JULY MAAGA akong nagising para magawa ko rin ng maaga ang paghahanap ng gagawin kong masisilungan namin ni Natalia. Though masakit pa rin ang ulo ko at humahapdi, bearable na naman ito. Iniwan ko si Nat, na pinalago ko muna ng mabuti ang bonfire para 'di ito ginawin at tinakpan ito ng ilang malalaking dahon na nakita ko sa malapit. Madilim pa kasi ng iwan ko ito. Nagmamadali kong hinanap ang kahit na anong pwedeng gawing materyales para sa gagawing bahay-bahayan namin ni Nat. Kailangan kasi talaga yun kung ganitong parang matatagalan kami sa paghintay ng rescue dito sa Isla. Wala rin kasi kaming magawa ni Wolf dahil 'di namin macontact though link sina Chief o sino man sa pack ko. I guess, masyado kaming malayo para maabot nila ang kinalalagyan ko. I'm just hoping for the best na magali

