cotabato ang angkan ni Tita. Tinakot ni Tita Helena ang nanay mo kaya napilitan ang nanay mo na umalis ng Mindanao.” “Hindi iyan totoo!” “Iyon ang kuwento sa akin ni Tito Andrew bago siya bawian ng buhay. Hindi naman na siguro magsisinungaling ang taong hinuhugot na ang huling hininga niya, `di ba?” “At ang nanay ko ang nagsinungaling, ganoon ba?” hindi makapaniwalang tanong niya pero tila may nagbubulong sa isip niya na nagsasabi ito ng totoo. Umiling ang binata. “Hindi ko sinabi iyon. I mean, paano pa natin malalaman ang katotohanan gayong pare-pareho nang patay ang mga taong involved? Maaaring sinabi ng nanay mo ang bagay na iyon para hindi ka na magtanong pa.” Tumulo ang mga luha niya. May punto ito. “Totoo man o hindi, pinabayaan pa rin niya ako…” kagat-labing wika niya. Naalala niya ang mga pagkakataong kailangan niya ng isang ama. Ama na magtatanggol sa kanya at magtuturo ng maraming bagay. “No. Bainisah, hindi niya alam ang tungkol sa `yo,” mahinang wika nito. Napatitig siya rito. “A-ano ang ibig mong sabihin?” “Three years ago ay na-involve sa isang car accident sina Tita Helena at Tito Andrew. Tita Helena was dead on arrival. Si Tito naman ay critical. He wished to speak with me alone. Paputol-putol niyang ikinuwento sa akin ang tungkol sa kanila ng isang babaeng nagngangalang ‘Marisah Gandamato.’ Hindi ko malilimutan kong gaano kaaliwalas ang kanyang mukha habang nagkukuwento. He was even smiling…” Napalunok siya. Patuloy sa pagtulo ang mga luha mula sa mga mata niya. Nananakit na rin ang kanyang lalamunan dahil sa mga hagulgol na gustong kumawala. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang mga sandaling iyon dahil sa totoo lang ay samut-sari ang mga damdamin sa kanyang dibdib. “On his final words, ipinakiusap niya sa akin na hanapin ang nanay mo para ihingi siya ng tawad dahil sa karuwagan niya. Mas pinili daw kasi niya na hayaan nang lumayo ang nanay mo dahil baka kung ano ang gawin dito ni Tita Helena.”   “Kung gano’n, paano mo nalaman ang tungkol sa akin?” tanong niya kay Ezekiel. “Katulad ng ipinangako ko kay Tito Andrew, ipinahanap ko agad ang isang Marisah Gandamato sa mga PI. Medyo nahirapan sila dahil sobrang limitado ang impormasyong meron ako. Idagdag pang walang record sa NSO ang iyong ina.” “H-how did you find me then?” “Noong mag-apply ka sa MBN, napadaan ako sa screening room. I heard your voice as you were doing your on-the-spot report. Nabighani ako sa boses mo. Nasabi ko agad sa sarili ko na may potensiyal ka na maging isang newscaster. I don’t know why I suddenly got interested with you. Kinuha ko ang resume mo. You just can’t imagine my shock nang mabasa ko ang pangalang nakalagay bilang nanay mo.” Huminto ito saglit. “Nakikiramay ako. I learned halos kamamatay lang niya.” Tumango lang siya. Ilang saglit na pinroseso niya sa kanyang isip ang mga sinabi nito. “P-paano ka nakasigurong pinsan mo nga ako? Puwede akong maging anak ng nanay ko sa ibang lalaki, hindi ba?” “It had been a month since your application at MBN. Sapat na panahon na iyon para masiguro ko kung ang nanay mo nga ang hinahanap ko at kung tama ang kutob ko na pinsan nga kita. First, we do the ABO Blood group typing. Alam mo ba kung ano ang ABO Blood group typing?” Tumango siya.  Iyon ang paraan kung saan imina-match ang mga blood type ng mga magulang at tinitingnan kung ano ang posibleng maging blood type ng magiging anak. “Mula sa ospital na pinagdalhan ng nanay mo, nalaman ko na Type A siya. Ang mga Moreno ay type B. Using ABO grouping, posible na maging anak nila ay may blood type na AB.” Umawang ang bibig niya. “Type AB ako. Pero hindi sapat na basehan iyon para maniwala ako sa sa `yo.” “Of course, alam kong hindi sapat na ebidensiya iyon. Pero malaking tulong ang ABO typing para gawin ko ang next step—ang DNA testing. Dahil patay na si Tito, last resort ko na lang ang ipahukay ang mga labi niya para kumuha ng DNA sample. Ayon sa research ko, puwedeng kumuha ng DNA specimen sa closest relative ng deceased person dahil halos magkapareho diumano ng DNA strands ang mga ito. Tinatawag iyon na Avuncular DNA testing. Sa ganoong paraan, puwedeng malaman kung magkamag-anak ang dalawang tao.  Sa father ko ang ibinigay ko habang sa `yo naman ay, well, may inutusan akong tao para kumuha ng hair strand mo nang palihim at kumuha rin ako sa daddy ko. Bukod doon, nagbigay rin ako ng sarili kong hair strand para i-match sa `yo. It made the confirmation. You are my cousin, Bainisah.”         

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Twins

read
263.6K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.0K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.4K
bc

Payment of Debt

read
87.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Married By Mistake

read
170.9K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
444.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook