(Audrina's POV)
Simula no'ng maikasal kami ni Shawn ay dito na ako nakatira sa mansion niya. Nakakatakot nga e, kasi ang laki tapos may hagdanan pa. Sa tuwing aakyat ako ay ginagapang ko na lang.
Sinusunod ko pa rin 'yong turo sa akin ni Mommy, e. Dahil sa gusto kong mamasyal ay nag-decide ako na aakyat sa taas.
Nagsimula na akong gumapang at na sa ikalawang linya na ako ng biglang may nagsalita sa taas.
"What are you doing?" He asked coldly. Peke akong ngumiti sa kaniya.
"Umaakyat po ako." Sagot ko sa kanya. Bigla namang nag-alburuto 'yong puso ko dahil sa lakas ng t***k. Ang guwapong nilalang kasi ang na sa harapan ko ngayon.
Kakagising niya lang. Hindi kami magkatabi ng kama, ayoko nga gapangin pa niya ako, e. Magagalit si Mommy.
"Bakit ka gumagapang?" He asked again.
"E-eh, ano kasi para hindi ako mahulog. Turo sa akin ni Mommy." Sabi ko at napangiwi lang siya. Nagsimula na siyang maglakad patungo sa akin.
Hanggang sa nakalapit na siya sa akin. Pinantay niya ang mukha namin at amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Akala ko hahalikan niya ako pero nagulat ako sa ginawa niya. Itinayo niya ako at walang pasubaling binuhat.
Dinala niya ako sa taas saka ingat na binaba. I bite my lower lip dahil sa kilig. Takte, hindi ako makapagsalita.
"Wala ka bang pasok ngayon?" He asked me out of the sudden. Bakit niya tinatanong?
"Hala, bakit mo tinatanong kung may pasok ba ako?" Nakita ko naman na nagbuntong hininga siya at kalaunan ay nag-smirk.
"Kaya nga nagtatanong ako hindi ba? Sa pagkakaalam ko nag-aaral ka remember?" He asked at nag-isip naman ako.
"Ay oo nga pala. Pero may pasok na pala ang linggo ngayon? Naku po late na ako." Bigla akong kinabahan.
"You are very slow woman. Sunday has no class. Kaya tinatanong kita kung aware ka ba na linggo ngayon. Pero ang siste alam mo na linggo pero akala mo may pasok naman." Naiiling na sabi niya. Speechless ako kasi ang taas ng sinabi niya.
"E, pinaglalaruan mo ba ako?" Tanong ko pero umiling lang siya. Iniwan niya akong nakatulala.
"Magbihis ka lalabas tayo." Sabi niya at bigla akong napangiti. Hala ang saya, lalabas daw kami.
Agad naman akong nagbihis at lumabas sa kuwarto ko. Nadatnan ko doon sina Shawn at tatlo pang lalaki na kasama niya. Nakasuot sil ng tuxedo suite. Hala bakit ang pormal naman yata nila?
"What the the hell." Gulat na gulat ang mukha ni Shawn na napatingin sa akin banda. Tinignan niya ako mula baba hanggang pataas. Ang lapad ng ngiti ko sa labi dahil sa ginawa niya.
"Miss Audrina, maliligo kayo sa beach ni bossing?" Tanong ng isang guwapong lalaki na ngayon ay nandito din. Hindi ko pa alam pangalan nila pero aalamin ko naman.
"E, hindi mo naman sinabi agad sa akin na sa beach pala tayo,Shawn. E di sana nagdala ako ng sunblock." Nakalabi kong sabi sa kaniya.
"Laugh trip ka talaga, Misa Audrina!" Napatingin naman ako sa tatlong lalaki dahil sa biglang pagtawa nila ng malakas. Para silang mamamatay na sa kakatawa.
"Shut up!" Galit na turan ni Shawn sa kanila. Kaya silang tatlo ay pasipol-sipol na nakatingin sa ceiling. Nagtaka naman ako sa tinitignan nila kaya ay hinahanap ko din kung ano ba ang tinitingnan nila ngayon.
Naramdaman ko ang isang kamay na biglang humawak sa wrist ko. Hinila niya ako at pumasok kami sa loob ng kuwarto.
Pinagmamasdan ko lang si Shawn na naghahalungkat sa mga damit ko. Ano ba kasing mali sa suot ko? Naka-loose shirt ako at naka-jogger. Tapos may Cute pa na hat akong suot.
"Wear this." Inihagis sa akin ni Shawn 'yong dress ko. Hindi ko ito nasusuot kasi naiilang talaga ako magsuot nang ganito. Napapalabi na lang ako at pumasok na sa closet. Wala na naman akong magagawa kung hindi ang sundin siya. Tinignan ko ang repleksiyon sa salamin.
"Hala, sino ka?" Tinanong ko pa 'yong babae na ngayon ay na sa salamin. Pero habang nagsasalita ako e, nagsasalita rin siya. Ginagaya niya ang mga ginagawa ko.
Pero naalala ko, ako pala to. In fairness nagmukha akong tao ngayon. Nagdesisyon na din akong lumabas na sa banyo at nadatnan ko si Shawn na nakaupo sa kama ko. Inilagay ko pa ang kamay ko sa likod ko.
Napatingin sa gawi ko si Shawn at hindi ko mawari kung anong reaksiyon niya. He stared me deep to my eyes.
"That looks better with you." h
He said kaya napangiti ako.
May iniabot si Shawn sa akin na isang high heels at sinuot ko naman. Marunong naman akong gumamit nito pero medyo lang naman.
Magkasama kaming lumabas ni Shawn sa kuwarto at naabutan namin ang tatlong lalaki na ngayon ay nakanganga. Hala sino kaya tinitignan nila?
Napatingin-tingin naman ako sa paligid pero kami lang naman ang na sa harapan nila o hindi kaya?
Namutla ako. Paano kung May nakikita sila na 'di ko nakikita. Napakapit ako sa kamay ni Shawn. Ang akala ko ay tatabigin niya ang kamay ko pero hindi. Hinayaan niya lang ako at kumabog naman ng malakas ang puso ko.
Sumakay kami sa isang kotse ni Shawn kung saan, siya ang nagmamaneho at ang tatlong lalaki ay na sa kabilang kotse.
"Shawn?" Tawag ko sa kanya.
"What?" Sambit naman niya.
"Kailan honeymoon natin." Dahil sa sinabi ko ay napa-preno ng wala sa oras si Shawn.
Nagtataka akong napatingin sa kanya. Nakita ko rin na namumula ang kaniyang mukha dahil sa sinabi ko.
"Uy, Shawn." Pinindot ko pa 'yong pisngi niya. Pipindutin ko pa sana pero pinigilan niya kaagad ang kamay ko.
"Let's not talk that here. Baka maaksidenti pa tayo." Sabi niya at ngumiti lang ako.
"Okay po." Nagpatuloy sa pag-drive si Shawn hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng isang napakalaking Bahay. Unang bumaba si Shawn at pinagbuksan ako ng pinto.
Inalalayan niya ako kaya napangiti naman ako dahil sa pagiging gentleman niya.
"Dito na ba tayo titira?" I asked at napaubo lang si Shawn bilang tugon sa akin.
"Nah, it's my parents house." Sabi niya na kinatigil ko. Hala? Naku po. Parang gusto kong umatras.
"E, Shawn maiiwan na lang ako sa kotse k-kasi…" Sabi ko at nakataas kilay lang si Shawn.
"kasi?" He asked.
"Ano kasi… n-naiwan si teddy baka umiyak siya. Tama babantayan ko si Teddy sa kotse. Sige, bye-bye." Aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko. Parang bolta-boltaheng kuryente naman ang naramdaman ko na dumaloy sa magkahawak naming kamay.
"Don't make lame excuses, woman. Hindi uubra sa akin 'yan." Sabi niya at nagsimula ng maglakad pero nagmatigas ako. Pinilit kung tumakas pero ayaw niya talaga akong bitawan kaya wala akong nagawa.
Tuluyan na nga kaming nakapasok sa loob at maraming bisita ang nando'n. Kinakabahan na nga ako.
Baka kasi kapag nakita ako ng mga magulang niya mag-transform silang alien para takutin ako. Uwaaaaa, takot ako sa alien.
Mommy tulong!