Chapter 5

1127 Words
(Audrina's POV) Habang bumabiyahe kami ay hindi ko maiwasang kabahan. Marami akong inaalala sa mga oras na ito. Inaalala ko na baka gawin nga talaga akong runner ni Shawn sa negosyo niya. Natatakot ako kasi baka may mga pulis tapos mahuli ako, tapos isasakay sa patrol car, tapos ibabalita sa telebisyon at malaman nila Mommy. Wah! Ano na lang kaya ang iisipin nila mommy sa 'kin? "Audrina?" "Ay, shabu!" Nagulat ako nang biglang magsalita si Shawn. Natakpan ko tuloy ang bibig ko. "Anong Shabu?" He asked confusedly kaya naman ay napalunok ako. "H-huh? Ah wala iyon, hubby." Umiwas pa ako ng tingin sa kaniya. "Saan na naman ba nilipad 'yang imagination mo?" Tanong niya sa akin. "A-ano kasi, iniisip ko kung ilang kilo kaya 'yong ipapabenta mo sa akin na shabu." Tugon ko na naging dahilan para mag-preno si Shawn. "What the f*ck!" Mura niya. "Sabihin mo na kasi sa 'kin, Hubby na drug lord ka." Sabi ko at nakita ko ang pagdilim ng anyo nito na parang gusto nang manapak. "What the hell, Audrina! Anong akala mo sa akin drug sindicate?" Bigla naman akong napakamot sa batok ko. "Eh, akala ko kasi nagbebenta ka ng shabu tapos ang dahilan kung bakit mo ako pinasama ay dahil gusto mo akong gawing runner?" Napabuga ng malakas na hangin si Shawn. Hinilot niya rin 'yong sintido niya. "Can you please zip your mouth for now? Mamaya ka na magsalita pagdating doon, okay?" Sabi niya kaya tumango na lang ako. "Aye, aye captain!" Sumaludo pa ako at napailing na lang si Shawn. Ilang minuto lang ay na sa tapat na kami ng isang napakataas na gusali. Huminto kami at nabasa ko ang pangalan ng Kompanya. "Dawson Enterprise?" Ang buong akala ko ay sa isang tago at lumang lugar kami pupunta. Kasi nga 'di ba akala ko drug syndicate si Shawn pero hindi naman pala. Para naman akong nabunutan ng isang malaking tinik sa dibdib ko. Pumasok na kami sa loob ng building at kapansin-pansin ang pagbati ng lahat kay Shawn. Pero itong si Hubby ay hindi man lang ngumiti o bumati pabalik sa kanila. Kaya ang ginawa ko, sa tuwing may bumabati kay Shawn ako na bumabati pabalik. Nginitian ko pa sila ng napaka-tamis. Tuluyan na kaming nakapasok sa opisina ni Shawn at nadatnan namin na may isang babae ang naghihintay doon. "Good morning, Sir. Your appointments are waiting for you, Sir." Sambit niya at ngumiti pa siya ng malapad. Napansin ko lang na napakaikli ng suot niyang dress at bakat na bakat ang dalawang maumbok niyang dibdib. "Hi, miss beautiful." Binati ni Yuhan ang babae at ngumiti lang ito sa kaniya. "Later, may gagawin pa ako." Tugon ni Shawn kaya umalis na ang babae pero bago 'yon ay tinignan niya ako at ngumisi. Hala? Anong nangyari do'n? Umupo ako sa tabi nila Yuhan. May gusto din kasi akong itanong sa kanila. "May tanong ako sa inyo." Bulong ko sa tatlo. Pinilit kung hinaan ang boses para hindi marinig ni Shawn. Busy kasi siya sa mga paper works na nakatambak sa mesa niya ngayon. "Ano 'yon, Miss Audrina?" Chorus na tanong nilang tatlo. "Hindi ba drug dealer si Shawn?" Tanong ko na nagpatawa sa kanila nang malakas. "Anong… klaseng tanong 'yan? Takte, Miss Audrina." Tawang sabi ni Joshua. Napasimangot naman ako. Ang labo naman pala nilang kausap. "Audrina, lumayo ka sa kanila. May mga virus 'yan, mahawa ka pa. Narinig kong sabi ni Shawn. Namutla naman ako. Hala, may mga virus sila, OMG! Agad-agad akong lumapit sa table ni Shawn at kinuha ang alcohol. Agad kong tinapunan ng alcohol silang lahat. "s**t! Ano 'to, Miss Audrina?" Nagtatakang tanong ni Kian sa akin. Pilit nilang iniiwasan ang pag-spray ko ng alcohol. "Sabi ni Hubby may virus kayo kaya kailangan ko kayong paliguan ng alcohol." Hinabol ko pa sila pero pilit silang umiiwas. Naririnig ko pa si Shawn na tumatawa kaya naman ay biglang may naisip ako. Dahil kasamahan niya ang tatlong ito posible rin na may virus si Hubby. "Holy cow!" Biglang napatayo si Shawn sa ginawa ko. "Ikaw rin, hubby kasi baka may virus ka sinc magkasama naman kayong tatlo, e." Sabi ko at pilit siyang abutin pero hindi ko maabot. "Ngayon boss, pantay-pantay na lahat." Malakas na sigaw ni Yuhan at ang office ni Shawn ay nagmistulang play ground. (Shawn's POV) Kanina pa nakauwi si Audrina sa mansion. Pinauna ko na dahil may gagawin pa ako. Ngayong araw ang meet up ng buong Mafia Organization and I should be there because I am their leader. "Ano ng plano mo, boss?" Yuhan suddenly asked. "What plan?" I asked nang hindi tumitingin sa kanuya. "Your plan about the company you want to get." Dugtong niya kaya napaayos ako ng upo. I smiled when I remember how Dad and I talk about it. Binigay niya na sa akin lahat ng kompanya. Dahil sa tinupad ko ang kasunduan namin. Ang kasunduan namin na kailangan kong magpakasal muna para makuha ang kompanya. That's why Audrina is here. (Audrina's POV) Dahil sa nobobored ako kakahintay kay Shawn ang ginawa ko ay sinubukan kong bilangin ang hibla ng aking buhok pero bakit gano'n? Ang hirap pala magbilang. I decided to stop counting it at nag-decide ako na umakyat sa taas. As usual ginapang ko 'yong hagdan. Sabi kasi ni Mommy na baka mahulog daw ako kapag nilakad kaya naman ginapang ko na lang ito. Napahinga naman ako nang maluwag ng na akyat ko na ito. Nagtungo ako sa may veranda ng bahay at doon malayang nagmamasid sa labas. Makikita kasi 'yong pagdating nila Shawn. Bigla akong napangiti ng matanaw ko ang kotse na paparating. I know that it's Shawn kaya dali-dali akong bumaba at sinalubong sila. "Hello, hubby." Masigla kong bati. Blanko lang na nakatingin sa 'kin si Shawn samantalang sina Yuhan ay pasipol-sipol lang sa isang tabi. "Gising ka pa pala." Sabi ni Hubby. "Hala oo naman, bakit hubby akala mo tulog na ako?" Nakangiti kong tanong sa kaniya. He didn't answer me at nauna nang naglakad. Bad mood ata siya, e. "Hubby…" I did not finish my sentence nang biglang humarap sa 'kin si Shawn at masama akong tinignan. "Look, I'm not in the mood para sa mga walang kwenta mong sasabihin, okay? So, please leave me alone." Napahinto naman ako at bagsak ang balikat na pumasok sa kuwarto. Para namang tinusok 'yong puso ko. Bakit kaya gano'n siya? Hala? Baka nakulam si Shawn. Anong Gagawin ko? I need to call mom right away. Malakas talaga ang pakiramdam ko na nakulam si Shawn dahil bigla siyang nag-iba. I tried calling mom pero out of coverage siya kaya naman lumabas ako ng kuwarto dahil pupuntahan ko si Shawn. Kailangan kong alisin ang kulam sa kaniya. Kailangan kong pilitin siyang pumunta sa arbularyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD