Kinabukasan... JULY "NAT?" balikwas ko ng bangon ng 'di ko sya naramdamang nasa tabi ko. Naglalaglagan ang mga dahong maaring pinangtakip nya sa aking kahubdan habang ako'y payapang natutulog mula sa masarap na pagpupulo't gata namin kagabi. Ahh, kagabi. Hindi ko napigilang mapangiti ng maalala kung gaano nagresponse si Natalia sa maiinit at mapupusok kong labi. Kung paanong pagod na pagod ako dahil paulit-ulit naming ginawa iyon because we can't get enough with each other. Natigil lang ako sa aking pagmuni-muni ng makitang umakyat si Nat, freshly bath at dala-dala ang iilang prutas sa mga kamay nito. "Good morning. Gising ka na pala." nakangiting bati nya sa akin at inilagay ang mga prutas sa aking harapan tsaka ito umupo sa aking tabi. ‘Definitely a good morning.’ Indeed, wolfie!

