NATALIA "OPAW! Ano ba? Relax, pre. Makakarating rin tayo kay bossing. Wag kang mag-alala." pigil ng piloto sa kalbo. "Tumahimik ka rin! Bilisan mo ang pagpapatakbo. Nangangati na yung kamay ko sa perang makukuha ko kay bossing. Makakapagsugal na uli ako. Kaya magmadali ka na!" utos ng kalbo na ang pangalan pala ay Opaw, sa piloto. Tumahimik nga ito at sinunod si Opaw. Meanwhile, me and July was still holding hands. Ang sweet na sana, 'di ba? Pero mas nababalutan ng pagkatakot yung diwa ko sa nangyayari. "Do you trust me, Nat?" bulong ni July sa akin. Ang lapit ko na pala dito dahil siniksik ko yung sarili sa kanya. Nakakatakot si Opaw eh! Baka maiputok nya yung baril nya. No! Hindi pa ako pwedeng mamatay! "Nat, do you trust me?" ulit nyang bulong sa akin ng 'di ako sumagot. Tumango

