“MAY HINIHINTAY kang tawag, Bai?” tanong ni Zeke sa kanya. Marahil ay napansin nito na kanina pa siya pasulyap-sulyap sa telepono niya. It was Sunday morning. Nasa gazebo sila at naglalaro ng Scrabble. “W-wala,” pagkakaila niya bago itinutok ang paningin sa Scrabble tiles na nasa kanya. It was her turn para tumira pero hindi siya makabuo ng magandang Scrabble word na puwedeng ipantapat sa word ni Zeke. Kagabi pa siya nakatutok sa cell phone niya dahil hinihintay niya na tawagan siya ni Vladimir pero hindi ito tumatawag. Ni text message ay wala siyang natatanggap. “Matutulog muna ba ako?” Napatingin siya rito. “H-ha?” clueless na tanong niya. Zeke chuckled. Nang-aasar na nakatingin ito sa kanya. Tumingin ito sa suot na wristwatch. “Ten minutes ago pa nang tumira ako. It was your turn,

