JULY WHEW! Akala ko raratratan na naman ako ng tigreng babae dahil sa nasaksihan sa kusina. Buti na lang dumating si Sofia agad at sinabi ang buong katotohanan kung bakit nakaupo sa kandungan ko si Haruka. Sofia was my savior at that moment. Gusto ko na kasing maging good terms na kami ng tigreng babaeng yun para naman hindi na ako mahirapan sa pagbabantay sa kanya. Kailangan ko ng cooperation nya para mas masecure ko yung kalagayan nya. Tsk. Lumalala na kasi ang banta ng mga bampira sa presidente at sa nangyari sa bar nung isang gabi, patunay lamang na mas lalo silang nagiging agresibo sa banta sa presidente. I excused myself sa kusina when my phone suddenly rang. Ang sama pa rin ng tingin sa akin ni Natalia while Haruka was still trembling sa nangyari kanina. Inaalo naman sya ni Sof

