JULY NAGISING ako sa lamig na aking nararamdaman sa aking bandang paanan. Pinilit kong imulat ang aking mga matang agad ring napabalik sa pagpikit dahil sa sobrang liwanag na sumalubong sa akin. Wolf? Nasaan tayo? I reached out to my wolf pero ungol lang ang sinagot nya sa akin. I opened my eyes again, dahan-dahan. Alam kong nag-aadjust pa ang mga mata ko sa sinag ng araw. At first, it was all blurry, then nung nakaadjust na ang mga mata ko'y nakita ko na ng maayos kung nasaan ako. I was on the seashore. Ang lamig na naramdaman ko kanina sa paanan ko ay dahil pala sa tubig dagat. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nasa isang isla ako at may isang napakalaking kasukalan. Then the memories why I'm here came back to my thoughts. Ang pagtangkang pagkidnap, labanan sa chopper, pagsa

